Chereads / Enchanted in Hell (Tagalog) / Chapter 13 - Enchanted

Chapter 13 - Enchanted

Dala-dala ni Rina ang malaking lalagyan na may mga lamang bagong labang kumot, punda, sapin at tuwalya. Papunta siya sa silid ni Theo upang palitan na rin ang sapin nito sa kama. Maglalaba na kasi siya.

Kumatok siya sa kuwarto ni Theo subalit walang sumasagot. Kabilin-bilinan pa naman sa kaniya ng lalaki na huwag pumasok sa kuwarto ng walang pahintulot nito. Kumatok siya nang maraming beses subalit wala pa ring sumasagot. Gusto niya nang makapag-umpisa sa paglalaba para mabawasan na ang kaniyang gawain kaya pinihit niya na nang tuluyan ang siradura nang mapansing hindi iyon naka-lock. 'Bahala na nga!'

Binuksan niya ang pinto at tuluyan nang pumasok sa loob. Hindi niya nakita si Theo sa loob. Marahil wala iyon doon at nakatambay sa paborito nitong silid para abalahin ang sarili sa paghahalo ng mga alcoholic drinks. Puwede rin na nakaharap ito sa laptop para tumulong sa negosyo ng pamilya nito o kaya naman ay nagpupunas na naman ito ng mga mga bote.

Napangiti siya habang binubuo sa utak ang imahe ni Theo na nagpupunas ng bote ng alak. Ganon kahalaga para sa lalaki ang mga collections kaya naman kahit alikabok ay ayaw nitong kumapit doon.

Nilibot niya ang kabuuhan ng silid ni Theo. Nakakatuwang isipin para sa isang lalaki ang pagiging organisado nito sa gamit. Malinis ang kuwarto nito. Nakasalansan nang maayos ang mga libro sa maliit na cabinet, nakahilera ang mga bago at mukhang hindi pa gamit na sapatos base sa kulay ng mga ito at ang mga painting sa pader ay may sinusunod na posisyon para makabuo ng zigzag na pattern.

Nilipat niya ang tingin sa kama ng lalaki. Plantsado ang pagkakatupi ng kumot at ang sapin ay tuwid na tuwid ang pagkakalagay. Natawa siya. Napakalinis ni Theo sa kuwarto, huwag lang talagang gagalitin dahil siguradong babagyuhin ang kuwarto nito.

Bigla siyang kinabahan nang maalala ang huling pasok niya roon. Naging sobrang gulo ng kuwarto nito noon at nagkalat ang bubog sa sahig. Ayaw na niyang maulit pa ang araw na iyon.

"Send me his profile now."

Nagitla siya nang marinig ang boses ni Theo. Nasa banyo ito at mukhang may kausap sa phone.

Hindi sinasadyang nabitiwan niya ang hawak na lalagyan dahil sa gulat sa boses ni Theo kaya lumikha iyon ng tunog.

"Rina?" tanong nito mula sa loob.

Natataranta niyang tinayo ang lalagyan at pinasok doon ang mga bagong labang punda at kumot.

"Ah, sorry. Kukuhain ko lang 'tong sapin sa kama mo. Maglalaba na kasi ako. Papalitan ko na rin ang punda ng unan mo at saka kumot," mahabang paliwanag niya.

Narinig niya ang pagbukas ng shower.

"Hindi mo talaga sinusunod ang sinasabi ko," sabi nito.

Hindi siya sigurado kung galit ba ang lalaki sa kaniya. Ang monotone kasi ng boses nito kaya hindi niya mawari kung naiinis, nayayamot, naaasar, nagagalit o napopoot na ito sa kaniya. May level kasi ang galit. Hindi niya alam kung alin sa mga iyon.

Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Rina, come here."

Natigilan siya sa narinig. "Ha?" tanong niya upang siguraduhin kung tama ba ang narinig niya.

"I said, come here."

Napalunok siya ng laway. "Utang na loob Theo! Malaki ka na! Kaya mo nang paliguan ang sarili mo!" wala sa sariling sigaw niya. Nang ma-realized kung ano ang kaniyang sinabi ay napatakip siya ng bibig habang paulit-ulit na hinahampas ang noo.

"What?" takang tanong ni Theo.

"Wala, wala...ang sabi ko ay maligo ka na. Lalabas na ako. Saka ko na lang papalitan ang punda at kumot mo," nauutal sa sagot niya sa lalaki.

Akmang aalis na siya nang magsalita muli si Theo.

"Sandali," pigil nito. "I need a new towel. Bigyan mo ako."

