Nagising si Mary sa malalakas na katok sa kanyang pinto. Bumangon sya at ikinasa ang kalibre kwarenta y singko na baril. Sinilip nya ang bintana at nakita si Landong baliw na tila takot na takot at umiiyak sa harap nang kanyang pinto. Pinagbuksan nya ito at pinapasok, pinaupo sa sofa at naghanda sya nang makakain sa mesa.
"Anong sadya mo Lando, bakit ka nanginginig? Halika ka't kumain ka muna" Paanyaya ni Mary nang matapos itong mag handa nang mesa.
Patuloy na nanginginig sa takot si Lando habang kumakain. Halatang gutom na gutom ito na kahit na nanginginig sa takot ay sige parin ito sa pagkain.
Nang matapos na ito sa pagkain, uminom ito nang tubig bago magsalita.
"M...May nakalaban L...Lando. P....parang aswang. P.....pero hindi aswang..... Hindi sya kain tao p..pero t...ta...takot mga tao kaya Lando....Laban... P...pero Lando talo..... Lando takbo bahay Mary..." Nauutal at takot na takot na si Lando.
"Ano?! hinahabol ka nang aswang tapos dito ka nagpunta sa bahay ko?!! Lando naman eh!!"
Nagulantang ang dalawa nang biglang sumabog ang pinto nang bahay. Nagsiliparan ang mga kahoy at semento sa lakas nang pagsabog nito. Agad na nakapagtago ang dalawa sa ilalim nang mesa habang inaabangan ang sunod na mangyayari.
Pumasok ang isang nilalang na doble ang laki kesa sa karaniwang aswang, nababalot ang katawan nito nang tila mga tattoo nang sinaunang Pilipino na kung tawagin nang mga kastila noon ay "Pintados". Pero ang tattoo na ito ay mistulang sugat na imbes na dugo ay mainit at nag-aapoy na liquido ang umaagos. Ang mukha nito'y parang isang leon na puno nang mahahaba at matatalas na mga pangil. Maging ang mga mata nito at parang dalawang butas na sa loob ay may nagbabagang apoy.
Kakaiba ang halimaw na ito, pero nakita na ito dati ni Mary, nakalaban at muntik na nga siyang mapatay nito. Sa katunayan iisa ang pinagkukunan nang kapangyarihan nila, ang Anito na si Talagbusao. Isa ito sa angkan na nananampalataya kay Talagbusao, isa ito sa sampung kalalakihan na binigyan ni Talagbusao nang kanyang kapangyarihan, tinawag silang Talagbusawan.
Gumapang si Mary at si Lando papunta sa kusina na may pinto palabas. Ang Talagbusawan naman ay patuloy sa pagwasak nang buong bahay, hinahanap nito si Lando. Nakalabas na sana sina Mary at Lando nang naalala ni Mary na nasa loob pala nang bahay ang kanyang baril at kristal na punyal. Binalikan niya ito habang si Lando naman ay agad nag palit anyo bilang aswang tumalon papunta sa ibabaw nang puno at doon nagmasid.
Pagbukas ni Mary nang pinto ay tumambad sa kanya ang Talagbusawan, galit na galit ang mukha nito at ito'y humiyaw nang napakalakas na sa sobrang lakas ay tumilapon si Mary. Agad na tumayo si Mary habang sumasambit nang orasyon at sa isang iglap gumaan ang katawan nito at bumilis ang kanyang galaw. Mabilis na tumakbo si Mary papunta sa pinto sa pag-aakalang hindi siya mahahabol nang tingin nang Talagbusawan. Ngunit ang mga Talagbusawan ay may pambihirang bilis na parang kidlat, hindi pa man nakakapasok si Mary sa pinto'y tumama siya sa braso na hinarang nang Talagbusawan. Napatanong nalang siya sa sarili kung paano biglang napunta doon ang Talagbusawan eh kitang-kita nya nang nilagpasan nya ito nang tumakbo sya sa pinto. Hinablot nang Talagbusawan si Mary at parang laruan na itinapon sa ere. Habang nasa ere ay sinundan ito nang Talagbusawan at sinipa ito paibaba na dahilan nang pagbulusok ni Mary pababa. Sa lakas nang pagkakabagsak ni Mary sa lupa'y parang may sumabog na bomba, nagsiliparan ang mga bato lupa at alikabok. Nang humupa na ang mga alikabok makikitang hawak-hawak na nang Talagbusawan si Mary sa leeg habang nakataas ang kanyang mga paa sa lupa.
