Bulag:
Tanaw ko ang bakas
Masalimuot na kapalaran ang nakita pagtanggal sa matang nakapiring
Ngunit hinihiling
Na gawing permanente ang mabuhay sa dilim
Kaya sunod-sunuran sa'n ka man niya na dalhin
Walang pinag-iba sa paghawak ng patalim
(MALAGIM)
Kung saksakan ng tanga ang salarin
Pinalakad ka lang ng sistema para ikaw lang ay patayin
Kahit magpaliwanag sa natutulog
Hindi babangon sa kalagitnaan nitong sunog
Ang nakita lang ay salitang iba na ang dulot
Sa mabangong kasinungalingan ay mas pinili na malunod
ABUSADO sa kanyang kapangyarihan
AKUSADO na nagbabait-baitan
APRUBADO ang mga napipilitan
Mga taga-suporta iba na'ng paninindigan
"Bulag ba talaga ang karamihan" ang tanong
"Edi 'kaw mag-Presidente" pagalit na sinagot
Sumasamba sa tuta na sila-sila nakakulong
Hinahayaan na lamang mga 'yan na kumakahol
Nagpapasilaw sa ginto sa sariling panaghinip
Binabangungot lang na halatang nananahimik
Tinuro sa mata nang mariin nang di na makasilip
May katapusan pangalan 'yon ang 'di mo naiisip
Pipi:
Nakahanda na ang busal
ilalagay na lang sa 'ting bibig
May kasama na punyal
Ibabaon sa 'yong dibdib
Simulan mo nang magdasal
Nawa ay mayroong makinig
Siguro nga'y nakakautal
nakakatakot, nakakanginig
pero 'kung 'di ka susugal
eh sino na lamang ang titindig
sa Kalaunan sa pagtagal
dilim na lamang mananaig
kakalas lang sa pagkasakal
kapag bangkay ka na lang sa sahig
at pinaka sumatutal
laruan ka na lamang na depihit
Kailan, kailan mo ititigil ang pagtikom?
Pag ang Pilipinas di na matawag na nasyon
at ang Perlas ng silanganan ay probinsya na lang ngayon
Kaya hala sige sigaw hanggang may pagkakataon
Kailan, kailan mo ititigil ang pagtikom?
'Pag tangi mong kalayaan pumili hihigaang kahon
Pumili kung saan lugar bangkay mo'y ibabaon
Kaya hala sige sigaw hanggang may pagkakataon
Sumunod na kase
Suporta kahit na male
Ano ba ang ambag mo pre
Reklamo'y walang dulot eh
Bakit di ka magbigte
Basta wala kaming pake
Solid troll lang po kami
Mga pinaling maging pipi
Bingi:
Ano nga ba tunay na naririnig sa gitna katahimikan
(ano?)
Mga kasingungalingan ba 'tong namamahay sa isipan
Guguluhin ka hanggang sa wala kang nang paniwalaan
Hanggang sa isang araw ikaw na yung sumasabog na katotohanan
Alam ko bawal magreklamo sa binging estado
Susupiliin ang kalaban gamit mga kaso
Sa kasukasukang galawang ng ating gobyerno
May tabi tabi po ba para sa kanilang walang mga respeto
Nakakarindi gabi-gabing putok ng baril sa lansangan
(patay na naman)
Ang mga walang katapusang pambobomba sa kanayuan
(bakwit sa daan)
Ang tuloy-tuloy na demolisyon sa mga maralitang tahanan
(palayasan)
Ang araw araw na hagulgol ng ginagahasa nating lipunan
(tang-ina naman)
Alam ko naririnig mo din
Mga hinaing na hinahaing sa kanila
(hindi ba)
Imbis na unahin ang mamamayan "mamaya na yan" sagot ng mga walang hiya
(di' ba?)
Imbis na magpursige, puro sige nakakadismaya
Silang mga tutang pinuputa sariling mong bansa
Habang kayong mga bingi mga gaparatang walang napapala
Palala na nang palala yung sitwasyon
Ipinagpapala ko na rin sila ng libingan nila ngayon
Papalag at di palalapagpasin ang pagkakataon
Isang araw ituturing mong pagpapala sigaw ng rebolusyon
Mabibingi sila sa sigaw ng rebolusyon Mabibingi sila mabibingi sila sa sigaw ng rebolusyon