Chereads / lab eksperiments / Chapter 6 - eksperiment anim

Chapter 6 - eksperiment anim

Sagot ni Tala

Dyan ka magaling, sa paghiling.

Kapag wala ka ng pag-asa, sakin ka babaling.

Saka ka palang lalapit kapag tagilid ka na.

Kapag alam mong imposible na at paalis na sya.

Dyan ka lang magaling, tamang tingin-tingin.

Hindi naman kase sya model sa magasin,

Pero kung makatitig ka wagas.

Pero kapag kausap ka walang salitang lumlabas.

Tapos ano? Tala, pakiusap.

Mama mo usap!

Tapang, boy.

Boy ka boy, umayos ka boy.

Hindi bituin ang sagot dahil siya ang dapat sumagot.

Magtanong ka baka yan pa ay mabagot.

Hindi nakakabili ng lakas ng loob,

Kaya mag-ipon ka para hindi ka tumaob.

Pero teka lang parang may mali.

Sakin ka tumatakbo kapag nadedehado,

Kapag buhay pag-ibig mo namemeligro.

Tae ka ba single nga rin ako!

Takot kang mawala sya e ako ni hindi nagkaroon.

Mag-isa ako simula pa noon.

Buti pa yang buwan at araw, love team.

Kumikinang nga ako, solo naman sa dilim.

Kaya wag ako.

Wag mo akong idamay sa problema mo.

Nanahimik ako dito.

Please, di ako third wheel ayoko ng gulo.

Hindi ka mahal,

Hindi ka na nya mahal,

Tala.