Naalala ni Mary ang nangyari noong una siyang nakipaglaban sa isang Talagbusawan. Ganun din ang nangyari sa kanya, nakabitin habang hawak-hawak ang kanyang leeg nang Talagbusaw at akmang isusubo na sana, buti nalang may tumulong sa kanya noong mga oras na iyon. Pero ngayon, wala nang magliligtas sa kanya, ito na ang kanyang katapusan. Nakatingala si Mary habang isinusubo siya nang Talagbusawan sa kanyang bibig nang makita ni Mary si Lando sa taas nang puno na nanginginig sa takot.
"Bwesit kang baliw ka....nandyan ka lang pala di ka man lang tumulong...ikaw kaya nagdala nang halimaw na to dito.." Si Mary, sabay taas nang kanyang gitnang daliri at ipinakita kay Lando.
Nawawalan na nang malay si Mary dahil sa pagkakasakal sa kanya nang Talagbusawan, naramdaman nya sa kanyang paa ang dila nang Talagbusawan. Ngunit bago siya nawalan nang ulirat ay nagawa nitong sipain ang bunganga nang Talagbusawan at nabilaokan ito. Nakawala si Mary sa pagkakasakal sa kanya nang Talagbusawan, tumakbo siya papunta sa loob nang bahay upang kunin ang kanyang dalawang punyal ngunit naabutan sya nang Talagbusawan, nahuli nito ang kanyang paa at ibinalibag pataas, sa lakas nang pagkakabalibag ay nabutas at lumusot sya sa bubong. Sinalo siya ni Lando at itinakbo papalayo habang nasa loob pa ang Talagbusawan. Alam ni Lando na nawawala na ang bisa nang orasyon ni Mary, at pag nangyari yun kahit isang mahinang atake nang Talagbusawan ay ikamamatay nya. Hindi kakayanin nang katawan niyang tao ang ganung mga atake kung walang orasyon.
Nakalayo na si Lando ngunit sige parin ito sa pagtakbo, alam nyang masusundan parin sya nang Talagbusawan gaya nung pagsunod nito sa kanya sa bahay ni Mary.
"Takbo lang Lando, Hayaan mo akong matapos ang orasyon ko." Sabi ni Mary.
Nag orasyon si Mary habang karga-karga sya ni Lando. Takbo dito, talon dun hindi tumigil si Lando, hindi na nya alintana ang mga taong nakakakita sa kanya. Halo-halo ang reaksyon nang mga nakakakita sa kanila, may natatakot, at meron namang nakakakilala sa kanya bilang isang aswang na nagtatanggol sa mga tao laban sa mga kriminal nang lipunan.
Umabot si Lando sa Rizal Boulevard, salamat sa quratantine at walang tao sa lugar. Ibinaba nya si Mary at binantayan ito habang nag-oorasyon.
"L....Lando pagod, ayaw na t...takbo.... laban nalang Lando.. Mary bigat..." Reklamo nang kawawang si Lando.
Tumaas ang kilay ni Mary nang marinig ang sinabi ni Lando ngunit nagpatuloy ito sa kanyang orasyon. Alerto si Lando at ramdam nya na parating na ang Talagbusawan, lalong humaba ang mga koko at pangil nito at naghanda para lumaban.
Sa isang kisap mata lumitaw bigla ang Talagbusawan sa harap ni Lando. May malakas na pagsabog ang naganap at tumilapon nalang ang katawan ni Lando na wala nang malay. Puno ito nang sugat at bali sa katawan.
"Mga mababang uri nang aswang..." Boses na parang galing sa ilalim nang lupa ang boses nang Talagbusawan.
Bumagsak ang katawan ni Lando sa dagat, ngunit may natamaan itong bangka bago ito bumagsak sa tubig.
"AY PUCHA!!!!" Sigaw nang taong nasa bangka nang tamaan ni Lando.
Natuon ang atensyon nang Talagbusawan kay Lando kaya hindi nya napansin si Mary nang umatake ito sa kanya. Gamit ang mahahaba at matatalas na kuko'y kinalmot ni Mary ang Talagbusawan sa likod, napunit ang balat nito at tumalsik ang dugo at laman. Gulat na gulat ang Talagbusawan nang makita ang itsura ni Mary, nagbagong anyo ito na parang aswang pero napansin nyang hindi ito tunay na aswang, bagkus pareho sila nang pinanggagalingan nang kapangyarihan. Ramdam nang Talagbusawan ang kapangyarihan ni Talagbusao sa katawan ni Mary.