"Sige," nag-aalinlangang sagot niya. Naghalungkat siya sa dalang lalagyan at naghanap ng towel doon. Nang makakita ay marahan siyang lumapit papunta sa banyo.

Nag-iisip na siya ng paraan para makatakas kung saka-sakaling may gawing masama si Theo. Naisip niya na ihagis na lang dito ang towel para hindi na siya makalapit pa rito lalo.

"Eto na." Kumatok siya sa pinto ng banyo.

"Come inside."

Paulit-ulit siyang napapalunok. Bakit hindi na lang nito kuhain sa kaniya ang towel para makaalis na siya? Kailangan pa talaga siyang papasukin sa loob.

Plano niya kapag tuluyan na siyang nakapasok ay iaabot niya agad dito ang towel tapos sabay takbo. Hindi na siya lilingon kahit tawagin pa siya nito pabalik.

Huminga muna siya nang malalim bago marahang binuksan ang pinto sa banyo at pumasok doon. Sinikap niyang huwag tumingin sa paligid para hindi siya magkasala.

"Eto na!" malakas na sabi niya sabay abot sa towel. Pinikit niya ang kaniyang mata.

Naramdaman niya naman na may kumuha ng towel sa kamay niya. "Thanks."

"Sige, alis na ako."

Nanatili siyang nakapikit habang tumatalikod kay Theo sabalit nagulat siya nang hatakin siya nito pabalik. May kung anong bagay siyang nahawakan kaya bigla na lamang siyang napatili pero tinakpan ni Theo ang bibig niya.

Nanlalaki ang mata niya habang iniisip kung ano ang nahawakan niya. Pahaba iyon at malamig nang mahawakan niya. 'Huwag naman sana!'

Sinandal siya ni Theo sa pader habang hawak-hawak ang bibig niya.

"What's your problem?" tanong nito sa kaniya na mabilis naman niyang inilingan. Hindi kasi siya makapag-salita dahil nakatakip pa rin ang kamay ni Theo sa kaniyang bibig.

Unti-unting inalis ni Theo ang kamay sa kaniyang bibig. Doon niya napagtanto na hubad talaga ito. Nag-angat siya ng ulo. Ano ba ang iniisip ni Theo? Bakit kailangan pa siya nitong papasukin sa banyo niya? Siya naman itong sunod-sunuran sa lalaki.

Nakaupo si Theo sa bath tub at nakasandal naman siya sa pader. Unti-unti itong umayos ng tayo at lumapit pa lalo sa kaniya. Sinubukan niya pang umatras subalit dikit na dikit na talaga siya sa pader.

"Theo," sabi niya. Kinakabahan na siya sa iniisip nitong gawin.

"Tumingin ka sa akin," utos nito sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya muli. Sa ibang direksyon kasi siya nakatingin.

"Do you love me?" tanong nito na ikinagulat niya.

Hindi niya itatanggi na may gusto siya sa lalaki. Naaawa siya rito pero ang sabihing 'mahal' niya ito ay hindi pa siya sigurado.

"Do you love me?" tanong muli nito subalit may kasama ng awtoridad ang boses nito.

"Oo," nauutal na sabi niya. Iba ang sinasabi ng isip niya sa kinikilos ng kaniyang katawan. Gusto niyang sabihin na hindi niya ito mahal subalit iba ang lumabas sa kaniyang bibig.

Naramdaman niya ang pagtulak sa kaniya ni Theo. Mas lalo pa siya nitong sinandal sa pader.

"Then show me how you love me," sabi nito saka siya hinalikan sa leeg.

Napapikit siya habang dinadama ang mga labi ni Theo na tumataas-baba sa kaniyang leeg. Mali iyon pero bakit hindi tumatanggi ang katawan niya sa ginagawa ng lalaki?

Hnatak ni Theo ang damit niya kaya naglaglagan ang mga butones ng suot sa sahig. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang kumontra sa ginagawa nito. Nagpapaubaya siya kahit na nagagawa na nitong haplusin ang kaniyang katawan. Nang tuluyan siyang mahubaran ni Theo ay unti-unti siya nitong hiniga sa bathtub. Ano itong nararamdaman niya? Nag-iinit ang buo niyang katawan at mas lalo pa siyang nananabik sa haplos ni Theo sa kaniya.

Pagmamahal ba ang tawag doon o pagnanasa lang ng laman?

