Chereads / lab eksperiments / Chapter 15 - eksperiment labing-lima

Chapter 15 - eksperiment labing-lima

Kaharap kita,

Sa harap niya.

Mukha akong tanga,

Pero sinulit ko muna.

Nakatulala,

Umakap siya.

Nakakahiya,

Kaya isang baso ang tinungga.

Hinintay kitang kumanta ng mahal ko o mahal ako,

Pero naalala ko, hindi ka pala si KZ.

Kase?

Hindi mo kailangang pumili,

Sa pagitan ng mahal mo at mahal kita.

Kase?

Mahal ka niya.

Mahal ka rin niya.

Kaya sino ang pipiliin ko?

Ikaw ba o ang puso ko?

Syempre hindi na malilito,

Kase yung mahal mo ay hindi ako.