"Isang babae na Talagbusawan? Hindi ko yata alam na may babaeng binigyan ni Talagbusao nang kanyang kapangyarihan. Napakasaya nang araw na to!!! HALIKA AT BIGYAN MO AKO NANG MAGANDANG LABAN!!"
Gamit ang pambihirang bilis at lakas, umatake ang Talagbusawan, gamit ang kanang kamay ay sinunggaban nya ni Mary na mabilis namang umiwas at napaatras. Sinundan agad ito nang Talagbusawan nang sakmal na muntik nang hindi mailagan ni Mary at tanging buhok lang nito ang nakagat. Dahil kagat-kagat nang Talagbusawan ang buhok ni Mary, hindi na siya makakaiwas sa mga atake kaya sinabayan nalang nya ang atake nang Talagbusawan. Sinalubong nya ang mga atake nang Talagbusawan. Sinangga ni Mary ang kalmot paibaba nang Talagbusawan, gamit ang kaliwa nyang kamay at umatake gamit ang kanang kamay. Tinusok ni Mary ang tiyan nang Talagbusawan ngunit mabilis din itong nakatalon paatras, at dahil kagat-kagat pa nang Talagbusawan ang kanyang buhok ay nahila siya at napasubsob sa harap nang tumalon ito paatras. Bigla siyang inangat nang Talagbusawan at nang umangat ang katawan nya sa ere ay kinalmot siya nito. Laplap ang balat at laman sa tagiliran ni Mary, sa lakas nang pagkakatama'y tumilapon siya. Nakita nyang nasa bibig pa rin nang Talagbusaw ang kanyang buhok, ito ay nabunot mula sa kanyang anit. Tumulo ang dugo mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mukha, dinilaan niya ang dugo nang dumaloy ito malapit sa kanyang bibig.
"Alam kong malakas ang mga Talagbusawan pero di ko akalaing ganito sila ka lakas" Wika ni Mary sa sarili.
Akmang susugod na si Mary ngunit naunahan siya nang kalaban at tanging nakita nya ay ang tuhod nito na tumama na sa kanyang mukha, muling tumalsik si Mary. Hindi makatayo si Mary dahil sa bawat sandaling tatayo sya'y tinatamaan na siya nang mga atake nang Talagbusaw. Walang magawa si Mary kundi ang sumangga sa mga atake hanggat kaya nya.
"Bwesit, malapit nang maubos ang oras nang orasyon ko, babalik na ako sa pagiging tao, mawawala na sa aking ang kapangyarihan ni Talagbusao."
Umatake ang Talagbusawan nang isang uppercut at tumama ito sa dibdib ni Mary, lumipad pataas ang katawan ni Mary. Habang nasa ere ay bumalik na sa pagiging tao si Mary, wala na ang bisa nang orasyon nya at ikamamatay nya ang pagbagsak nya sa lupa. Napapikit nalang siya, ramdam nya sa kanyang pisngi ang hangin habang bumubulusok ang kanyang katawan sa lupa.
"Sayang at hindi ko nagamit ang aking dalawang punyal, maganda sana ang laban." Sambit nya habang nahuhulog.
"Sa bawat pagkakataon na nakikita kita lagi kang nalalagay sa bingit ang kamatayan, sabihin mo nga sakin bestfriend mo ba si kamatayan?" Isang taong may pamilyar na boses ang sumalo at nagligtas sa kanya sa kamatayan.
Sa isang iglap napunta sila sa tuktok nang isang gusali, nandun na rin si Lando na wala paring malay.
"Manggagamot ka diba? pagalingin mo ang sugat mo at nang kasama mo at tulungan nyo akong talunin ang kalaban. Hindi ko matatalo ito mag-isa."
Napangiti si Mary kahit sa iniinda nitong sakit nang makilala ang lalaking nagligtas sa kanya. Ito yung Talagbusawan na unang nakalaban nya, si Albert.
