Chereads / Waiting For Love / Chapter 6 - Kabanata 5: The number one fan

Chapter 6 - Kabanata 5: The number one fan

Kabanata 5: The number one fan

"Jhuliet! Bilisan mo, papalayo na si manong! Hindi na tayo makaka-kain ng ice cream!" sigaw sa akin ni kuya habang hinahabol namin ang naglalako ng dirty ice cream.

Narito kami ngayon sa Moonlight Park at napagpasyahan namin na lumaboy at maglaro dito.

"Kuya, anong pong flavor ang available?" pagtatanong ni kuya sa naglalako.

Mabuti na lang naabutan namin si kuyang naglalako.

"Cookies 'n cream, chocolate at strawberry ang available," sagot naman ni kuyang naglalako.

Habol- habol ko ang hininga ko dahil sa paghabol namin ni kuya kay kuyang naglalako.

"Jhuliet, anong flavor gusto mo?"

"Cookies 'n cream po, kuya!" galak kong saad.

Favorite ko kasi ang cookies 'n cream, tapos mas lalo akong natutuwa kapag may malaking cookies  na nasama dun sa ice cream na nakain ko.

"Favorite mo talaga iyon noh?" saad ni kuya sa akin.

"Kuya, dalawang cookies 'n cream po."

"Gaya- gaya ka talaga kuya!" reklamo ko sa kanya.

"Aba, peyborit ko din ang cookies 'n cream. Bakit ikaw lang ba ang pwedeng kumain nun?"

Pinag-krus ko na lang ang mga braso ko sa inasta ni kuya.

"Oh, huwag ka ng sumimangot diyan. Ito na ang ice cream mo, dinagdagan ko ng dalawang scoop iyan." ngiting saad sa akin ni kuyang naglalako ng dirty ice cream.

"Thank you po!" buong galak kong sambit sa kanya.

"Eh kuya, itong akin dinagdagan mo po ba?" pagtatanong ni kuya.

Lumingon ako kay kuya.

"Kuya naman, isip bata? Bayaran mo na ito," sabi ko at nagsimula ng maglakad palayo.

"Aba— kuya ito po ang bayad. Salamat po— hoy Jhuliet, hintayin mo ako!"

Pinagpatuloy ko ang pag-kain sa ice cream ko.

"Hoy! Aba— wag kang ganyan, ako ang may birthday kaya dapat ako ang nililibre hindi ikaw," singhal sa akin ni kuya ng maabutan niya ako.

Birthday ngayon ni kuya, April 27. Sixteen years old na siya kaya naisipan namin na lumaboy sa park. Tapos next month, birthday ko na din.

Ilang linggo na rin ang nakalipas at patuloy na inaasikaso nila Mommy at Daddy ang kailangan ni kuya sa pag-aaral sa London. Iyon ang laging pinagkaka- abalahan nila sa bahay.

Habang kami naman ni kuya, sinusulit namin ang bawat araw na magkasama pa kami, habang nandito pa siya sa Pilipinas.

"Halika kuya, upo tayo dun sa swing."

Inaya ko si kuya na umupo kami doon dahil napagod na rin ako sa paglalakad.

"Ano? Pagod?" saad ni kuya nung nakaupo na kami.

Tumango ako bilang tugon.

"Kakapagod kasi ang likot mong kasama, kuya," pagrereklamo ko sa kanya.

"Aba! ako pa ang malikot?" tanong niya.

"Oo! Ang likot- likot mo kayang kasama. Iyong kakarating lang natin sa isang parte dito sa park, bigla kang lalakad papunta sa kabilang parte. Tapos kapag may nakita kang nagustuhan ng mata mo, pupunta ka dun at magiging bata," sabi ko sa kanya at umirap ako. Umirap din si kuya dahil sa sinabi ko.

"Nye~nye~," asar na sambit sa akin ni kuya. Minsan talaga nagiging isip bata siya, mas bata pa sa akin.

Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-ubos sa ice cream ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-kain ng marinig kong napa- aray siya.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong pinipisil niya ang kamay niya.

"Bakit mo pinipisil iyang kamay mo?"

"Nagka-sugat ako," saad niya kasabay ng pag-ngiwi niya.

"Bakit ka naman nagka-sugat?" sabi ko at lumapit sa kanya.

Nginuso niya ang parte sa swing, at nakita ko na may nakausli doon na maliit na bakal.

"Bobo kuya," reklamo ko at hinawakan ang kamay nito.

"Ako pa— iyong swing ang bobo, alam namang may u-upo tapos may naka-usli na bakal? Tama ba iyon?"

Nagkasugat na, ang galing pang magreklamo. Siya itong nakaupo, sa nananahimik na swing sinisi ang pagka-sugat niya.

"Punta tayo dun, hugasan natin ang sugat mo," pag- aya ko kay kuya.

Nang makarating na kami sa comfort room sa park, hinugasan ko  na ang sugat ni kuya.

"Hugasan muna natin, tapos uwi agad tayo sa bahay para magamot ni Daddy ang sugat mo. Ang laki- laki na nagkakasugat ka pa, kuya," pagre- reklamo ko.

"Opo, doktora."

"Doktora? Ayoko mag-doktor kuya! Gusto ko mag-peynt!" sigaw ko sa kanya.

Nagsimula na kami maglakad pauwi, malapit lang naman iyong bahay namin dito sa park.

"So, iyon ang pangarap mo?"

"Opo, kuya! Kasi gustong- gusto ko po talaga mag-peynt, tapos natutuwa ako kapag nagkukulay ako," galak kong saad sa kanya.

"Eh 'di kung ganun, ikaw ang magkukulay sa mga bahay na iguguhit o gagawin ko."

"Hala! Oo nga po, kuya! Ang galing!"

"Ikaw ang magbibigay ng kulay sa mga taong kailangang kulayan, sa mga taong nanlalabo na ang kulay  nila."

Nakarating na rin kami sa bahay at nagmadali kaming pumasok, sa pagpasok namin tinawag ko agad si Daddy.

Agad na bumaba si Daddy at lumapit sa amin. Kaya sinabi ko ang nangyari kay kuya.

"Umupo ka sa sofa, Jayden. Kukunin ko lang ang kailangan ko."

Umupo naman kami ni kuya agad.

"Kuya, masakit iyong sugat mo?"

"Hindi naman, malayo sa bituka ito. Tapos maliit lang din naman ang sugat na natamo ko."

"Gagaling din iyan kuya, huwag kang mag- alala."

"Opo, doktora!"

"Kuya naman, hindi nga ako magdo-doktor! Magpe-peynt ako!"

Tumawa si kuya sa naging reaksyon ko.

"Mami-miss ko iyang reaksyo mo kapag inaasar kita," saad ni kuya.

Ngumuso naman ako dahil sa sinabi niya.

"Mag- aral ka ng mabuti para maabot mo pangarap mo, at makagawa ka ng obra na kokonekta sa pagkatao ng makakakita nito, huh?"

"Opo naman po, tapos ikaw ang unang makakakita sa gawa kong iyon!"

"Asahan ko iyan ah? Ako ang unang magiging taga- hanga mo sa mga gawa mo!" buong galak na saad ni kuya.

"Ako din po ang magiging number one fan mo kapag naging akriteto ka na!"

Kami ang number one fan ng isa't isa.

"Simula ngayon kuya, ako ang number one fan mo, huh? Happy Birthday!"

——

☾— what do you prefer star or cali-star? Keep safe, everyone! Stay at home!