Tigang, pitpit at walang laman.
Naghihingalo, hindi alam kung saan.
Gutom na at kumakalam.
Wallet kong naghahanap ng isang daan.
Wanhandred lang, sige na nanay.
Kahit maglinis pa ako ng bahay,
Paliguan lahat ng asong bantay.
Kahit ako na chumismis sa kapitbahay.
Wanhandred lang, sige na.
Laban ko pa lahat ng kurtina.
Idowny mga kutsara,
Ipagluluto pa kita.
Sige na, isang beses isang linggo lang naman.
Pagbigyan kahit ngayon lang.
Iabot ang isang daan at loadan.
Nang mabawasan ang kabagutan.