Chereads / Waiting For Love / Chapter 4 - Kabanata 3: Why will you do the same?

Chapter 4 - Kabanata 3: Why will you do the same?

☾—— you left and I will wait and wait for you to come back.

Kabanata 3: Why will you do the same?                                        

"Kuya! Wake up! Wake up!" Paggising ko kay kuya na kasalukuyang mahimbing ang tulog sa duyan.

Nakatulog nga ako, pero nagising ako dahil sa tawag ni Mommy. Kakain na daw kasi ng dinner, naabutan na kami ng gabi dito sa bakuran dahil nga nakatulog kami parehas ni kuya. Ang akala ko 'di makakatulog si kuya, pero eto siya ngayon mas mahimbing pa ang tulog kaysa sa akin.

Tulog mantika daw kasi si kuya sabi sa akin ni Mommy.

"Kuya! Wake up!!" Saad ko habang niyuyugyog na upang gumising na siya. Hindi pa rin siya nagigising, kaya naman pumunta ako sa ilalim ng duyan at pilit tinulak ito para mahulig si kuya, ayaw gumising eh.

"A-aray!" Rinig kong daing ni kuya ng mahulog ito sa duyan. Sinilip ko si kuya at nakita kong sapo- sapo nito ang pang-upo niya.

"Are you awake na kuya?" Saad ko.

"Bakit mo naman ako ginising sa ganung paraan?!"

"Eh, ikaw kasi tulog mantika. Kahit niyugyog na kita at sinabunutan, wala pa ding nangyayari."

Lumapit ako kay kuya at tinulungang makatayo ito.

"Halika na, kuya. Let's eat dinner na! Tawag na tayo ni Mommy," sabi ko habang hinihila siya papasok sa aming bahay.

"Huwag mo na akong hilahin, kaya kong maglakad na mag- isa, Jhuliet."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya, at pinagpatuloy ang paghila hanggang sa nakita ko na si Mommy na nag-aayos ng pagkakainan namin.

"Mommy!" Pagtawag ko sa kanya.

Umupo na agad ako sa upuan at pinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay na nasa table.

"Mommy? Ano pong ulam?"

"Jhuliet, anak. Huwag kang umupo ng ganyan."

Inayos ko naman agad ang pagka- upo ko.

"Mommy? ano pong ulam?" Pag-uulit ko.

"Iyong paborito niyo ng daddy mo." Saad ni mommy na nakapag-palaki ng mata ko. Adobo.

"Hala!" Buong galak kong sinabi.

"Eh 'di mommy, uuwi si daddy?" tanong ko.

Tumingin sa akin si Mommy matapos niyang mailapag ang panghuling tinidor, lumapit siya sa akin at bumulong.

"Oo."

Isang salita lamang pero grabe na ang ginawa nito sa buong sistema ko. Bihira ko lamang makasabay sa pag-kain si daddy, kaya naman grabe ang tuwa ko ng malaman ko ito.

"Ekshayted na ako, Mommy!"

Bigla akong nakarinig na may tumawa. Kaya nilingon ko ito para malaman kung sino.

"Excited iyon, Jhuliet. Hindi ek-shay-ted." Sabi nito habang ginagaya ang tono ng pananalita ko.

"Wala akong paki, kuya."

"Oh, mag- aaway na naman kayong dalawa. Maghugas na kayo ng kamay at umupo na rito habang hinihintay natin ang daddy niyo. Malapit na raw siya."

Nagmadali akong maghugas ng kamay at nagtungo na sa upuan ko. Hindi ako mapakali kasi makakasabay kong kumain si daddy.

"Stop smiling, Jhuliet. Ang creepy ng ngiti mo," nandidiring saad ni kuya sa akin.

"Mommy! Si kuya, parang ewan na naman," sumbong ko kay Mommy.

"Masama bang ngumiti, huh? Eh 'di ngumiti ka din!", singhal ko kay kuya.

"Oh, ang butas ng ilong mo lumalaki na naman," pang- aasar sa akin ni kuya.

"Mommy! Si kuya!"

Kasabay ng pagsabi ko ng mga salitang iyon ay ang pagrinig ko ng tunog ng sasakyan. Nandiyan na si daddy!

"Oh, umayos na kayong dalawa diyan. Nandyan na ang daddy niyo," saad ni Mommy habang pumupunta kay daddy para salubungin ito.

Sumunod naman ako kay Mommy, para salubungin din si daddy.

"Jhuliet, bumalik ka dito," pagtawag sa akin ni kuya, pero 'di ko pinansin.

Nakikita ko na si daddy na sinalubong ng yakap si mommy. Kaya naman nagmadali ako upang batiin siya.

