Chereads / Destiny Rings Tagalog (New Version) / Chapter 3 - Si Allen (POV)

Chapter 3 - Si Allen (POV)

Ako si Allen Rivamare. Isa akong sophomore ng highschool sa Midfordhive University at and little brother ng Student Council President. Sabi nila na maswerte ako and that I must be really happy 'cause matalino ako, gwapo, at dahil anak ako ng isa sa mga pinaka-mayamang CEO sa buong mundo ngayon pero… Yun ba talaga ang batayan ng pagiging maswerte at masaya?

Sila Mama at Papa ay masyadong busy sa Company… Si kuya naman ay masyadong busy sa mga extra-cullicular activities kaya rarely din na naabutan ko sa bahay… Sa ala-mansion naming bahay, para talagang ako lang ang nakatira maliban sa mga drivers at nanny sa bahay.

Kadalasan na nasa kwarto lang ako, nagbabaasa ng novels o kaya naman ay naglalaro ng games sa phone ko. Araw-araw ay ito nalang ang pinagkaka-abalahan ko pagkatapos ng school.

Gusto ko na makalimutan lahat ng mga bagay sa mundo. Ang mga expectations nila saakin, ang mga bagay na nararapat ko daw gawin, at ang image na pilit ko na ginagawa.

Kung tatanungin nyo ako kung gusto ko ba o ingit ako sa kuya ko… Siguro both?

Simula palang bata ako ay ini-idolo ko na ang kuya at iniisip ko na siya ang pinaka astig at reliable sa buong mundo.

Kuya had always been praised by our parents ever since I could remember. Siya ang living definition ng "The Most Perfect Man in The World" para saakin.

Sa sobrang pag-idolo ko sakanya noong bata ako… Napapa-isip ako minsan kung kailan kaya nagsimula na unti-unting nabubuo etong strong hatred at pagka-inngit ko sakanya…

Yung para bang isa kang normal halaman na nai-tabi sa isang magandang halaman at mas gusto ito kaya linagay siya sa isang magandang posisyonkaya hindi ka nakaka-kuha ng sinag ng araw…At siya lang ang naalagaan at sumasagana ang bunga…

"Sir, Eto po yung snacks ninyo." Sabi ng nanny sabay pasok at ibinigay nya ang meryenda ko na sandwich at orange juice.

"Ipaalala ko po pala sabi nyo na may limited edition books for sale sa pag-oopen ng bagong book store sa bayan ngayong araw." Sabi ng nanny saka umalis.

"Oo nga pala no… Tapusin ko lang etong snacks ko saka ako pupunta sa book store na iyon."

Dali-dali kong inubos ang sandwich at orange juice at nagpalit ng damit. Tinawag ko si manong Fred at nagpasama ako sa town para bumili ng mga limited edition na books sa bagong bukas na book store sa town.

"Mukhang ang saya nyo po sir ah…" Sabi ni manong Fred ng tumingin sya sakin habang papasok ako ng kotse

"Syempre naman manong, I've been looking forward for this day since last week pa. Isa din sa mga nilagay nila sa limited sale are the ones created by my favourite author that I look up to, so much!" Sabi ko

Ngayon ay papunta na kami sa town. Pagkapasok naming sa town, Nakita ko na marami ding palang bagong-bukas na mga shops malapit sa book shop na iyon.

"Manong balikan nyo nalang po ko in 3 hours haha." Sabi ko sabay bumaba ng kotse.