Nakita ni Albert na tumalon sa kanilang direksyon ang Talagbusawan kaya hinintay niya itong lumapag sa tuktok nang gusaling kinalalagyan nila at nang nakalapag na ito'y agad nya itong sinuntok at ito'y tumilapon pababa. Sinundan agad ni Albert ang Talagbusawan habang bumubulusok ito pa ibaba, parang isang missile si Albert na hinabol ang nahuhulog na Talagbusawan at saktong pag bagsak nito sa lupa'y bumagsak din si Albert na una ang paa at tumama sa katawan ng Talagbusawan. Nabiyak ang lupa sa lakas nang pagkakabagsak na yun.
"Ganyan pala maglaban ang dalawang Talagbusawan.... Ramdam ko ang pagyanig nang lupa at vibration sa hangin sa bawat pag atake nang dalawa. At naisip ko pang kaya kong talunin mag-isa ang Talagbusaw na yun gamit ang hiram kong kapangyarihan, hah nakakatawa." Sa isip ni Mary.
Nagbalik sa kanyang alala ang unang pagkikita nila ni Albert, mahina pa ito at lumalakas lang kapag nag anyong Talagbusawan, ngunit nawawala ito sa sarili, inaatake nito maging ang mga kasamahan nya. Malayong-malayo sa Albert na nakikita nya ngayon na kayang makipagsabayan sa isang Talagbusawan kahit hindi nagpapalit nang anyo.
Laking gulat nya nang bumagsak sa kanyang harapan si Albert na una ang ulo, bumaon pa yata ang ulo nito sa semento. Tinanggal nya mula sa pagkakabaon ang ulo nya at humarap kay Mary.
"Hindi ka pa ba tapos sa pagpapagaling nang mga sugat nyo?" Tanong ni Albert sabay kindat kay Mary.
"M..malapit na, kailangan ko lang pagalingin ang mga nabaling buto at isara ang mga sugat, p..pagkatapos nito pwede na kaming bumalik sa laban." Sagot ni Mary.
"Bakit ba kelangan pang kumindat sya? di tuloy ako makapag concentrate sa orasyon ko." Sa isip ni Mary habang pinipigilan ang sarili na ngumiti kaya kinagat nalang nya ang kanyang labi.
Tumalon muli pababa si Albert at muling nagsagupaan ang dalawang Talagbusawan. Lamang sa bilis at lakas ang kanyang kalaban dahil nagagamit nito nang buo ang kapangyarihan ni Talagbusao samantalang si Albert ay hindi pa nagpapalit anyo. Pinipigilan nyang magpalit anyo dahil mawawala nanaman siya sa kanyang sarili at takot siyang makasakit nang mga inosente.
Puno na nang kalmot ang katawan ni Albert mula sa mga atake nang kalabang Talagbusawan. Bagamat nakakasabay sya sa bilis, may mga atake na nakakalusot at tumatama sa kanya. Nagtatalsikan ang mga dugo at laman sa bawat atakeng tumatama kay Albert. Kung hindi lang sana nahulog sa dagat ang kanyang kristal na punyal nang tumama si Lando sa kanyang bangka eh may laban pa sana sya. Tumingala sya kina Mary ngunit hindi pa rin ito natatapos na pagalingin si Lando at ang sarili. Naisip ni Albert na wala nang ibang paraan kundi ang ilabas nalang ang pagiging Talagbusawan nya.
At nagbagong anyo na nga si Albert, gulat na gulat ang kalaban nang malamang isa rin palang Talagbusawan si Albert.
"Dalawang Talagbusawan sa isang araw? ang swerte ko naman yata ahahaha!" Nakatawang sabi nang kalaban.
"Bago natin ipagpatuloy ang ating laban, gusto ko munang magpakilala sa kapwa ko Talagbusawan, Ako si Lester isa..." Hindi na natuloy ang kanyang sasabihin dahil biglang sumugod si Albert, mabibilis na kalmot at sakmal na magkakasunod ang kanyang binitiwan, parang isang mabangis na hayop ito kung gumalaw. Nagulat si Lester sa pagbabago nang galaw ni Albert, tila ibang tao na ang kanyang kalaban, mabangis ito at walang takot na umaatake, kahit natatamaan ito'y patuloy itong sumusugod. Napapaatras si Lester sa ginagawang pag atake ni Albert, halos hindi na nya masabayan ang bilis at lakas nito. Habang tumatagal lalong bumabangis si Albert, pabilis nang pabilis at palakas nang palakas ang mga sipa, kalmot at sakmal nito, napapangisi ito sa bawat pagkakataon na tinatamaan si Lester.
