Chereads / Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan / Chapter 28 - Ngunit ngayon

Chapter 28 - Ngunit ngayon

Noon, Halaga ay hinahanap ko.

Paano ba maging importante sa buhay na ito?

Bulong ng aking puso,

ay nais kong kanilang marinig

kaya pilit ko itong isinisigaw sa mundo.

Lahat ng saradong pinto ay aking bubuksan

at maging entablado ay aakyatin

bagamat kurtina ako na ay napagsarahan.

Noon,

Lahat ay susubukin ko,

Lahat ay kakayanin ko.

...Ngunit ngayon,

Ngayon,

Lahat ay sinusubok ako,

Lahat ay kinakaya ako.

Entabladong bukas at may nag-aabang na palakpakan

ayoko nang hakbangan.

Mga bukas na pinto ay akin na lang lalampasan.

Sigaw ng mundo ay ayoko nang marinig.

pinili kong maging bingi

sa kanilang mga bulong na sa aking puso ay nakakarindi.

Importante pa ba ang buhay na ito?

pagpapahalaga na ang humahanap sa ako.