Chereads / Waiting For Love / Chapter 5 - Kabanata 4: She who will wait

Chapter 5 - Kabanata 4: She who will wait

Kabanata 4: She who will wait

Nagising na lamang ako ng tumapat sa mukha ko ang sinag ng araw. Medyo nahirapan akong maidilat ang mata ko dahil na rin siguro sa pag-iyak ko kagabi.

Hindi naman siguro seryoso si Kuya na aalis siya, hindi ba? Kasi sabi niya hindi niya ako iiwan. Hindi siya gagaya kay Daddy.

"J-jhuliet?"

Naputol ang pagka-tulala ko ng marinig kong may tumatawag sa akin sa labas ng kwarto ko.

"Jhuliet? Si kuya ito."

Nang marinig ko na si kuya ang tumatawag sa akin, tumakbo ako sa pinto at binuksan ito.

"K-kuya," maluha ko na namang sambit sa kanya. Ganito ba talaga kapag nasa murang edad ka pa lang? Masyado kang emosyonal?

"S-sorry po sa nasabi k-ko kagabi."

"K-kuya, 'di kita hate. Hindi iyon totoo. Mahal kita kuya. Love hindi po hate."

Nakatungo lamang ako ng sinasabi ko ang mga katagang iyon.

Naramdaman kong niyakap ako ni kuya at hinihimas nito ang likod ko.

"Huwag ka ng umiyak," saad niya ng hiniharap niya ang mukha ko.

"Lalo kang pumapangit."

Napasimangot ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Biro lang," saad niya kasabay ng pagtawa nito.

Bigla itong sumeryoso at tumingin sa akin.

"Jhuliet, hindi ka iiwan ni kuya—."

Kasabay nito ang pag-yakap niya mula sa akin.

"—kailanman wala akong balak na iwan ka."

"P-pero, ano iyong pashpowt?"

"Mag- aaral kasi si kuya."

"Gusto ni Daddy na sa ibang bansa ako mag- aaral, na doon ko aabutin ang pangarap ko."

"Eh 'di iiwan mo nga ako!"

"Hindi ka iiwan ni kuya. Wala man ako sa tabi mo lagi, pero nandiyan naman ako sa puso't isipan mo."

"Atsaka hindi ko hahayaan na umiyak ka dahil nangungulila ka sa akin kaya tatawag ako lagi."

"S-saan ka naman mag- aaral?"

"Sa London."

"B-bakit naman ganoon kalayo?"

"Pupunta din 'dun si Daddy dahil may trabaho siya doon."

"H-hindi na din kita makikita d-dito sa bahay."

"J-jhuliet, sorry. Kailangan mag-aral ni kuya, para maging arkitekto ako."

"Magiging akriteto ka na kuya?"

"Mag-aaral muna ako at makapagtapos para maging akriteto na ako."

"K-kuya, mami-miss kita," maluha kong saad sa kanya.

Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan sa noo.

"Naalala mo iyong sinabi ko sa iyo? Na hangga't may iisang langit tayong nakikita, lagi pa rin tayong magkasama," ngiting saad niya sa akin.

"Tumingin ka lang lagi sa langit, kasi panigurado nakatingin rin ako doon at iniisip ko kayo ni Mommy. Hangga't konektado tayo sa langit, hindi tayo mangungulila."

"Lagi- lagi na akong titingin sa langit."

Tumawa ito dahil sa sinabi ko.

"Jhuliet, hangga't wala ako sa tabi mo. Mag-aral ka ng mabuti para maabot mo ang pangarap mo. Lagi mong isipin ang makakabuti sa iyo at sa ibang tao."

"Opo!" galak kong saad sa kanya.

"Atsaka lumaki kang maging matapang. Wala si kuya sa tabi mo para protektahan ka."

"Protektahan mo ang sarili mo pati na rin si Mommy."

"Jhuliet, huwag kang maging bulag at bingi sa paligid mo. Lagi mong buksan ang puso at isipan mo para unawain ang lahat ng bagay, huh?"

"Opo, kuya."

Niyakap ako nito ng mahigpit.

"Atsaka Jhuliet no boyfriend, huh?"

Humiwalay ako sa yakap at tumingin sa kanya ng matalim

"Bakit naman ako magbo-boyplend? Ayoko nun, ampangit nun!"

"Sinasabi ko lang, prinsesa kita kaya ayokong malalaman galing kay Mommy na umiiyak ka dahil nasaktan ka."

"Kuya, bata pa ako. Atsak, bakit ako maghahanap nun? Meron na rin naman ako nun!"

Lumaki ang mata nito dahil sa sinabi ko.

"At sino naman iyon!"

Nagulat ako sa sigaw niya. Kaya napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw niya.

"Kuya naman!"

"Sino?!"

"Huwag kang sumigaw!"

"Hindi ako sumisigaw!"

"Anong hindi? Sumisigaw ka kaya!"

"Sino muna?! Saan nakatira? Jhuliet, limang taong gulang ka palang!"

"Dito siya nakatira!"

"A-ano?! Sino?! Iyong anak ni Manang Rosita? Iyong si Jay-jay?!"

Bigla itong tumayo at sumigaw.

"Jay-jay! Manang Rosita!"

"Kuya! Huwag kang sumigaw at saka hindi siya!"

Lumingon ito sa akin.

"At sino?"

Nakapameywang nitong saad sa akin.

"Kalma lang kuya."

Biglang tumaas ang kaliwang kilay nito sa akin.

"Sino? Sino, Jhuliet Akira Castillo Bautista?"

Napalunok ako bigla nung tinawag niya ako gamit ang buong pangalan ko.

"S-si a-ano—," paputol-putol kong saad.

"Si ano?"

"I-ikaw! P-pati si Daddy!"

"H-huh?" Gulo nitong saad.

"Kayo ni Daddy iyong boyplend ko! Kaya bakit pa ako hahanap?"

Kitang- kita ko sa mukha ni Kuya na naguguluhan siya kaya naman bigla siyang napahilamos ng mukha gamit ang kamay nito. Pagkatapos, napahinga ng malalim.

"J-jhuliet, please no to boyfriend but yes to friendship, huh? No to mutual feelings, no to kilig feelings."

Napatango ako sa sinabi nito.

"Opo, kuya!"

"Halika na, kumain na tayo ng breakfast."

Lumapit ako sa kanya at humawak sa kamay nito.

"Kuya," pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?" tugon niya.

Nagsimula na kaming bumaba ng hagdan. Nang nasa huling pangalawang baitang na kami, tumigil ako pati si kuya tumigil at tumingin sa akin.

"Babalik kayo ni Daddy 'di ba?"

Nakatingin kong saad sa kanya.

"Oo naman, babalik kami ni Daddy—"

"Pero baka matagal- tagal pa kami para bumalik." Tumango- tango ako sa saad niya.

"Teka nga, hindi pa kami nakakaalis, pinapabalik mo agad kami."

"Nitatanong ko lang ih!" reklamo kong saad.

Tumawa ito dahil sa reaksyon ko.

Nagpatuloy muli kami sa pagbaba at naglakad na papunta sa dining table.

Umupo na ako sa upuan. Nang umupo na si kuya at kukuha na ng kanin, tinawag ko muli ito.

"Bakit na naman?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Kapag nagkahiwalay na tayo kuya, hihintayin ko iyong pagbabalik niyo ni Daddy sa amin ni Mommy."

"Hihintayin ko kayo."

——

☾—— are you also that person who's willing to wait?