Nag ngingitngit sa galit si Lando ng nasaksihan ang kalunos-lunos na sinapit nang kanyang minamahal. Niyakap niya ang walang buhay na si Jane na kilala rin bilang si Landa ang asawa ni Landong baliw. Kahit kapwa kulang sa pag-iisip ay sadyang tunay ang kanilang pagmamahalan, sila ang Harley Quinn at Joker sa lansangan.
Nagkalat sa daan ang pira-pirasong lamang loob ni Landa na noo'y bumalik na sa pag-aanyong tao. Butas ang tiyan ni Landa na halos ma hati ang katawan nito sa laki nang pinsala. Umaagos patungo sa kanal ang kanyang dugo, at ang mga daga ay kanya-kanya sa pagkain sa mga nagkalat na lamang loob. Bakas sa mukha ni Landa ang matinding sakit bago ito namatay.
"Sino gumawa? Sino patay sayo mahal? Bakit?" Mga katanungang walang kasagutan.
Dumating ang mga pulis at sapilitang kinaladkad si Lando sa tabi.
"Tumabi kang sira ulo ka! Mamamatay na nga lang kayo nagkakalat pa!!" Sigaw nang taga punerarya.
Kinuha nang taga punerarya ang katawan ni Landa habang kinuha naman nang Paranormal Crime Agency (PCA) ang pugot na katawan nang aswang.
Umiiyak si Lando sa tabi habang kinukuha ang bangkay ni Landa at naglalakad ito habang sinundan nito ang saksakyan nang punerarya. Ayaw nyang mapalayo kay Landa kahit na ito'y patay na. Malaki ang pagsisisi nya kung bakit hindi nya sinamahan si Landa nang gabing nangyari ang pagpaslang sa kanya.
Dahil walang nag claim sa katawan ni Landa sa punerarya ay nilagay lang nila ito sa bodega nila at hinahayaang mabulok, at sa kalaunan ay basta nalang inilibing sa hukay kasama ang ibang mga bangkay na walang nag claim.
Ilang araw ding hindi nakitang palaboy-laboy si Lando sa lansangan. Muling lumakas ang loob nang mga kriminal at nambiktima uli sila dahil wala na ang kinatatakutan nilang tagapagtanggol nang mga biktima. Naging mapanganib uli ang lansangan, sunod-sunod nanaman ang nakawan, holdapan, at patayan. Maging ang mga pulis ay hindi ligtas, may gumagala kasing "Cop Killer" na sa loob nang isang buwan ay nakapatay na ito nang pitong pulis.
Isa sa nag iimbistiga sa kaso nang cop killer si Agent Mary Ann Sanchez, tatlong linggo rin siyang nagmanman sa suspect ngunit wala siyang matibay na ibidensya. Mabilis at malinis trumabaho ang cop killer, kahit anong gawin ni Mary ay lagi siyang natatakasan nito. Pero sa gabing iyon ay desidido si Mary na hulihin ang cop killer, matagal niyang plinano ito at alam nyang hindi na siya mabibigo.
Alas Onse nang gabi nang naglalakad ang isang pulis na si Jenny galing sa presinto. Pumasok ito sa madilim na eskinita at naglakad nang dahan-dahan. Naghihintay na may umatake sa kanya, yan kasi ang sabi sa kanya ni Mary na siyang nagkumbinsi sa kanya na maging pa-in. Agad naman siyang pumayag dahil gusto rin nya na makaharap nang personal ang cop killer na pumatay sa kanyang partner na si Elmer Rodriguez. Pinadala pa nang cop killer ang pugot na ulo ni Rodriguez sa kanyang pamilya na naging dahilan nang pagkaka trauma nang pitong taong anak nito.
Nakamasid lang sa di kalayuan si Mary, hindi niya inaalis ang mga mata kay Jenny nang biglang may humila dito sa dilim. Narinig niyang sumigaw si Jenny ngunit agad naman itong tumahimik. Mabilis na nakatakbo si Mary sa kinaroroonan ni Jenny ngunit wala na ito, ginalugad nya ang buong kalye ngunit wala ni isang bakas ni Jenny at kung sino man ang humablot sa kanya. Malinis at mabilis kumilos ang salarin.
