Kabanata 6: See you later
Hindi ko alam kung magiging masaya o malungkot ba ako sa araw na ito.
"Daddy, birthday ko ngayon. Bakit ngayon na kayo aalis ni kuya?"
Maluha- luha kong tanong kay Daddy nung malaman kong ngayon ang alis nila, ngayon ang araw na mahihiwalay kami sa isa't- isa.
"Jhuliet, mamaya na tayo mag- usap."
"P-pero, D-daddy."
Lumingon sa akin si daddy at tinignan niya ako ng masama.
Pagka-gising ko pa lang kasi sa umaga, pumunta agad ako sa kwarto ni kuya. Pagpasok ko nakita ko si kuya na nag- aayos ng damit, at nilalagay ito sa malaking bag.
"Jhuliet, tahan na," kanina pa ako pinapatahan ni Mommy. Dumiretso kasi ako sa kwarto nila ni Daddy at nakita ko din na nag- aayos si Daddy ng mga gamit niya.
"M-mommy, birthday ko ih. B-bakit n-ngayon sila aalis?" pagtatanong ko kay Mommy habang nag-uunahan sa pagbaba ang mga luha ko sa mukha ko.
"K-kailangan na kasi nila pumunta dun anak. M-may mahalagang aasikasuhin ang Daddy mo dun."
"P-pwede naman sila bukas umalis ih. Bakit sa b-birthday ko pa?"
Pinunasan ni Mommy ang mga luha ko.
"T-tahan na anak. Mamayang gabi pa sila aalis. Makakapag- celebrate pa tayo ng birthday mo kasama sila."
Umalis ako sa kwarto nila, paglabas ko nakita ko si kuya na nakatayo sa labas ng kwarto. Tiningnan ko si kuya.
"K-kuya," pagtawag ko sa kanya.
Binuhat ako ni kuya at pinatahan.
"G-gawan kita ng cake? A-anong gusto mong f-flavor?" pagtatanong sa akin ni kuya.
"K-kuya." niyakap ko siya ng mahigpit.
Naramdaman kong pababa kami ng hagdan.
"Manang—," pagtawag ni kuya.
"Bakit, Jayden?" pagtatanong ni Manang.
"Nay, pahanda naman po sa kusina iyong mga gagamitin sa pag-gawa po ng cake."
Narinig ko ang paalis na yabag ni Manang.
Pinaupo ako ni kuya sa upuan, pinunasan niya ang mga natuyo kong luha sa mukha.
"Tahan na. Hindi ako aalis sa bahay hangga't 'di tayo nakaka-celebrate ng birthday mo."
"Six years old ka na, kaya 'wag na masyadong umiyak."
"Kuya, alagaan mo si Daddy, huh? Alagaan mo sarili mo 'dun," saad ko sa kanya.
Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.
"Opo."
Pagkatapos, gumawa na si kuya ng cookies 'n cream cake. Tuwing birthday ko, laging ganun ang flavor ng cake ko. Si Mommy at si kuya ang gumagawa ng cake.
"Kuya! Maraming cookies huh?" galak kong saad.
Tumango naman si kuya sa akin habang nakangiti ito.
"Inunahan mo naman ako sa pag-gawa, anak," saad ni Mommy habang pumapasok sa kitchen.
"Sorry na, Mommy. Kailangang patahanin ang Jhuliet natin ih, baka lalong pumangit kakaiyak. Birthday pa naman niya ngayon," asar na sambit ni kuya.
Tinulungan ni Mommy si kuya sa paggawa ng cake ko.
"Mommy, si daddy po?" pagtatanong ko kay Mommy.
"May kausap ang Daddy sa telepono. Pero bababa na din iyon," ngiting saad sa akin ni Mommy.
"Kuya," pagtawag ko kay Kuya.
"Bakit?"
"Alam na po ba ng mga kaibigan mo iyong pag- alis niyo ni Daddy ngayon?" pagtatanong ko.
"Hmm, pinaalam ko na. Hindi ko na sila pinapunta sa airport mamaya. Kasi gabi na rin iyon, pero tumawag naman sila kanina at nagpaalam sa akin."
"Mami-miss mo magbasketball kasama sila Kuya Philip," saad ko.