"Daddy!"

Pagtawag ko sa kanya para mapunta sa akin ang atensyon niya. Pero na kay mommy pa rin ang tingin nito.

"Daddy!"

Pagtawag ko muli ng makalapit na ako at binuka ko ang dalawang bisig ko upang humingi ng yakap kay daddy.

Tiningnan ako ni daddy at ang mga bisig ko na naghihintay sa yakap niya. Pero hanggang dun lang iyon dahil naglakad na siya para pumunta sa dining table.

"Jhuliet. Pagod ako," rinig kong saad ni daddy kaya naman binaba ko na ang mga bisig ko na naghihintay sa yakap niya. I miss hugging him.

"Halika na, Jhuliet. Kain na tayo, pagod lang talaga ang daddy mo," sabi ni mommy. Kaya sumunod na lamang ako sa kanilam

Nakita kong nakaupo na si daddy kaya naman umupo na rin ako.

"So, who wants to lead the prayer before we eat?" tanong ni mommy.

"Ako po," pagprisinta ko. Ngumiti sa akin si mommy. Magsisimula na sana ako pero nagsalita si daddy.

"Jayden," pagtawag ni daddy.

"Po?" Pagtugon naman ni kuya.

"You lead the prayer."

Nagtakha namang tumingin si kuya sa akin at kay daddy, ngumiti na lamang ako sa kanya.

Nang matapos ang pagdadasal, nagsimula na kaming kumain.

"Daddy, favorite po natin ung ulam!"

Galak kong saad kay daddy.

Tumango lamang sa akin si daddy na 'di man lang ako tinatapunan ng tingin.

Gusto ko ng umiyak.

Bakit ganyan ka daddy?

Nagsimula na lamang akong kumain para maiwasan kong umiyak sa harap ng pagkain atsaka baka asarin din ako ni kuya na ang iyakin ko daw.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain ng biglang tinawag ni daddy si kuya.

"Bakit po?" takhang tanong ni kuya kay daddy.

"Naayos mo na ba ang pinapaayos ko?"

"Patapos na po."

"Ano pa ba ang kulang at 'di ka pa natatapos?"

Tumingin si kuya kay daddy, at tiningnan niya din ako.

"P-passport," saad ni kuya habang nakatingin siya sa akin na nagpa-gulo sa akin.

"Kuya, ano iyong pashpowt?"

"Jhuliet, wag kang makisali sa usapan," sita sa akin ni daddy.

"Nagtatanong lang naman po ako."

Napatungo na lamang ako dahil sa pagsita sa akin ni daddy.

"Bunso, ang passport ay ginagamit para makaalis," sagot ni kuya.

"A-aalis ka kuya?" takha kong saad.

Tumango si kuya bilang tugon.

"S-saan k-ka naman pupunta? S-sino kasama mo? Iiwan mo a-ako?"

Maluha- luha kong pagtatanong kay kuya. Umiwas ng tingin sa akin si kuya. Kaya naman lalo akong napaluha.

"M-mommy, iiwan na b-ba ako ni k-kuya? Sabi niya 'di ba d-dito lang siya," tanong ko kay Mommy habang nag-uunahan na bumaba ang mga luha ko.

Lumapit sa akin si Mommy, at hinaplos ang mukha ko.

"Sshh, 'di ka iiwan ng kuya mo."

"P-pero s-sabi niya—," naputol ang pagsasalita ko ng magsalita si daddy.

"Paakyatin mo na nga iyan sa taas. Nasa harap ng pagkain, ang ingay- ingay."

"M-mommy ako na po mag-aakyat kay  Jhuliet," pagprisinta ni kuya.

Bago pa ako mahawakan ni kuya ay nagmadali na akong umakyat sa taas at nagtungo sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ako ni kuya pero di ko na iyon pinansin.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko itong ni-lock.

"Jhuliet?" rinig kong pagtawag sa akin ni kuya.

"Jhuliet, papasukin mo si kuya."

"A-ayoko!"

Naririnig kong kumakatok si kuya para papasukin ko siya, pero binalewala ko at nagtaklob agad ng kumot.

"Jhuliet? Papasukin mo na si kuya."

"Ayoko! Hindi tayo bati! Iiwan mo na ako," pag- iyak kong saad sa kanya.

"G-gagaya k-ka na kay daddy. 'Di na kita makikita dito sa bahay," paghikbi kong sigaw sa kanya.

"J-jhuliet."

"Bakit ka gagaya kay daddy?" bulong ko sa sarili ko.

"I-i h-hate you."

☾—— Stay healthy, my dear stars.