"Bwesit!! Hindi ko sila naabutan, naglaho nalang silang parang bula! Pagnapahamak si Jenny hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Galit na sabi ni Mary.
Nagising si Jenny na nakatali ang kamay at paa at may busal sa bibig. Napansin nyang tila isang abandonadong bahay ang kinaroroonan nyan, pilit nyang makawala ngunit matibay at mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Hindi rin siya makasigaw dahil sa busal sa kanyang bibig.
Pumasok sa kwarto ang isang lalake na may dalang nail-cutter. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Lumapit ito kay Jenny at kinuha ang busal sa kanyang bibig.
"Hi miss pulis wuman! Wag kang matakot sakin, hindi kita papatayin….sasaktan lang kita nang labis-labis bwahahahaah!!" Nanlilisik ang mga mata nang lalake habang tumatawa.
Natatakot man ay nanaig ang galit ni Jenny sa lalake na siyang pumatay sa kanyang partner na si Rodriguez.
"Ikaw ba ang cop killer?! Ikaw ba ang pumatay kay Rodriguez?!!" Sigaw ni Jenny.
Lumapit pa ang lalake sa kanya at itoy bumulong.
"Eh kung sabihin ko sayong ako, may magagawa ka ba? Ahahaha!!" Pang-aasar nang lalake.
Dinuraan ni Jenny ang mukha nang lalake, ngunit imbes na magalit ay ngumiti ito at dinilaan ang laway na nasa kanyang pisngi.
"Maglalaro tayo miss pulis wuman, magtatanong ako sayo, at sa bawat maling sagot mo susugatan ko ang leeg mo gamit ang nail-cutter hanggang sa….. alam mo na, mamatay.. bwahahaahah!!"
Nakatitig lang si Jenny sa lalake ay hindi na umiimik. Naalala nya ang kanyang partner na si Rodriguez at kung paano siya karumaldumal na pinatay.
"Unang tanong Miss pulis wuman, Kilala mo ba si Randel Ramas?" Pagtatanong ng lalake.
Hindi kumibo si Jenny at yumuko nalang ito.
"Inuulit ko, kilala mo ba si Randel Ramas?" May galit na sa tono nito.
Ngunit wala pa ring sagot mula kay Jenny. Gamit ang nail-cutter ay sinugatan nang lalake ang leeg ni Jenny, hindi naman ganoon ka sakit pero mahadpi ito. Muling nag tanong ang lalake at patuloy na hindi kumikibo si Jenny, patuloy rin ang lalake sa pagpapalaki nang sugat sa leeg ni Jenny gamit ang nail-cutter. Nag-uumpisa nang lumakas ang daloy nang dugo mula sa kanyang sugat, at ramdam na nya ang sakit sa bawat kurot nang nail-cutter sa kanyang leeg.
"Oi, nakikita ko na ang laman mo sa leeg oh... san nga ba banda ang ugat dito..." Sabi nang lalake habang pinapasok ang mga daliri sa sugat sa leeg ni Jenny.
Napa ungol si Jenny sa sakit, di nya napigilang tumulo ang luha. Sa isip nya'y ito na cguro ang kanyang katapusan.
"Kilala mo ba si Randel Ramas? sagutin mo nalang kasi ako miss pulis wuman.." Muling nagtanong ang lalake.
"Oo." Mahinang sagot ni Jenny.
"Ohh, ayan naman pala eh!! sana hindi ka nasaktan kung sumagot ka agad."
Muling pinasok nang lalake ang daliri nito sa sugat ni Jenny at inangat ito, kaya napilitang tumayo ni Jenny sa sakit. Nang makatayo siya'y bigla itong sinuntok sa tagiliran dahilan nang kanyang pagkakalugmok sa lupa at pagkakapunit ng balat sa kanyang leeg. Napasigaw si Jenny sa sakit, umalingawngaw ang kanyang boses sa loob nang abandonadong bahay.
"SAKLOLO!! TULUNGAN NYO AKO!! TULONG!!!" Sigaw ni Jenny.