"Sobra, kahit loko-loko ang mga iyon. At saka nasabihan ko din sila na bantayan ka habang wala ako, sila muna magiging kuya mo habang nasa London kami ni Daddy."
"Eh 'di lagi silang nandito sa bahay? Ang ingay- ingay kaya nila, tapos mas malikot pa!" pagrereklamo ko.
"Hayaan mo sila, ang mahalaga mabantayan ka nila. Lagi nilang sasabihin kung may kalokohan kang ginagawa o kaya naman may mga lalaking umaaligid sayo!"
"Kuya naman ih!"
Simula bata pa lang magkaibigan na silang tatlo. Si Kuya Philip at si Kuya Edward, silang tatlo ang laging magkasama na magbasketball. Ang alam ko, sa kabilang street lang sila nakatira kaya naman madali nilang napupuntahan ang bahay namin.
"Oh, nakababa ka na pala. Anong oras uli ang flight niyo ni Jayden?"
Nakababa na pala si Daddy kaya naman tiningnan ko si Daddy habang kinakausap siya ni Mommy.
"Mamayang 8:00 ang flight namin, kaya 5:00 palang papunta na kami dun sa airport, mahirap na baka traffic."
Lumapit ako kay kuya, at tiningnan ang oras sa relo niya.
"Twelve 'o clock na, kuya."
"Don't worry, malapit ng maluto ang cake mo," ngiting saad ni kuya sa akin.
Lumingon ako kay Daddy at lumapit sa kanya.
"Daddy, pwede bang magluto ka ng carbonara?"
Tiningnan naman ako ni Daddy.
"May mga niluto na si Manang, kaya 'di na kailangan magluto."
"P-pero, D-daddy—."
"May cake ka na, Jhuliet. Kaya—," naputol ang sasabihin ni Daddy dahil tinawag siya ni Mommy.
"Pagbigyan mo na ang bata, Andrew."
Tiningnan ako ni Daddy, at lumapit na sa lutuan. Ngumiti ako na abot hanggang tainga, minsan lang kasi na matupad ang hiling ko kay Daddy kaya sobrang saya ko.
Favorite ko kasi ang carbonara, lalo na kapag maraming sauce! Iyong creamy ba, tapos para sa akin mas masarap pa iyon kaysa sa favorite ni kuya na spaghetti.
"Tuwang- tuwa ang bata dahil makaka- kain ulit siya ng paborito niyang pasta na maputla," asar na saad ni kuya sa akin.
Inirapan ko na lang siya at pinanood si Daddy na magluto.
——
"Happy Birthday, Jhuliet!" sabi sa akin ni Mommy at hinalikan ako sa noo.
Ngumiti lang sa akin si Daddy.
"Happy Birthday, liit," pagbati sa akin ni kuya.
Natapos na nila akong kantahan ng Happy Birthday.
"Bakit ka naman nakangiti ng ganyan, Jhuliet? Para kang baliw."
"Masaya lang po ako, kuya."
"Bakit ka naman masaya?"
"Kasi po kumpleto tayo, tapos gumawa kayo ni Mommy ng cake. Si Daddy pinagluto ako ng paborito kong carbonara."
"Hipan mo na ang kandila, baka maging instant pan-design iyan sa cake mo!" sabi ni kuya.
"Mag- wish ka na, anak."
Ipinikit ko ang mga mata ko at humiling.
Sana po maging ligtas sila Daddy, at sana po maabot po ni kuya ang pangarap niya .
Kasabay nun ang paghipan ko sa kandila, at ngumiti sa kanila.
"Ano wish mo, Jhuliet?"
"Hindi na iyon matutupad kung sasabihin ko sa iyo, kuya!"
"Eh 'di wag!"
"Talaga!"
"Kumain na kayo, baka mahuli pa kami sa flight," saad ni Daddy.
Kumain na kami ni kuya. Ang dinamihan ko ng kain ay iyong carbonara, pinadamihan ko pa kay Mommy ang sauce.
"Ano masasabi mo sa cake, Jhuliet?"
Tiningnan ko si kuya.
"Pangit lasa, sana si Mommy na lang ang gumawa."
