Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 8 - Maid

Chapter 8 - Maid

Chapter 7. Maid

KINAGABIHAN ay kinausap si Heizen ng dalawang nakatatandang mga babae. Magiging "yaya" siya ni Ali. Hindi niya alam kung paanong napapayag ng huli ang mama at lola nito na tanggapin siya, pero iyon na nga, hindi para maging kasambahay sa mansiyon, kundi para maging personal maid ni Ali.

"Ang laki mo na, bakit need mo pa ng yaya?" kinompronta niya ito matapos nilang kumain ng hapunan. Naiwan silang dalawa sa sala nang ihatid na ni Dra. Aliana si Lola Elizabeth sa silid nito.

"I'll be needing you to come with me all the time," sagot lang nito.

"Bakit?"

"I am a trainee and bound to be an idol. Pero kailangang ko pang mag-training sa loob ng anim na buwan para tuluyang mapasama sa binubuong idol group ng kumpanya," esplika nito.

Napamaang siya. Ali, will become an idol? Wala sa sariling natawa siya.

"Minamaliit mo ba ako?"

"Hindi." Totoo naman iyon. She just couldn't believe he'd be one. Parang mas bagay rito ang maging doktor gaya ng mga magulang nito, o mag-serve sa military gaya ng nakababatang kapatid.

"Did you cry?" biglang tanong nito.

Bahagya siyang natigilan. Yes, she did. Pero nunca aminin niya iyon. Siniguro niyang hindi na gaanong halata ang pamamaga at lamlam ng mga mata niya kanina bago bumaba, kaya paanong alam nitong umiyak siya? Sa huli ay umiling siya.

"I'm really sorry about what happened..."

"N-Naku! Ayos na iyon." Bahagya niya itong tinampal. "Let's just ano— start anew."

Nakatitig lang ito sa kanya.

"I'm Heizen Salazar, I will be your personal maid until, well, I don't know when. Just call me your yaya," she tried to sound lively and extended her hand to him.

"Ali..." Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya.

Prince Alexander Villareal Quijano...

"You know my full name?" namamanghang tanong nito.

Para siyang natauhan at binawi ang kamay.

"Hmm?"

"Uh, ano, I just guessed. Kasi nakita ko iyong gold plating ng surnames ninyo sa entrance papunta rito sa mansyon. Tapos , 'di ba, your mom called you 'Prince Alexander' this morning?" Bakit ba ako kinakabahan?

Marahan naman itong tumango.

"Uh, p-papanhik na ako sa kwarto."

Hindi niya alam kung paanong nakatulog siya nang gabing iyon. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang nangyari.

Una, inalok siya ng kasal ni Ali. That was too good to be true and she didn't even notice that's just a joke.

Ikalawa, pumayag itong maging personal maid, o mas gusto niyang sabibing magiging yaya siya nito when obviously, he didn't need one.

Was he planning on something that would embarrass her? Ano ba'ng nagawa niyang mali rito? Or what if he just really wanted to help her?

Ah, basta, gagawin niya ng maayos ang trabaho niya para makapag-ipon at makapag-college sa mga susunod na taon.

Alas sinco pa lang ng umaga nang marinig niyang may marahang kumakatok sa pinto ng kanyang silid. Wala sa sariling tumayo siya at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.

She was yawning when she opened the shotgun door, like she's half-asleep, half-awake.

Napamura si Ali at mabilis at bahagya siyang tinulak papasok sa kanyang silid.

"Why are you topless?!" tila naeskandalong tanong nito.

"Inaantok pa ako..." wala sa sariling tugon niya.

"Damn it, huwag mong bubuksan ang pinto nang hindi ka nagbibihis!" Hinubad nito ang suot na t-shirt at pinasuot sa kanya. Doon siya natauhan at mabilis na sinoot ang mga braso sa shirt.

"Ano'ng... Bakit ka nandito?"

"Good morning, too. Do you always sleep without a shirt?" Mabibigat ang hininga nito nang magtanong.