Nagulat ang lalake sa pagsigaw ni Jenny, Pinulot nito ang isang bato at akmang ihahampas na sana sa ulo ni Jenny nang may pumigil sa kanyang kamay. Paglingon nya'y nakita nya ang mapupulang mata nang isang aswang. Pinilit nyang kumawala sa pagkakakapit nang aswang sa kanyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito at bumabaon ang mga kuko nito sa kanyang kamay.
"BAKIT MO PATAY AKING JANE?!!!" Sigaw nang aswang.
Binali nang aswang ang kamay nang lalake at tinanggal ito mula sa kanyang katawan. Natumba ang lalake at napasigaw sa sakit, gumapang ito papunta sa may anino at bigla itong naglaho. Galit na hinanap nang aswang ang lalake ngunit hindi na nya ito mahanap, hindi na rin ito maamoy nang aswang.
Nabaling ang tingin nang aswang kay Jenny na sa mga oras na iyon ay naliligo na sa kanyang sariling dugo. Nag-umpisang dumilim ang paningin nya at ang huli nyang nakita ay ang aswang na papalapit sa kanya bago sya nawalan nang malay.
Nagising si Jenny sa sigaw nang aswang.
"HINDI AKO KAIN MABAIT TAO!! PERO LANDO GUTOM!! GUTOM LANDO!!" Nagsisisigaw si Lando habang naka tingin kay Jenny.
Mahigit isang buwan na ring hindi nakakain si Lando, tumigil ito sa pag atake sa mga masasamang loob na nambibiktima nang mga inosente at walang kalaban-laban. Pilit nyang pinipigilan ang gutom ngunit mahirap itong pigilan lalo na't na aamoy nya ang sariwang dugo mula sa leeg ni Jenny.
"IKAW TAKBO!! LAYO KA LANDO!! LANDO GUTOM!!"
Pinilit ni Jenny na tumayo ngunit walang lakas ang kanyang mga paa, marami-rami rin ang nawalang dugo sa kanyang katawan. Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa pinto, binuhos nya lahat nang natitirang lakas nya para maka alis sa bahay na iyon.
Nang nakalabas na siya nang gate ay biglang may bumagsak sa kanyang harapan. Si Lando na wala na sa sarili, nanaig ang kanyang pagiging aswang at gutom sa laman. Tuluyan nang nagbago ang anyo ni Lando, nagmistula na itong isang malaking paniki na may katawang tao. Dinampot ni Lando si Jenny at itinaas sa hangin, binuka nito ang kanyang malaking bibig na puno nang matatalas na pangil. Tuluyan nang nawalang nang malay si Jenny, para nalang itong laruang manika sa kamay ni Lando. Isusubo na sana ni Lando si Jenny nang may bumaril sa kanya mula sa likod, hindi man tumagos ang bala sa kanyang balat ay masakit pa rin ito. Lumingon si Lando sa likod at nakita nya si Mary na patuloy na bumabaril sa kanya. Naitapon ni Lando si Jenny at umatake papunta kay Mary. Patuloy na pinagbabaril ni Mary si Lando at nang maubos ang bala nito ay humugot nang dalawang kristal na punyal mula sa kanyang likuran. Nagliwanag ang punyal at napapikit si Lando sa sinag nang punyal, na sya namang ginamit ni Mary na pagkakataon upang umatake. Gamit ang kanyang pambihirang bilis ay naitarak niya ang isang punyal sa dibdib ni Lando at ang isang punyal naman ay isasaksak nya sana sa leeg nito ngunit nahawakan ni Lando ang kanyang kamay. Hindi makawala si Mary sa pagkakahawak ni Lando, binabalibag siya nito at hinahampas-hampas sa pader. Walang nagawa si Mary, nabitawan nya ang kanyang punyal at malapit nang mawalan nang malay. Naalala ni Mary ang kanyang training sa Jujitsu at ginamit ito, gamit ang "Arm bar" ay nagawa niyang gamitin ang lakas nang kanyang buong katawan ubang baliin ang braso ni Lando at tagumpay na nakawala sa pagkakakapit nito. Nakawala man siya'y nahihirapan na siyang gumalaw dahil sa natamong pinsala mula sa paghampas sa kanya ni Lando sa pader. Ang braso na kanina lang nabali ay naghilom na at parang walang nangyari, isa ito sa kakayahan nang mga aswang na gaya ni Lando.
