Kanina pa ko nakatitig sa halagi
Anino sa bintana bumubulong "hala sige,
ituloy ang binabalak.
'Di ba mawari
madali lang 'yan tuluyan, konting tulak ng daliri"
ulit-ulit mga tinig. ulit-ulit sinasabi.
sabay sabay magtatawanan
tititig nakangiti
hahahahahaha
mga ayaw manahimik, kahit bingi maririndi
kinakausap ang sarili, tila wala na sa aking sarili
Saan ba dapat ako magpunta kung pati ako ay ayaw manatili
saan ba dapat ipataw ang sisi kung isipan ay tuluyang pagtulog ang pinipili
itinuturo ang sarili, tila traidor na makapili
may hawak ako mahaba na tali dito ay bakasakali
na bulungang nakakarindi matahimik man lang kahit na sandali
nakakabaliw. di na ako mapakali
teka muna maghunos dili
wag mo gawin na putulin ang pisi
sa buhay kailangan muna magtimpi
marami ka pang kailangang masabi
maraming pa ang piyesang kailangang mahabi
may oras ka pang nalalabi
bago ka humimlay bilang isang labi