Dahil sa bugso nang dugo ni Talagbusao na nananalaytay sa kanyang mga ugat, hindi rin mapigilan ni Lester ang ngumisi sa tuwa dahil sa napakagandang laban na ibinibigay nang kanyang kalaban. Tumigil ito sa pag atras at nakipagsabayan sa mga atakeng ibinibitaw ni Albert sa kanya. Mabibilis at sunod sunod na mga kalmot habang nakatayo nang harap-harapan, hindi iniinda ang mga pinsalang natatamo. Pabilisan kung sino ang makakapag bigay nang mas malaking pinsala sa kalaban, nagliliparan ang mga balat at laman sa bawat kalmot na tumatama. Mapapansin rin ang manipis na pulang ulap na pumapalibot sa kanila, ito ay dahil sa tilamsik nang dugo na nagmistulang spray dahil sa mabibilis nilang pag atake.
May kakayahan ang mga Talagbusawan na magpagaling nang mga sugat nang mabilisan, kahit yung mga pinsalang agad na ikamamatay nang normal na tao ay ilang segundo lang ang itinatagal at ito'y agad na maghihilom. Ngunit sa bilis nang mga atake nila ay hindi kayang mahabol nang katawan nila na hilumin ang mga sugat na natatamo. Labas na ang buto sa tadyang at ang iba rito'y basag-basag na ngunit patuloy parin ang dalawa sa pagpapalitan nang kanilang mga atake.
Ilang sandali pa'y hindi na kinaya nang katawan ni Albert ang mga pinsala at unang itong lumuhod. Agad na sinakmal ni Lester si Albert at inangat ito, gamit ang matatalas nyang kuko ay tinusok nya ang katawan ni Albert at hinugot mula rito ang mga lamang loob.
"Tingnan natin kung kayang pagalingin nang kapangyarihan ni Talagbusao ang pinsalang yan. Hahaha!!" Wika ni Lester habang ibinalibag ang katawan ni Albert ere.
Bago bumabagsak ang katawan ni Albert sa lupa ay sinalo ito nang sipa ni Lester na sa sobrang lakas nagliparan ang mga pira-pirasong lamang loob ni Albert at tumilapon sa malayo ang katawan nito. Wala na itong malay nang bumagsak sa lupa, kitang-kita na butas na ang buong harap ni Albert at durog-durog ang laman nito.
"Malas mo lang ako ang nakaharap mo, ako si Lester ang pinakamalakas na Talagbusawan!!" Sigaw ni Lester sabay halakhak.
Nagulat nalang si Lester nang napasuka ito nang dugo. Napaluhod ito sa lupa at nanghina dahil sa matinding laban nila ni Albert. Nahihilo ito at napasandal sa puno. Dahil sa panghihina'y bumagal rin ang paggaling nang kanyang mga sugat, tila naubos lahat nang kanyang enerhiya sa laban.
Sakto namang nagagawa na ni Mary at Lando na tumayo at lumaban, nagamot ni Mary ang mga malalang sugat, ginawa nya ang lahat para makabalik agad sila sa laban. Kahit wala pa sa isang daang pursyento ang kondisyon nang kanilang katawan, naghanda ang dalawa para lumaban. Nag bagong anyo si Lando at naging aswang, Si Mary nama'y nag orasyon para sa proteksyon laban sa mga atake, pampabilis nang kilos at pampalakas nang mga atake nya. Hindi pa nya pwedeng gamitin ang orasyon para magamit ang kapangyarihan ni Talagbusao dahil hindi na kakayanin pa nang katawan nya.
Sabay na tumalon pababa ang dalawa, nakita nila si Lester na punong-puno nang sugat at nanghihina. Ginamit nila ang pagkakataong yun para umatake, paglapag palang ni Lando sa lupa'y agad itong sumugod kay Lester. Kahit na nanghihina na'y lumalaban parin si Lester, binigay lahat ni Lando ang kanyang makakaya para pabagsakin si Lester ngunit sadyang matigas ang ulo nito at ayaw magpatalo.