"Tagilid na ako dito, kailangan kong makaalis dito at madala si Jenny sa ospital." Sa isip ni Mary.
Umatake si Lando kay Mary ngunit nagawang iwasan ito nang babae, sunod-sunod ang pag atake ni Lando at nagagawa namang iwasan ito ni Mary kahit iniinda ang sakit nang mga pinsala nya sa katawan.
"Mabilis ang isang to, hindi ako makahanap nang tyempo para maka atake" Sabi ni Mary na pinipilit ang katawan na gumalaw para maka iwas sa mga atake ni Lando.
Pinilit makalayo ni Mary ngunit mabilis na nakakahabol si Lando, akmang sasakmal na sana si Lando ngunit naunahan ito ni Mary at nasipa ang mukha. Galit na naghahabol si Lando kay Mary ngunit hindi nya ito magawang habulin, sadyang mabilis si Mary kahit sa natamong mga sugat nito. Nagawang makuha ni Mary ang kanyang punyal at naghanda sa pag atake nang hindi nya napansin ang isang lalake na nakatayo sa dilim, nakatutok na ang baril nito at nang mapansin ni Mary ay pumutok na ito. Tinamaan si Mary balikat at humandusay sa daan, rinig niya ang isang halakhak na unti-unting naglalaho.
"Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi kita ma habol-habol, may agimat ka pala nang aninong kwago bwesit ka!" Sa isip ni Mary habang naka subsob sa daan.
Nakita ni Mary si Lando na nakatayo sa tabi nya, tumutulo ang laway nito habang nakanganga at naka buka ang mala-paniki nitong pakpak. Pinilit ni Mary ang sarili na makatayo ay sinubukang tumakbo ngunit hindi na nya maigalaw ang kanyang mga paa gaya nang dati. Kahit nangangatog ang tuhod ay tumakbo si Mary papalayo kay Lando ngunit naaabutan lang siya nito. Sinusundan lang ni Lando si Mary na pilit na tumatakbo papalayo, nang mapansin nya sa likod nang poste kung saan may anino na may biglang lumitaw na lalake. May dala itong baril at itinutok kay Mary, mabilis na nakatalon si Lando sa kinaroroonan nang lalake at nakilala niya ito, ito ang lalaking nanakit kay Jenny, kompleto na uli ang kamay nito at parang walang nangyari rito. Sinubukan ni Lando na hulihin ang lalake pero nawala agad ito na parang pumasok sa anino nang poste. Lumingon si Lando kay Mary at nag salita.
"Ako si Lando, kain lang ako masamang tao"
Muling nagbalik sa sariling pag-iisip si Lando dahil sa punyal na kristal ni Mary na nagtataglay nang lason sa mga aswang pag nasugatan nito, dahil nang hina ang katawang aswang ni Lando ay nagawa nyang bumalik sa kanyang kamalayan. Unti-unti ring nag babalik sa anyong tao si Lando at dahan-dahang napaupo sa tabi ni Mary.
"Lando, pakiusap tulungan mo si Jenny, tumawag ka nang mga pulis. Bilisan mo." Pagmamadaling tugon ni Mary.
Kahit nahihilo pa sa lason ay agad namang sinunod ni Lando ang pakiusap ni Mary at pasuray-suray na naglakad palayo para humingi nang tulong. Binalikan ni Mary si Jenny na nakahandusay parin sa tabi nang gate, namumutla na ito at nanlalamig dahil sa dugong nawala sa kanyang katawan. Pinigil ni Mary ang pagdurugo, binigkas din nya ang orasyon sa pagpapagaling. Ilang sandali pa'y tumigil na ang pagdurugo ni Jenny, inakay niya ito papasok nang abandonadong bahay para ihiga nang bigla nanaman sumulpot ang cop killer mula sa anino. Binaril nito si Mary na sa panahong iyon ay hindi na tinangkang umiwas sa takot na baka si Jenny ang tamaan. Tumama ang bala sa kaliwang binti ni Mary at natumba silang dalawa.