Napakilos siya nang maramdaman ang paggapang ng kamay ni Theo sa kaniyang likod papunta sa kaniyang dibdib. Para siyang kinikiliti ng lalaki sa tuwing gagapang ang mga kamay nito sa kaniyang katawan.

Tuluyan na nga niyang hindi makontrol ang sarili. Kung ano man ang maging resulta ng gagawin nila ay bahala na. Gusto niyang kahit sa oras lang na iyon ay mapagbigyan niya ang sarili.

Tumunog ang cellphone kaya napahinto sila. Tumayo si Theo at kinuha ang phone nito na nakapatong sa lababo. Wala itong pakialam kahit nakikita pa niya ang hubad nitong katawan.

"Okay. Got it," sabi nito sa kausap sa phone habang tumatango-tango.

Matapos ang saglit na pakikipag-usap ni Theo sa phone ay humarap ito sa kaniya at patay malisyang tumingin sa katawan niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang nang titigan ni Theo ang hubad niyang katawan kaya naman tinakpan niya ang dibdib gamit ang dalawang braso at bahagya niyang tinaas ang mga hita upang takpan ang kaniyang pagkababae.

Bumilis na naman sa pagtibok ang puso niya nang lumapit si Theo. Akala niya ay may gagawin na naman itong hindi maganda subalit laking-gulat niya nang takpan nito ng tuwalya ang hubad niyang katawan.

"Thank you for loving me," sabi nito at masuyo siyang hinalikan sa pisngi.

Tumayo na rin ito at kinuha ang damit. Matapos nitong magbihis ay lumabas na ito ng banyo.

Naiwan siyang tulala sa loob ng banyo nito. Doon niya napagtanto ang kahinaan niya dahil mabilis siyang nagpaubaya sa lalaki at mabilis din siya sa pagpapasya na ibigay rito ang sarili. Kung wala pang tatawag kay Theo ay marahil tuluyan na siyang naangkin ng lalaki.

Napasabunot siya sa sarili habang inaalala ang nangyari. Hindi dahil may gusto siya sa lalaki ay hahayaan niya na lang ito na gawin iyon. Hindi sapat na dahilan iyon upang magpaubaya siya. Babae siya kaya kailangan niyang ingatan ang katawan. Mas malaki ang mawawala sa kaniya kung natuloy iyon kumpara kay Theo.

Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ni Theo at ng ina niya? Hindi maaaring lumampas sila sa limitasyon nila. Amo si Theo at hamak na katulong lamang siya. Hindi siya maaaring maging miyembro ng pamilyang Ledesma.

Napalingon siya nang makitang bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok doon si Theo na may dalang damit.

"Here." Inabot nito sa kaniya ang t-shirt nito. Nagdadalawang-isip niya iyong tinanggap. Nasira kasi ang damit niya kanina nang puwersahan iyong tanggalin ni Theo. Natanggal lahat ng mga butones ng kaniyang damit.

Bahagya siyang tumalikod kay Theo para magbihis subalit hindi niya pa tuluyang naisusuot ang damit ay naramdaman niya ang mga braso nito sa kaniyang katawan. Ramdam niya ang init sa braso nito habang yakap-yakap siya mula sa likod. Lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya kaya napahawak siya sa mga braso nito.

"I love you, Mom," bulong nito sa tainga niya.

Parang may tumusok sa dibdib niya nang marinig ang sinabi nito kaya tuluyan na ring pumatak ang kaniyang mga luha dahil umasa siya na sana pangalan na lamang niya ang binanggit ni Theo. Matapos ang halik na namagitan sa kanilang dalawa at matapos nilang damhin ang yapos ng isa't isa ay iba pala ang nasa isip ni Theo. Hindi niya na mapigilan ang pagpatak ng kaniyang luha. Kung hindi sasabihin ni Theo ang salitang 'I Love you, Mom' marihil hindi niya pa aaminin sa sarili ang totoo niyang nararamdaman. Mahal na niya ang lalaki. Hindi siya masasaktan ng ganoon kung hindi. Hindi niya pagseselosan ang ina nito kung wala siyang malalim na nararamdaman rito.

'Mahal niya si Theo pero hindi sila puwede!'

Bukod sa hindi maaaring maging sila dahil sa magkaibang estado ng kanilang buhay, hindi rin maaaring maging sila dahil sa una pa lang ay iba na ang nasa puso ni Theo. Iba ang mahal nito. Ang mas masakit pa roon ay ang sarili nitong ina ang kaagaw niya sa pagmamahal nito.

'Oo, mahal na kita Theo pero...ang mommy mo ang mahal mo!'