Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 4 - Yes

Chapter 4 - Yes

Chapter 3. Yes

"YOU'RE kidding me, right?"

Iyon ang tanging reaksyon ni Heizen sa seryosong mukha ni Ali, nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. Napahalakhak siya ng wala sa oras dahil hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Can you hear yourself? Ano ang makukuha mo sa 'kin? Our businesses already failed!"

"I know and I don't give a damn about your companies. I only want you to marry me."

So, hindi talaga siya nagkamali ng dinig. Unti-unting kumalma ang pagtawa niya at muling tumitig dito. "Why would you marry me?"

"Because I want to," tipid nitong sagot. Tumayo ito at nilahad ang isang kamay sa kanya.

"I just turned eighteen. I know there are some girls at your age who are very willing to marry you, so why would you want to marry me? We don't even know each other."

Makahulugang tinitigan siya nito. "So my mom won't adopt you."

Katulad kanina ay literal na napamaang siya sa narinig.

"And I can pamper you, Princess."

"My name is Heizen Maey Luzano Salazar. Walang 'Princess' sa pangalan ko, Mister." Nagawa niya pang mag-esplika.

"I perfectly know your name. I just wanted to call you one. You were once a princess, and will always be a princess."

"Hindi ko talaga makuha ang lohika mo. Daig mo pa ang bata kung mag-isip."

Naningkit ang mga mata nito at pinamulsa ang palad na nakalahad sa kanya. "You will still marry me."

Napanguso siya. "As I've said, I just turned eighteen. Why would you think I'll never decline your proposal?" Wait, was that even a proposal? Parang nakarinig lang siya ng business offer, ah?

"Because I can give everything to you."

"So?"

"And you can give me kids." Hindi makapaniwalang nag-angat siya ng tingin dito at nginisihan siya nito. He was obviously teasing her, or more like, pissing her off.

"Ha! Bata pa ako!"

"You're eighteen and your body has the right and perfect curves. Medyo maliit nga lang ang... Hmm... But you can already bear our babies," puna nito sa kanya.

Napalunok siya. Bakit hindi siya nabastusan? Bakit parang nakita niya sa hinagap niya na malaki ang sinapupunan niya at ito ang ama? Mabilis na napailing siya. And her boobs weren't that small! Bago pa makasinghal ay nagsalita na ito.

"Now, tell me..." Bahagya itong tumigil sa pagsasalita at hinuli ang kanyang braso kaya napatayo siya't bago mawalan ng balanse ay nasalo nito ang likuran niya. "Do I still look like a young boy to you, my little princess?"

Naging mabigat ang paghinga niya at pilit na nilalayo ang katawan dito. Sa huli ay matapang na nag-angat siya ng tingin at nakipag-agawan ng titig dito.

"I didn't know you're a cradle snatcher, Ali!" pilit niyang pagsusungit.

He then chuckled, making her stare at him with awe. His laugh sounded genuine, showing his perfect set of white teeth. Bahagyang nahiya ang sungki niya sa bandang kaliwang pangil. Sinadya niyang huwag ioabunot iyon at huwag magpa-braces dahil nacu-cute-an siya noon sa ngipin niyang iyon. Ngayon lang siya na-insecure.

"I'm only four-year older than you," komento pa nito sa pagitan ng pagtawa.

Dumiin ang yakap nito habang tumatawa at muli siyang napaigik. Agad naman siya nitong binitawan. Sumeryoso ulit ito at tinitigan siya ng maigi.

"Let's go to the hospital. Nangingitim pa rin ang mga bugbog mo." Huminga pa ito ng malalim na parang kinakalma ang sarili. "They're already processing all of the papers needed. You are mine now."

Imbes na mag-amok ay parang sinilaban pa siya nang sumama kay Ali. She'd rather be with him than continue living in the orphanage.

Saglit lamang sila sa ospital. Matapos niyon ay dinala siya ni Ali sa isang mamahaling restaurant. Some of the people recognized her but no one dared to come nearer.

