Chereads / Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan / Chapter 18 - Tapos na, ngunit...

Chapter 18 - Tapos na, ngunit...

Digmaan ma'y natapos na,

Dugo pari'y patuloy ang pagdanak.

Naubos na ang mga bala,

ngunit kamay pari'y sa gatilyo nakahawak.

Kutsilyo ma'y pumurol ang talim,

sa puso pari'y isinaksak

Pana man ay nagmintis sa akin,

sa 'king sintido'y nakatarak

Ano nga ba talaga ang iyong balak?

Ang iwan ako't ang aking pusong wasak.

Hayaan ang mga matang umiiyak.

Habang naglalakad na sariling kabaong ang hatak hatak.