☾—– i love the sky, so bad. I hope you, too.
Kabanata 2: He who loves the sky
Bigla akong binatukan ni kuya ng marinig niya ang bagay na gusto kong hanapin sa loob ng bahay namin.
"Kuya naman eh! Masakit," Reklamo ko sa kanya habang sapo- sapo ko ang ulo ko na binatukan niya.
"Iyang kalokohan mo, Jhuliet Akira! Hindi iyon ang ibig kong sabihin na literal mong hahanapin!" Pagsermon niya sa akin.
Napanguso na lang ako sa panenermon niya habang dinarama ang sakit ng pagkabatok niya sa akin. Malay ko ba na 'di pala literal na hahanapin iyong sinasabi niyang pangarap.
"Ilan taon ka na, Jhuliet?"
Pinakita ko ang kanang kamay ko na pinapakita ang limang daliri, habang ang labi ko ay nakanguso.
"You are a five years old."
"Alam ko, nipakita ko nga 'di ba ung kamay ko?" Bulong ko sa sarili ko.
"And you're currently taking your education as a kinder student, Jhuliet Akira. And you're a smart kid. So, alam ko na alam mo naman ang pinupunto ko, 'di ba?" Pagpapatuloy na pagsermon niya sa akin.
"Sorry." Saad ko habang nakanguso ang labi ko. Bigla niya naman akong niyakap at hinimas ang ulo ko na binatukan.
"Jhuliet, just always remember what I've said, okay?"
Tumango- tango ako bilang sagot ko at niyakap din pabalik ang kuya ko.
"Higa tayo sa duyan?" Pagtatanong ni kuya sa akin.
Agad naman akong napatingin sa kanya at nasilayan niya ang ngiti ko na halos mapunit na sa sobrang pagngiti.
Umalis ako sa pagkaka-kandong kay kuya, at tumakbo ng mabilis papunta sa duyan.
"Hinay- hinay sa pagtakbo, walang humahabol sayo, Jhuliet."
"Mahuli panget!" Sigaw ko kay kuya.
"Aba, hindi pwede iyan. Alam naman natin kung sino ang panget talaga."
"IKAW!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo.
At nakikita ko na ang duyan na nakasabit sa dalawang puno dito sa aming bakuran. Binilisan ko pa ang pagtakbo upang makarating na agad doon. Tumigil na ako sa pagtakbo ng mahawakan ko na ang duyan, at lumingon sa aking likuran habang nakangiti ako na mapang- asar.
"Panget ka talaga kuya!" Saad ko at tumawa nang tumawa.
"Ayoko tumakbo, masasayang kagwapuhan ko." Saad niya habang naglalakad, papalapit sa puwesto ko.
Napangiwi na lang ako sa sinabi ni kuya. Nakalapit na sa puwesto ko si kuya.
"Ang bagal mo talaga, kuya. Sabi ko, ang mahuli, pangit eh!" Reklamo ko.
"Jhuliet," Saad niya habang tinatapik ng marahan ang balikat ko.
"Kung panget ako–," Sabay lapit pa ng kanyang mukha sa akin.
"Kuya naman, ilayo mo nga 'yang mukha mo." Sabay pagtutulak sa kanya, pero di iyon alintana sa kanya at pinagpatuloy ang sinasabi niya.
"–Panget ka din. Magkapatid tayo, remember?" Sabay talikod niya at diretsong humiga sa duyan.
Napasimangit na lang ako at humiga na rin sa duyan. Pinagmasdan ko ang kalangitan na ngayon ay asul na asul ang kulay.
Itinaas ko ang kamay ko na parang inaabot ko ang asul na kalangitan.
"Kuya, ang ganda ng langit."
"Sobra."
"Kuya, 'di ba paborito mo iyan? Nisabi mo sa akin iyon dati, eh."
"Hanggang ngayon naman paborito ko pa rin." Ngiting saad niya at kitang kita ko ang mga masasaya niyang mga mata na pinagmamasdan ang asul na kalangitan.
"Kuya?"
"Bakit?" Paglingon niya sa akin ng tinawag ko siya.
"Bakit mo paborito ang langit?"
"Jhuliet?" Pagtawag niya sa akin.
"Bakit po?"
"Bakit ang dami mong tanong ngayong araw na ito?"
Napasimangot na lang ako bigla dahil sa sinabi niya.
"Sagutin mo na lang kasi iyong tanong ko, kuya!" Reklamo ko sa kanya. Bigla na lamang tumawa si kuya, kaya naman lalo pa akong sumimangot.
"Kuya naman, eh!"
"Oo na, eto na."
"Bakit mo ba kasi paborito iyon? Ano meron sa langit?"
"Kapayapaan, ala- ala."
"H-huh?" Takhang tanong ko.
"Kapag nakikita ko kasi ang kalangitan nagbibigay ito ng kapayapaan sa sarili ko. Tinutulungan niya ako na maging maayos lang ako. Ang galing kasi ng kalangitan, Jhuliet. Kasi kahit tingnan mo lang ito o pagmasdan, parang nawawala lahat ng mabibigat mong nararamdaman."
Pakikinig ko kay kuya, kita ko sa mga mata niya ang kamanghaan dahil sa kalangitan.
"Ang kalangitan ay parang salamin ng mga ala- ala mo. Kasi, minsan kapag nangungulila ako sa isang tao, tumitingin ako sa kalangitan at naaalala ko bigla iyong mga masasayang ala- ala at nawawala na iyong nararamdaman kong pangungulila. Sobrang ganda sa pakiramdam kapag hinayaan mo ang sarili mong kumonekta sa kalangitan."
"Ang galing pala ng langit, kuya."
"Sobra. Kapag nandyan lang ang kalangitan na iyan, lahat ng mga tao ay may konekta sa kalangitan, hindi na sila makakaramdam ng pangungulila." Ngiting saad ni kuya sa akin.
"Eh 'di kuya, kapag nami-miss ko si daddy titingin lang ako sa langit?"
"Oo, para sa ganun ay di ka na mangulila kay daddy. Kasi Jhuliet, hangga't may parehas kayong nakikitang kalangitan, parang magkasama na kayo ng taong malayo sa iyo."
Ngumit ako ng malapad ng marinig ko ang sinabi ni kuya.
"I miss daddy, so much. Sana umuwi na siya, para lalaro tayo nila mommy kasama siya." Saad ko at sabay yakap sa kanya.
"Kuya?" Pagtawag ko sa kanya.
"Bakit? May tanong ka na naman ba ulit?"
"Wala, may sasabihin lang ako."
"Ano iyon?"
"Naisip ko na, paborito ko na din iyong kalangitan, kuya! Kasi ang ganda- ganda ng langit!" Tumawa na lang si kuya sa sinabi ko.
"Parang si Mommy?" Tanong niya.
"Parang si Mommy, at parang ako!"
Napatawa na siya ng malakas ng marinig niya sinabi ko. Pagkatapos, niyakap na ako ng mahigpit at marahang tinapik- tapik ang likuran ko, hanggang sa naramdaman kong pumipikit- pikit na ako.
Bago ako tuluyang pumikit, narinig ko ang sinabi ni kuya na nagpangiti sa akin.
"I love you always, Jhuliet."
I love you too, kuya.
♡
☾—— Keep safe, my little stars. Enjoy reading!