"Aba— pangit lasa? Pero nakatatlong ulit ka na tapos may icing ka pa sa pisngi mo," reklamo ni kuya.
"Kung tapos na kayo kumain, magbihis na kayo. Jayden, ayusin mo na mga gamit mo," saad ni Daddy.
Tinapos na namin ang pag-kain. Tapos, nagtungo na kami sa kwarto namin para mag- ayos. Pagkatapos kong mag- ayos, pumunta ako sa kwarto ni kuya.
"Kuya?" pagkatok ko. Binuksan naman ni Kuya ang pinto.
"Bakit?"
"Tapos ka na?"
"Palabas na, bakit?"
"Labas ka na, hahawak ako sa kamay mo."
Ngumiti sa akin si kuya at lumabas na habang dala ang mga gamit niya.
"Kuya, ingat kayo ni Daddy, huh?"
Tumango sa akin si kuya. Nasa labas na kami at nagpaalam na si kuya kila Manang at kila kuyang tagabantay namin.
"Mag- iingat po kayo huh? Kayo na po bahalang magbantay kila Mommy, lalo na po kay Jhuliet."
Sumakay na kami ni kuya sa sasakyan, kaming tatlo nila Mommy ang nakaupo sa likuran habang si Daddy katabi ng driver namin.
Pinanggi-gitnaan ako nila Mommy at kuya.
"Mommy," pagtawag ko kay Mommy.
"Bakit?"
Umiling na lamang ako at ngumiti. Kinalabit ko si kuya na kasalukuyang tinitingnan ang dinaraanan namin.
Lumingon sa akin si kuya.
"Bakit? Gusto mo lollipop?"
May subo- subo kasi siyang lollipop, agad naman akong umiling.
"Palit tayo ng bracelet."
Parehas ang disenyo ng bracelet namin— netted stone bracelet daw ang tawag dun— pero naiiba lang kami sa kulay ng stone. Kay kuya kasi ay clear, habang sa akin ay light blue.
"Palit na tayo kuya," pagmamakaawa ko sa kanya.
Inalis ni kuya ang bracelet niya at ganun din sa akin. Isinuot ni kuya ang bracelet niya sa akin at isinuot din niya sa kanya ang bracelet ko.
"Ingatan natin ang bracelet natin, huh?"
"Opo, kuya!"
Ngumiti ako kay kuya at sinandal ko ang ulo ko sa kanya. Ilang oras na lang ang natitira.
Lumipas ang ilang minuto, at tumigil na sa pagbiyahe ang sasakyan. Tumingin ako sa labas ng sasakyan, at nakita kong nasa airport na kami.
Tumingin ako kay kuya at nakita kong huminga siya ng malalim bago niya ako tingnan.
"Labas na tayo," pagngiti niya sa akin.
"Kuya, uwi na lang tayo. Dito ka na lang mag-aral," sabay yakap ko sa kanya.
"Jhuliet talaga, halika na labas na tayo."
Binuksan na ni kuya ang pinto ng sasakyan at lumabas na. Kaya ganun din ang ginawa ko.
Dala- dala nila Daddy at kuya ang mga gamit nila, at nakahawak naman ako sa kamay ni kuya.
Papasok na kami sa airport ng makarinig ako ng isang iyak, lumingon- lingon ako para hanapin ito.
"Kuya, may umiiyak," sabi ko.
"Hayaan mo na lang iyon."
Nasa may pintuan na kami ng airport ng marinig ko uli ang iyak. Lumingon ako at nakita ko sa gilid na may umiiyak na batang lalaki habang may nagpapatahan sa kanya.
"T-tita, si M-mommy," hikbi niya.
"Tahan na, Grae. Babalik din ang Mommy mo."
"Oh, Jhuliet. Tingnan mo, 'wag kang umiyak ng ganyan. Ang pangit mo lalo kapag ganyan ka umiyak."
Tumingin ako kay kuya at sa batang lalaki na umiiyak.
"Kuya?"
"Bakit iihi ka?"
Sinamaan ko naman agad siya ng tingin.
"May lollipop ka 'di ba?"
"Oo bakit?"
"Pahingi ako," sabi ko at nilahad ko ang kamay ko. Agad naman niyang ibinigay ang lollipop.