They went to the rooftop, there weren't any people put there. There's only a table with a candlelit and a very romantic setting in the middle of the floor, with the skyscrapers as their view. And the crews were standing on one side. Dahil maggagabi na ay unti-unti nang nagliliwanag ang siyudad dahil sa mga city lights.

"Ali, I want to ask you a question," basag niya sa katahimikan. Kanina pa kasi sila tahimik. Nagsasalita lang kung tatanungin siya nito kung gusto ba niya nito o niyan. They already served the dessert and she focused on eating her parfait but she couldn't help but ask him.

"I like the way you call my name," tila wala sa sariling tugon naman nito.

"Ha?"

"Huh?" nagtatakang-tanong nito.

"Sabi ko may itatanong ako."

Bahagya itong tumango.

"Pero ano iyong sinasabi mong gustong mong binabanggit ko ang pangalan mo? Hindi ba't Ali naman talaga ang name mo?" she asked first. "Ayaw mo ba ng first name basis? Should I call you Quijano instead?"

He just smirked and stared at her. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ayaw niyang mag-iwas ng tingin. "Your eyes are expressive. We have the same almond eyes shape, but yours are more beautiful," puna nito.

Ang layo ng mga sagot, ha?

"Your nose is small and cute but it fits your small face and cute cheekbones. Your lips... are sensual at your age..."

"Yeah... Yeah... And my eyebrows are brushy, my eyelashes are manipis. Ikaw na ang may mahahaba at makakapal na pilik," dagdag niya. Trying so hard to suppress the unnamed emotions arising.

"Pakasalanan mo ako, nang hindi na ka na ampunin ni Mama."

Naningkit ang mga mata niya. Mas mainam pa yata na hindi siya sumubok na mag-usap sila.

"Hindi ako magiging parte ng pamilya ninyo. We already talked about it noong nakaraan, hindi ba? And, duh! Who cares kung kaya mong ibigay ang luho ko? I am not the Salazar Princess anymore. Wala na akong karapatang mag-demand ng kung anu-ano so I should look for a job na bukas."

Again, he chuckled heartily. "That sounded more like you, Heizen."

Nangunot ang noo niya. Did he know her before? Paanong alam nito ang paraan ng pananalita niya? She's been trying so hard to speak normally in front of other people. Pero kusang lumalabas ang paraan kung paano siya magsalita. Plus, he called her name, right?

Ano itong kiliting nararamdaman ko sa sikmura ko? Naisip niya.

"Let's finish our meal. Naghihintay na sila sa atin."

Wala sa sariling tumango siya pero nanatiling nakatitig dito. Pinanood niya ang bawat pagsubo nito sa kinakaing dessert. Pagkuwa'y nag-angat ito ng tingin at nahuli ang paninitig na ginagawa niya rito.

"Gusto mo?" alok nito sa kinakaing dessert.

Umiling siya at mabilis na uminom ng tubig. Ilang sandali pa ay tinitigan niya lang ito ng mariin.

"Don't look at me that way. Baka isipin kong gustung-gusto mo na akong pakasalan."

Napasinghap siya at pilit na nag-iwas ng tingin.

Sakto namang dumating ang isang server na may dalang violin. He immediately played a soft version of Happy Birthday Song, may mga kasunod ding crew ang lumapit at inabutan siya ng maliit na cake na may kandila.

Ngayon lang talagang nag-sink in sa kanya na kaarawan niya. Pinatapos niya muna ang pagtugtog ng violin at pumikit ng mariin. Matapos ng maikling dasal ay hinipan na niya ang kandila at binati muli siya ng mga service crew. She opened her eyes and thanked them. She then looked back at Ali, who'd been intently looking at her.

She saw how his lips formed into a genuine smile like a slow motion, and saw how he mouthed "Happy Birthday" to her sensually. He's accusing her for having sensual lips when in fact, his were more sensual. Wala sa sariling tumango siya nang gagapin nito ang isang kamay niyang nakapatong sa gilid ng mesa. He was saying something and he looked really worried but her mind was clouded by his proposal earlier. She never left his eyes when he uttered these,

"Yes..." her voice sounded so little. "I will marry you, Ali."