Chereads / Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan / Chapter 17 - Kanino nga bang Kwento?

Chapter 17 - Kanino nga bang Kwento?

Ang kwento ng buhay ko ay hindi tungkol sa akin.

Nakikilala mo ako,

Pagkat ika'y ako.

Buhay ko'y iyong anino

Salamin ng iyong mundo

Sa akin ang panulat

ngunit sa akin ay gumalat

mga letrang naisulat

naging iyong aklat

Dusa mo'y aking pasakit

ligaya ko'y iyong saya

sayong bulong ako'y lalapit

sa aking sigaw, naasan ka kaya?

Ako ay lagi mong kasama

bagamat ako'y nag iisa

Ika'y di mag laho sa aking mga mata

ngunit ako'y di mo nakikita

Ako'y di mo nakikilala

dahil ako'y sino na nga ba?

nagtatanong, nangangamba.

Ang kwentong to kanino nga ba?