Chereads / Destiny Rings Tagalog (New Version) / Chapter 4 - Ang Café le Amor

Chapter 4 - Ang Café le Amor

Si Aria ay naglakad lakad sa bayan upang pa kalmahin ang sarili nya. Sakto naman na Nakita nya ang isang Café na mukhang may mga masasarap na cake kaya naisipan nya na magpunta nalang muna doon.

Sa loob ng café ay puno ng nakaka-relax na atmosphere at masarap na amoy ng mga kape sa hangin… Hindi katulad ng ibang mga café, itong café na ito ay may mga waitress na kukuha ng order nyo at hindi na kailangan pang pumunta sa counter para um-order.

Umupo si Aria at pinuntahan siya ng isang waitress, tinatanung kung ano ang order nya.

"Miss, I would like some chamomile tea and one slice of strawberry and another slice of blue berry cheesecake please." Sabi nya sa babae na kumukuha ng order nya

Nag-order si Aria ng Camomile tea at tig-isang slice ng blueberry at strawberry cheesecake. Pumwesto siya sa may tabi ng bintana at puno ng giliw na pinagmasdan ang mga taong dumadaan…

Sa wakas ay dumating na ang kanyang order at inenjoy nya ito sa upuan na pinili nya. Sa tray ng order na kanyang inorder ay may nakalagay na singsing na kulay silver, may ala pulang-dyamante rito at mensaheng:

"Thank you for coming to our shop on our opening week. As a freebie, we are giving Destiny Rings to the first 100 customers."

Napatawa si Aria habang sinuot nya ang singsing sapagkat naalala nya ang candy rings na palagi nyang gusto noong bata pa sya.

Pagkasuot ni Aria sa singsing ay unti-unti nading nawawala ang masamang nadarama nya na nagpapasakit at sikip sa dibdib nya.

Ilang oras na din ang lumipas at unti-unti ng nagsimulang umulan. Sakto naman na naghahanap si Allen ng masisilungan dahil masyado siya na nag-enjoy at nagsimulang maghanap ng mga iba pang libro sa mga paligid. Umorder ito upang di nakakahiya na mag-ii-stay siya at wala siyang i-oorder.

"One expresso and a brownie." Sabi nya sa kumukuha ng order at saka umopo sa upan, likod ni Aria.

Si Aria ay nagpatugtog habang naka earphones saka pinagmamasdan ang patuloy na pagpatak ng ulan sa labas ng café. Si Allen naman ay ini-labas ang mga biniling novel at nag-basa nalamang.

Ilang minuto ang lumipas at dumating ang order ni Allen, kasabay ng isang singsing na parang gold, may pulang-dyamante at parehas na mensahe.

At that moment, para bang may kumo-control kay Allen para isuuot ang singsing. Kuminang ang ala pulang-dyamante sa singsing at di nya namalayan na sinusuot na niya pala ang singsing.

Sa panahon na iyon ay sabay na kuminang ang singsing na suot nila Aria at Allen, ng isang ilaw habang hindi nila namamalayan. Ang mga singsing ay Nawala na lamang ng bigla-biglaan.

"Nahanap ko na din kayo sa wakas!" Isang boses ng babae ang nagmula sa pulang mga dyamante ng kanilang mga singsing bago pa ito tuluyang mawala.