Chereads / Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan / Chapter 20 - Pulang tali

Chapter 20 - Pulang tali

Sabi nila,

Mayroon daw pulang tali na hindi nakikita, ang nagdudurugtong sa dalawang tao.

Dalawang taong itinakda para sa isa't isa.

Pag-ibig na hindi mapapatid

ang nagtatali sa kanilang dalawa.

Darating ang araw na sila rin ay magtatagpo, kahit anong buhol man ang humarang sa pagtatagpong ito.

Ngunit hindi mo ba nababatid?

Bakit nga ba PULA?

Bakit PULANG TALI ang simbolo ng paglalaro ng tadhana?

Dahil nga ba sa masiid na pag-ibig at ang puso ay pula?

O sa dugo?

Sa dugo ng sugat-sugat na pusong durog.

Durog sa pait at sakit na hatid ng pag-ibig.