Mabilis na umakyat ang dugo sa kanyang mukha, alam niyang pulang-pula na siya

"I— ano kasi, pakiramdam ko... H-Hindi ako makahinga kapag may bra o kahit na anong damit kapag natutulog ako." Sinubukan niyang magpaliwanag.

Nagtangis ang bagang nito. "Do you always open the door without dressing up first?"

She shook her head and crossed her arms on her chest.

"Hindi iyan ang nangyari."

"Hindi nga talaga! Akala ko kasi, tulog pa ako. 'Tsaka ang aga-aga pa, bakit kumakatok ka na? I just slept two hours ago," reklamo niya.

"Why did you sleep late?"

Ikaw kasi!

Bumuntong-hininga ito. "Anyway, I woke you up to say we will go to the agency today. I have a vocal training from eight to eleven, and I have a dance practice at noon. Maghanda ka, hihintayin kita sa baba."

"Ngayon na ba ko mag-start mag-work sa iyo?"

"Pinili mo ito," katwiran ni Ali.

Oo nga naman.

"Are you sure you don't want to marry me instead?" Kinuha nito ang atensyon niya. Nang tingnan niya ito sa nakangisi ito ng malapad.

"Fuck off, Ali!" Alam niyang pina-power trip lang siya nito.

"Hihintayan kita sa baba." Pinasadahan siya nito ng tingin at agad ding nag-iwas ng tingin.

She really took her time taking a bath and preparing herself. Lagpas alas siete na nang bumaba siya.

Naabutan niya si Ali na nagse-cellphone sa sala.

"Let's go? I packed some sandwiches. Sa sasakyan na tayo kumain."

"Hindi ka pa kumain?"

Umiling ito. "I was waiting for you. Pero natagalan ka kaya nagpabalot na lang ako kay Wella. Now, let's get going."

Sino siya para tumanggi, hindi ba? Kahit sanay siyang kumain sa hapag, ay sinunod pa rin niya ang huli.

Nasa sasakyan na sila at naipit sa trapiko nang maramdaman niya ulit ang antok.

"This is why I want us to go earlier. Iniiwasan ko ang rush hour."

"Well, sorry kung matagal akong maligo." Ayaw niyang maging sarcastic pero hindi niya mapigilan.

"You don't have to be sarcastic."

"Sorry po." Sinubukan niyang maging magpakumbaba pero nakatakas pa rin ang pag-uuyam sa tinig niya.

"Hindi mo rin kailangang baguhin ang sarili mo," sambit naman ulit nito.

She looked at him indifferently. "Hindi kita ma-gets. I should be mababa kasi pinapasweldo mo na ako ngayon. If I don't change my ways, baka imbes na pagsilbihan kita, ako ang pagsilbihan mo," she said as a matter of fact.

He chuckled lightly. "I won't mind babysitting you."

She raised an eyebrow. "I said 'pagsilbihan' not 'babysit', Mister. At alam kong 'serve' ang meaning no'n."

Ngumisi lang ito. "Kumain ka na, nasa picnic basket sa likuran iyong mga sandwiches."

She just slouched on her seat and reclined it a bit. "I'm sleepy."

"Kumain ka muna."

"Nah, I'll just eat later. Sleepy na talaga ako."

"Hindi na pala muna dapat kita sinama." May pagsisisi sa boses nito.

"It's ayos lang. You have the rights to order me around."

"Ano'ng oras ka ba nakatulog?"

"I thought sinabi ko na sa iyo kanina. Bandang magti-three na akong nakatulog."

"What? That's already morning!" He glanced at her a bit. Parang medyo late naman yata ang reaksyon nito? Kanina pa niya pinaliwanag na late siyang natulog.

"Kaya nga inaantok pa ako ngayon. Just wake me up kapag nandoon na us."

"I was too preoccupied this morning. Hindi ko gaanong napansin iyong sinabi mong hindi ka kaagad nakatulog."

Marahan siyang tumango at pumikit na para tuluyan nang makatulog.