Nakita ni Mary ang kalunos-lunos na kalagayan ni Albert ngunit hindi nya ito nilapitan. Anyong Talagbusawan parin ito, naalala nya nung una nilang pagkikita nagpalit anyo si Albert bilang Talagbusawan at kinalaban lahat nang nakikita nya, Hindi nya ito nagawang talunin kahit pinagtulungan nila itong kalabanin kasama si Rico na isang taong lobo. Lubhang mapanganib ang Talagbusawan na wala sa pag-iisip. Alam nyang buhay na buhay pa ito dahil hindi pa ito bumabalik sa pagiging tao, nagpapagaling lang ito ng mga sugat at nagpapahinga. Kung lalapitan nya ito ay siguradong aatakehin sya. Tinoon nya ang kanyang pansin sa kalaban, pumunta sya sa likod ni Lester at naghintay nang pagkakataong makaatake habang abala ito sa pakikipaglaban kay Lando.
Nang naka tyempo, sumugod si Mary at pinulupot ang kanyang kamay sa leeg ni Lester at buong lakas itong sinakal. Si Lando nama'y pinunit ang tiyan ni Lester at gaya nang ginawa ni Lester kay Albert, pinaghuhugot nito ang mga lamang loob nang Talagbusawan at pinagngangatngat ang mga ito. Ngunit dahan-dahan pa ring gumagaling ang mga sugat at natutubuan lang nang bagong parte ang mga lamang loob na pinaghuhugot ni Lando. Ilang minuto ring sinasakal ni Mary si Lester ngunit hindi parin ito nawawalan nang malay.
Akala nila'y matatalo na nila si Lester nang bigla nalang itong sumigaw at nagpakawala nang malakas na enerhiya, nawalan bigla nang lakas ang mga kamay ni Mary na dahilan kaya nakawala si Lester mula sa pagkakasakal. Mabilis na nasunggaban ni Lester ang ulo ni Lando at ang braso ni Mary, pinaghahampas niya ang dalawa sa lupa hanggang nawalang ang dalawa nang malay. Nang wala nang malay ang dalawa, isinubo ni Lester si Mary ngunit bago pa man siya naisubo ni Lester ay biglang sumulpot si Albert at buong pwersa na binangga si Lester. Nabitawan ni Lester si Mary at Lando, bumagsak sa lupa si Lester habang nakadagan sa kanya si Albert. Nagbalik na sa pagiging anyong tao si Albert, malaki ang pinsalang natamo nang katawan nya pero naghilom na ang mga sugat nya sa tagiliran at nagagawa na nitong gumalaw.
Pinagsusuntok ni Albert si Lester, nayayanig ang lupa sa bawat suntok na binibitawan ni Albert. Nang mapansing wala nang malay ang kalaban, tumayo si Albert at tumingala sa langit.
"Sa wakas! natapos rin!" bulong ni Albert sa sarili, pumikit ito at hinayaan nya ang kanyang sarili na matumba sa lupa.
Agad na bumangon si Mary na nagkamalay na at kumuha nang malaking bato para ipukpok sa ulo ni Lester habang ito naman ang walang malay. Pinigilan siya ni Albert, at niyakap siya nito.
"Wag, hayaan mo syang mabuhay sa ngayon. Gusto ko siyang talunin sa susunod na magharap kami na kami lang ang maglalaban, at pag natalo ko sya, kukunin ko mula sa kanya ang kanyang mutya." Sabi ni Albert habang niyayakap si Mary.
"Kung yan ang gusto mo, di ako kokontra" Sagot nito.
Nang matapos gamutin ni Mary ang sarili, si Albert at si Lando, ginamot naman nya si Lester. Nang magkamalay si Lester agad itong sinunggaban si Mary ngunit pinigilan ito ni Albert.
"Tapos na ang laban, magpagaling ka muna, gusto kong matalo kita sa laban mag-isa. At pag nangyari yun, kukunin ko sayo ang mutya ni Talagbusao." Banta ni Albert kay Lester.
Napangiti si Lester at tumitig kay Albert.
"Salamat sa magandang laban na ibinigay nyo, sa susunod na magharap tayo tatalunin uli kita". Wika ni Lester habang naglalakad ito palayo.
Tanggap ni Albert na sa laban nilang yun ay talo sya, kung hindi kina Mary at Lando malamang patay na sya. Nagpasalamat din sina Mary at Lando sa pagtulong ni Albert sa kanila, wala silang kalaban-laban sa bilis at lakas ni Lester. Tanging Talagbusawan lang ang kayang tumalo sa isa Talagbusawan. Dahil sa kapangyarihang ito kaya kinainggitan nang ibang mga aswang ang mga Talagbusawan at gagawin nila ang lahat para makuha ang kapangyarihan na iyon.
----Wakas----