Chereads / Dumaguete: Sa Pagsapit ng Dilim / Chapter 1 - Landong Baliw

Dumaguete: Sa Pagsapit ng Dilim

🇵🇭Jokan_Trebla
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 31.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Landong Baliw

2:30 nang madaling araw lumabas si Jane sa pinapasukang call center, masama ang pakiramdam nya kaya maaga siyang nag off. Maliban sa iilang natutulog sa karton sa gilid nang kalsada ay wala nang ibang tao. Naglakad si Jane patungo sa labasan, tanging tunog nang kanyang hills sa semento ang maririnig. Palingon-lingon siya sa likod, naninigurong walang sumosunod sa kanya, pakiramdam nya kasi parang may nagmamasid sa kanya.

Nagulat sya nang mula sa itaas ay may na rinig siyang humiyaw

"KWAAA!!" tumayo ang kanyang mga balahibo nang sumagi sa isip nya ang sinabi nang kanyang lola tungkol sa isang nilalang na gumagawa nang kanong tunog.

"KWAAAAA!!!" Sa pangalawang pagkakataon ay narinig nya ang hiyaw. Tumakbo sya sa abot nang kanyang makakaya, walang ibang laman ang isip nya kundi ang makalayo sa madilim na lugar na iyon.

Mas binilisan pa nya ang pagtakbo nang napansin nyang may sumusunod sa kanya.

"Wag ka nang tumakbo miss, hindi naman kita sasaktan!!"

Napatili nalang si Jane nang maramdaman nyang may sumunggab sa kanyang leeg. Mahigpit ang pagkakakapit nito na napipigilan ang daloy nang dugo papunta sa kanyang utak. Unti-unting nagdidilim ang kanyang paningin hanggang nawalan siya nang malay.

Nagising si Jane sa tunog nang mga butong binabali at mga laman na pinupunit at tinatanggal mula sa katawan. Medyo malabo pa ang kanyang mata pero naaaninag nya sa dilim ang isang nakahandusay na lalaki habang unti-unting kinakain nang isang nilalang na may maitim na balat, mahahaba at magugulong buhok. Tinitigan nya ang mukha nito at nakita nya kung paano nginunguya nang matatalim nitong ngipin ang laman nang lalake, mapupula ang mga mata nito na sa panahong iyon at nakatitig na pala sa kanya. Gusto nyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig, hindi na rin sumusunod sa kanya ang kanyang katawan, nanginginig nalang ito sa takot at tanging pag-iyak nalang ang kayang gawin nito.

Ilang minuto rin ang tinagal hanggang tumigil ang halimaw sa pagkain sa katawan nang lalake na sa mga oras na iyon ay nagmistula nang isang kalansay. Tumayo ang halimaw at naglakad palunta kay Jane.

"Wag....wag po.... Maawa ka.... Wag mo akong kainin....please...." Umiiyak na pagsusumamo ni Jane sa halimaw.

Umupo ang halimaw sa harap ni Jane at niyakap siya nito nang napakahigpit.

"Wag matakot, hindi kain mabait na bata si Lando" Nauutal ngunit mapanindig-balahibong sabi nang halimaw.

Binitiwan nito si Jane at tumalon ito sa bubong nang gusali at tuluyang naglaho sa dilim.

Kinaumagahan naging laman nang mga balita ang isang lalake na karumaldumal na pinatay, binalatan ito at tinanggalan nang mga lamang loob at pati ang mga laman nito ay kinuha. Hindi makilala ang bangkay sa pinsalang natamo nito, tanging mga suot nitong damit at singsing ang dahilan upang makilala ito nang kanyang mga kaanak. Kilalang halang ang bituka nang lalake at madalas daw itong nanghoholdap sa lugar na iyon, minsan pa raw eh ginagahasa pa nya ang mga biktima nya.

Isang linggo ring hindi nakapasok sa trabaho si Jane, hindi mawala sa isip nya ang mga pangyayari. Tandang-tanda nya ang itsura nang halimaw, ang maitim nitong balat, ang mahahaba at magulong buhok nito, ang mga matatalim na pangil, ang tunog nang mga binabaling buto, mga laman na pinulunit ang nginangatngat, ang amoy nang masansang na dugo, at ang mukha nang lalake na nakaharap sa kanya habang kinakain nang halimaw ang kanyang katawan. Paulit-ulit itong nakikita nya sa bawat pagpikit nang kanyang mga mata. Madalas din niya itong napapanaginipan kaya hanggat kaya nya ay hindi sya natutulog.

Pinilit ni Jane na bumalik sa trabaho nang tinawagan sya nang supervisor nya masisisante na siya kapag hindi pa xa bumalik. Takot man sya sa nangyari pero mas takot syang mawalan nang trabaho.

4:30 nang umaga, sabay lumabas nang opisina si Jane at ang kanyang mga kaibigan sa trabaho. Nagyaya ang isang kaibigan nya na kumain muna bago umuwi, sumang-ayon agad si Jane. Gusto nyang umuwi na maliwanag na, takot syang maglakad sa dilim mag isa papunta sa kanilang bahay.

Sa isang sikat na kainan kumain ang magkakaibigan, pumwesto sila malapit sa salamin na makikita ang nasa labas. Marami nang mga sasakyan na dumadaan sa mga oras na iyon. Napansin ni Jane ang mga batang natutulog sa tabi nang daan, nakahiga lang sa karton at mahimbing na natutulog. Naisip nya kung bakit hindi inaatake nang halimaw ang mga batang ito na kung tutousin ay mas madaling biktima pagkat ang mga ito ay walang kalaban-laban sa halimaw.

