Chereads / lab eksperiments / Chapter 5 - eksperiment lima

Chapter 5 - eksperiment lima

Mahal kong Tala,

Ilang milya ang distansya,

Malayo pero nakikita ka.

Malabo noong una,

Nung natitigan ay luminaw na.

Sa madilim na gabi,

Hindi mo rinig ang sinasabi.

Hinihintay ka binibini,

Isang espasyo saking tabi.

Hindi kita pinipilit,

Sadyang ikaw ang napansin sa langit.

Sa dami ng bituin na kasabit,

Sayo nawalan ng bait.

Pakiusap kahit isang akap,

Ayos lang kahit di magdampi ang balat.

Basta dito ka sa aking harap,

Tuparin aking pangarap.

Isang hiling aking ibubulong,

Hihingi sana ng tulong.

Problema aking idudulong,

Sagot na di abot ng dunong.

Mali palang humiling sa bumabagsak na bituin,

Dahil maging ako, bumagsak din.

Kaya sana maging patas sana.

Akin na sya ngayong makasama.

Nagmamahal,

Ako.

Lang.