"Thank you, kuya! Wait lang huh," saad ko at agad na lumapit sa batang umiiyak.
"H-hoy— saan ka pupun—," rinig kong sambit ni kuya.
"Hello po!"
Lumingon sa akin ang nagpapatahan sa bata, pati na rin ung batang lalaki.
"Bakit ano meron?" pagtatanong ni Ate.
"Narinig ko po kasi siyang umiiyak," sabay turo ko sa batang lalaki at nilahad ko sa harapan niya ang lollipop na binigay ni kuya.
"Eto lollipop, oh! Huwag ka ng umiyak, babalik ang Mommy mo."
Tumingin sa akin ang batang lalaki habang nag-uunahan pa rin sa pagbaba ang mga luha niya.
"Huwag ka ng umiyak, 'di iyan magugustuhan ng Mommy mo. At saka—," putol ko sa sasabihin ko sabay turo sa langit.
"Tingin ka lang sa langit, sabi kasi sa akin ni kuya kapag tumingin ka sa langit mababawasan iyong pangungulila mo sa isang tao," sabay ngiti ko.
"J-jhuliet! Halika na, hinahanap na tayo nila Daddy," rinig kong sigaw sa akin ni kuya.
Kinuha ko ang kamay ng batang lalaki at nilagay doon ang lollipop sabay ngiti ko sa kanya.
"Huwag ka ng sad huh? Smile lang, babalik ang Mommy mo!"
"Ba-bye po, ingat po kayo!" pag-paalam ko sa kanila at sabay kaway ko sa kanila.
"Jhuliet!"
"Eto na kuya!"
Naglakad na ako palapit kay kuya. At pumasok na kami sa airport. Nakita namin ni kuya sila Mommy at Daddy na magkayakap. Tumakbo ako sa kanila at nakisali sa yakap.
Naramdaman ko din na nakisali din si kuya. Humiwalay na kami sa yakap pero niyakap ko ulit si Daddy.
"D-daddy, ingat po kayo dun. I love you po, araw- araw," saad ko kay Daddy.
Tumingin sa akin si Daddy at ginulo ang buhok ko. Umupo si Daddy at ngiti ng bahagya.
"Ikaw muna ang bahala sa Mommy mo, huh? Mag- iingat kayo. M-mahal na mahal ko k-kayo," saad ni Daddy na nagpaluha sa akin, minsan ko lang marinig ang mga salitang ito kay Daddy.
Tumayo na si Daddy at inayos na ang mga gamit niya. Lumapit ako kay kuya.
Umupo si kuya para magkapantay kami.
"Jhuliet, lagi mong tandaan ang mga sinabi ko sayo, huh?" sabay yakap sa akin ni kuya.
"I love you, mami-miss kita—kayo ni Mommy."
Hinalikan ako sa noo ni Kuya.
"Jayden, halika na."
"Oh siya, aalis na kami ni Daddy. Ba-bye na," paalam sa akin ni kuya kasabay ng pagtayo niya at paglajad palapit kay Daddy.
Lumuluha ako at hinawakan agad ang kamay ni kuya.
"Kuya, bawal ba-bye."
"Bakit?"
"See you later dapat bawal ba-bye. Babalik naman kasi kayo ni Daddy 'di ba po, tapos hihintayin ko po kayo."
Ginulo ni Kuya ang buhok ko.
"Oo naman, babalik kami. S-see y-you l-later, J-jhuliet. Hintayin mo kami ni D-daddy, huh?"
Nakita ko na may tumakas na luha sa kanang mata ni kuya na agad niyang pinunasan.
"Oo naman po! See you later po kuya! I love you po, araw- araw! Balik kayo, huh?"
Ngumiti sa akin si kuya at tumango. Naglakad na siya palapit kay Daddy.
Nakatayo lang kami ni Mommy habang hinahaplos niya ang balikat ko.
Bago tuluyang mawala sa paningin namin sila, lumingon sila Kuya sa amin. Ngumiti ako sa kanila, kahit alam ko 'di na nila ito makikita.
Ngayong May 4, ang unang gabi na wala na akong makikitang Kuya Jayden at Daddy sa bahay namin.
——
☾— it's a long update. Happy Reading!