Para sa mga walang magawang aso,
Sige tahol, sige habol.
Nagawa nyo pang umalulong,
Sa kanto pa napiling kum*ntot.
Sige takbo, sige gulo.
Wala namang babawal sa inyo,
Sana sakin din.
Gusto kong umalulong, awoooo!
Na walang mag-iisip na nababaliw ako.
Gusto kong tumakbo,
Gusto kong hanapin yung dulo.
Tapos ipapatrolya ko roon ang mga bantay kong aso,
Para pagnaligaw ka, pababalikin ka rito.
Dito,
Dito sa puso ko.
Tapos ipapalapa kita sa aso!
Hu yu ka na sakin, loko!
Pero jowk,
Praktis lang balik ka muna dito.
Saka na yung aso.