"Hahahaha ang swerte ko naman, dalawa ang magiging biktima ko ngayon." Nakangising sabi nang lalake.
Naglakad ang lalake papalapit kay Mary habang nakatutok ang baril sa babae. Pinaputokan uli nang cop-killer si Mary at sa kanang binti naman ito tumama. Napasigaw sa Mary sa sakit, gumapang ito papalayo habang nagsasambit nang orasyon.
"Saan ka pupunta?! hindi pa tayo tapos!!! ahahaah!!"
Hinila nang lalake ang buhok ni Mary at ihinarap ito sa kanya at isinandal sa pader habang hawak nang isang kamay ang leeg nito. Kahit nahihirapang huminga ay patuloy sa pabigkas nang orasyon si Mary.
"Wala nang orasyon ang makakatulong sayo ngayon! Uunahin kitang patayin!" Sigaw nang lalake.
Biglang nakaramdam nang sakit ang lalake sa kanyang tagiliran. Nang tingnan nya ito ay laking gulat nya nang makitang ang kamay ni Mary ay may matalas nang kuko at nakatusok na ito sa kanyang tagiliran. Agad na binitawan nang lalake si Mary at tumakbo papunta sa anino ngunit walang nangyari, pinikit nya ang kanyang mata at nag orasyon ngunit wala pa ring nangyari. Hindi na gumagana ang kanyang agimat. Ang orasyon na binibigkas pala ni Mary ay para mawalan nang bisa ang agimat nang aninong kwago na ginagamit nang cop-killer. At ngayong wala nang bisa ang agimat ay hindi na makakatakas ang cop-killer.
"S..Sino ka ba? Bakit alam mo ang pangontra sa agimat ko?" Nalilitong tanong nang lalake.
"Isa akong babaylan, ang reyna mismo nang Biringan ang nagturo sakin." Sagot ni Mary.
"E…Eh ano ngayon kung hindi gumagana ang agimat ko? P..papatayin nalang kita!! Sigaw nang lalake.
Tinutok nang lalake ang baril kay Mary at ipinutok, ngunit wala na si Mary sa kinatatayuan nya, bagkus nasa likod na ito nang lalake.
"Mabagal ka lalo na't wala ka nang agimat" Bulong ni Mary mula sa likod.
Agad na tumalikod ang lalake at pinutok ang baril, tumama ang bala sa ulo ni Mary ngunit dumikit lang ito sa kanyang noo. Sa mga oras na iyon ay nag-iba ang anyo ni Mary, ginamit nya ang orasyon upang magamit nang ilang minuto ang kapangyarihan ni Talagbusao ang dios nang patayan at pagpaslang. Sa isang kisap-mata ay nakita nang lalake ang kanyang mga braso na naputol at bumagsak sa kanyang harapan. Napaluhod sa sakit ang lalake at umiiyak habang sumisigaw.
"Suko na ako!! suko na ako!! hindi na ako lalaban!!"
Binuhat ni Mary si Jenny na parang ito'y magaan na unan lang, tumalikod sa nagmamakaawang lalake at naglakad palabas nang gate. Naiwan sa loob ang lalake habang patuloy na umaagos mula sa putol niyang braso ang dugo. Ilang sandali pa'y narinig nya ang isang nakakapanindig balahibong sigaw.
"KWAAAAAAAA!!!!!"
Tumingala nalang siya at nakita ang isang dambuhalang paniki na mabilis na lumilipad papunta sa kanya. Bumagsak ito sa kanyang harapan at ibinuka ang kanyang mga pakpak.
"LANDO KAIN MASAMANG TAO!!!"
Umalingawngaw ang hiyaw nang cop-killer sa mga sandaling iyon. Narinig ito nang mga pulis, alam nila kung saan nanggagaling ang sigaw at alam rin nila kung sino ang sumisigaw, ngunit ni isa sa kanila ay walang paki-alam sa paghingi nang tulong nang Cop-Killer.