Para sa elektrik pan sa kuwarto,
Pasensya na, kung pinaikot kita.
Hindi lang isa,
Madalas at alam kong pagod ka na.
Pakiusap, kapit lang.
Hindi naman kita ipagpapalit ng ganun lang.
Hindi ko sya gagahin, akin ka lang.
Sa bawat mong buga,
Sa malamig na hininga,
Hindi hahanap ng iba.
Kaya kapit lang.
Akin ka lang.
Pero sana akin ka na lang,
Kase ikaw ay hiram lang.
Hindi ka sakin.
Sa kapitbahay ka galing.