Chereads / Waiting For Love / Chapter 2 - Kabanata 1: He who has a dream

Chapter 2 - Kabanata 1: He who has a dream

☾—— i always think that i have an older brother.

Kabanata 1: He who has a dream

"Kuya!" Pagtawag ko sa nakakatanda kong kapatid, si kuya Jayden.

"Oh, bakit? Ano meron, Jhuliet?"

Pagtatanong niya ng makalapit na siya sa akin. Narito kami sa aming bakuran ng aming bahay, naglalaro kasi kami.

"Kuya, bakit wala lagi si Daddy? Hindi ko lagi nakikita dito sa bahay."

Ngumiti sa akin si kuya, matapos kong masabi ang mga katanungan na iyon.

"Halika dito, bunso." Pagyaya niya sa akin upang kumandong ako sa kanya.

"Busy kasi ang daddy kaya di mo lagi nakikita dito. Alam mo naman na magaling na doctor si daddy 'di ba?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong na iyon. Ngumiti ito sa akin at bahagyang ginulo niya ang buhok ko bago niya pinagpatuloy ang sinasabi niya.

"Kapag magaling ka sa isang bagay— katulad ni daddy— lagi mo ng maigugugol ang oras mo sa bagay na iyon. Kasi minsan ang nangyayari, nagiging parte na iyon ng pagkatao mo," Sambit ni kuya habang nakatingin ito sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"Eh, kuya, ano ang pangarap mo sa sarili mo? Gusto mo bang maging doctor katulad ni daddy? Eh 'di hindi na din kita makikita dito sa bahay."

Tumawa ng bahagya si kuya dahil sa nasabi ko. Inayos niya ang pagkakandong ko sa kanya at inayos ang buhok ko.

"Jhuliet, kahit gusto ni daddy na maging doctor ako. May sarili akong pangarap." Tumingin si kuya sa asul na langit matapos niyang masabi iyon.

"Gusto ko maging arkitekto, gusto ko makapagtayo ng mga bahay at gusali. Gusto ko makatulong sa mga tao sa ibang paraan na 'di katulad sa paraan na ginagawa ni daddy."

Nakatingin lamang ako sa kanya habang nakikinig sa sinasabi nito, kahit pa di ko ganun maintindihan dahil sa isipan na mayroon ako bilang isang bata, alam ko na may magandang kahulugan iyon.

"Bakit akriteto, kuya?" Tumawa si kuya matapos niyang marinig ang tanong ko.

"Arkitekto iyon, Jhuliet."

"Akriteto nga, kuya!" Tumawa uli siya ng marinig ang sinabi ko. Napasimangot ako bigla dahil sa pagtawa niya.

"Oh, wag na sumimangot. Magiging kamukha mo si Chuckie." Pagtawa niya ulit, kaya naman lalo pa akong sumimangot sa inasta niya.

"Oh sige na, hindi na magiging kamukha ni Jhuliet si chuckie. Smile na."

"Eh bakit mo nga gusto maging akriteto, kuya?" Pagtatanong ko ulit.

"Dahil mahilig ako gumuhit."

"Eh 'di sana naging atrish ka na lang."

"Artist iyon, Jhuliet. Atsaka, hindi porket mahilig ka gumuhit, ay pagiging artist na ang gusto mong tahakin. Gusto ko kasi maging arkitekto dahil gusto ko makagawa ng bahay para sa kapwa natin."

"Bakit mo naman gusto makagawa ng bahay?"

"Dahil sa tahanan nagsisimula ang mga pangarap, Jhuliet. Hindi lang tahanan ang maibibigay mo sa kanila, pati pangarap maibibigay mo. Kaya gusto ko maging arkitekto."

"Si daddy na isang doktor na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga tao na mabuhay, at ako na magiging arkitekto na magbibigay ng pagkakataon sa mga tao para makagawa ng sariling pangarap nila."

Pagsasalita niya habang nakatingin sa asul na kalangitan, na may ngiti sa kanyang labi.

"Kaya ikaw, Jhuliet. Magkaroon ka ng sariling pangarap. Pangarap mo iyan, ikaw lang dapat ang magdedesisyon at kokontrol dito, hindi ang ibang tao. Ang pangarap mo ay para sayo at magkakaroon ng magandang dulot sa ibang tao. Lagi mo iyan tandaan, huh?"

"Opo, kuya!"

Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Yakap na nagbibigay ng lakas at pagmamahal sa akin.

"Lagi ko po iyong tatandaan, kuya."

Humarap siya sa akin, at nginitian ako. Bahagyang ginulo ang buhok ko— paborito niyang ginagawa sa akin iyon— at hinalikan ako sa noo.

Simple man ang ginagawa niya sakin, pero ramdam ko ang pagmamahal ng aking kuya. Siya ang kuya ko na may pangarap na maging akriteto. Ang aking kuya— Jayden Akira Bautista— ang may sariling pangarap sa kanyang buhay.

Sa tahanan daw nagsisimula ang pangarap, kaya hahanapin ko na ito simula ngayong araw.

"Kuya?"

"Hmm?"

"Pasok na tayo sa loob ng bahay, may hahanapin ako."

"Ano naman iyon? Tutulungan na kita."

"Ayaw ko."

"Bakit?"

"Akin lang iyon!"

"Di ko naman aangkinin, ano ba kasi ang hahanapin mo?"

"Iyong pangarap ko po!"

♡                                  

☾—— happy reading! Keep safe, everyone