Chereads / lab eksperiments / Chapter 9 - eksperiment siyam

Chapter 9 - eksperiment siyam

Bago matulog,

Bago mahimbing.

Bago nahulog,

Bago malibing.

Ikaw ang inuna ko,

Ako ang nahuli sayo.

Ikaw ang lahat ko,

Ano ba ako sayo?

Sa paglalim ng gabi,

Nababaon ako sayo.

Sa dami ng sinasabi,

Hindi na alam ang totoo.

Dati, walang alinlangang, oo.

Ngayon, walang pasintabing, hindi.

Matutulog na lang ako.

Mahihimbing sa kuwarto.

Ayokong mahulog sayo.

Malilibing lang ang pag-ibig ko.