Nakatitig lang si Jane sa mga bata nang biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang pulubi, nasa labas ito nang kainan at nakatayo lang ito habang nakatitig kay Jane. Nagbalik sa ala-ala ni Jane ang mukha nang halimaw, nahahawig ito sa pulubing nakatitig sa kanya ngunit hindi pula ang mata nito at walang matatalim na ngipin. Sa takot ay napaatras si Jane mula sa salamin, dali-dali itong tumayo at pumasok sa C.R. nagtaka ang mga kasama nya dahil napansin nila ang pamumutla nang mukha ni Jane at ang panginginig nang kanyang mga kamay. Sinundan siya nang isang kasama nya sa C.R. at nakita siya nito na umiiyak.

"Jane bakit ka umiiyak? Napano ka?" Tanong nito sa kanya.

Hindi sumagot si Jane, bagkus patuloy itong umiyak. Nagsidatingan ang iba pa nyang mga kasama at niyakap siya nang mga ito. Medyo nawala ang takot na naramdaman ni Jane at naisip nya na hindi sya papabayaan nang mga kaibigan nya.

Palabas na sila mula sa C.R. nang biglang may sumigaw.

"Holdap to! walang gagalaw!!"

Nakita nila ang isang lalake na may hawak na baril at tinututok ito sa cashier. Bulagta naman sa sahig ang gwardia at duguan ang ulo nito. Dahan-dahan silang bumalik sa loob nang C.R. at sinara ang pinto sabay lock nito. Naririnig nila ang iyakan sa labas, at ang boses nang holdaper na nag-uutos sa cashier na ibigay lahat nang pera sa kaha. Ilang sandali pay narinig naman nila itong kinukuha ang mga selpon at wallet nang mga customers. May isang customer na naririnig nilang nanglalaban at ayaw ibigay sa holdaper ang wallet nito, sinisigawan nito ang holdaper at pinagbantaan ito.

Naghiyawan ang lahat nang umalingasaw ang putok nang baril at sinundan ito nang pagmamakaawa nang customer na nanlaban, ngunit imbes na maawa ay pinaputukan pa ito nang tatlong beses.

Hindi mapigil nila Jane ang kanilang pag iyak kaya narinig ito nang holdaper. Pilit na binubuksan nang holdaper ang pinto nang C.R. ngunit naka lock ito.

"Buksan nyo ang pinto kung ayaw nyon sipain ko ito at pagbabarilin ko kayo dyan sa loob!!" Sigaw nang holdaper.

Nagsiksikan sila sa sulok habang umiiyak. Halos mabaliw sila nang pinaputokan nang holdaper ang doorknob nang pinto at sinipa ito pabukas. Bumungad sa kanila ang galit na galit na holdaper at tinutukan sila nito nang baril.

"Pinapainit nyo ang ulo ko!! Kung pagbabarilin ko nalang kaya kayo ngayon?! Huh?!!" Pagbabanta nang holdaper.

Walang nagawa ang mga babae kundi ang umiyak na lamang. Nakapikit ang kanilang mga mata sa takot, nagdarasal na sana ay mailigtas sila mula sa panganib na kanilang kinakaharap.

Binuksan ni Jane ang kanyang mata at nakita ang holdaper na nakatutok ang baril nito sa kanya, ngunit may napansin siya sa likuran nang holdaper. Nakatayo sa likod nang holdaper ang halimaw na nakita ni Jane dati. Nakangisi ito at kitang-kita ni Jane ang matatalim nitong pangil. Nanlilisik ang mga mapululang mata nito. Ilang sandali pa'y tumagos ang kamay nito sa dibdib nang holdaper, hawak-hawak nang kamay nito ang doo'y tumitibok pang puso nang holdaper. Bakas sa mukha nang holdaper ang pagkagulat at takot nang makita nya ang sariling puso. Sinandal nang halimaw ang holdaper sa pader at pinakita nito sa holdaper kung paano nito kinain at nginuya ang puso nya hanggang sa nawalan na ito nang buhay.

Sa pagkakataong iyon na may ilaw na at maliwanag, kitang-kita na ni Jane ang mukha nang halimaw, ang mapupulang mata nito, ang matatalim na ngipin na kumakagat at ngumonguya sa laman nang holdaper, ang pagbali nito sa mga buto at ningangat-ngat ang mga nakadikit na laman.

Ngunit sa mga oras na iyon ay nawala ang takot sa dibdib ni Jane, hindi nya maipaliwanag pero basta nalang nawala ang kanyang takot sa halimaw. Naramdaman nyang nag-e-enjoy sya habang tinitingnan ang holdaper na unti-unting nauubos habang kinakain nang halimaw. Hindi na nya marinig ang iyakan at hiyawan nang kanyang mga kaibigan, namanhid ang kanyang pakiramdam, unti-unti siyang naglakad patungo sa halimaw. Hinaplos nya ang pisngi nito at hinimas-himas ang ulo habang patuloy itong kumakain. Tinignan siya nito at ngumiti ito sa kanya, ngumiti rin si Jane at kumuha nang kapirasong laman mula sa holdaper at isinubo ito sa bibig nang halimaw. Hinugot nang halimaw ang atay nang holdaper at gamit ang matalim nitong koko ay humiwa ito nang maliit na piraso at isinubo kay Jane. Sa tanang buhay nya ay yun ang pinakamasarap na pagkaing natikman nya. Kinuha ni Jane ang buong atay mula sa kamay nang halimaw at nilamon nya ito.

Mula nung gabing iyon ay hindi na muling nakita nang mga kaibigan at pamilya niya si Jane. May nakapagsabing nakita raw nila itong natutulog sa karton sa tabi nang daan, palakad-lakad sa gabi, at nagmamasid lang sa dilim, nagbabantay, nagmamatyag sa mga kriminal na nambibiktima nang mga inosente.