Chapter 6 - Two in One

Alas-siyete, Ang oras na kadalasang kumakain ang mga ganitong pamilya. Pagkatapos kumain ay bumalik ang lahat ng tao sa sari-sarili nilang mga gawain.

(POV ni Allen)

Tapos na din sa wakas ang dinner. Milagro nga na may kasabay ako ngayon sa pagkain ko ng dinner kasi meron si kuya ngayon.

Nag-brush ako ng ngipin ko at nag-hilamos then I changed to my sleepwear.

Agad akong dumiretso sa aking kama upang tuluyang ibasa itong nabili ko na libro. Sakto-sakto na pagkabukas ko ay may parang malakas na ulan ang nag shower RIGHT ON ME. The water just came out of nowhere and my precious limited-edition book is talagang basing-basa na ngayon!!!…

(Katapusan ng POV ni Allen at simula ng POV ni Aria)

Hay naku…sa wakas ay tapos na din ang family dinner naming.

Pero…medyo naiinis ako kasi puro yung engagement nalang yung palaging binabanggit nila mama at papa. Hindi ba pwede na magkaroon ng ibang topic specially na home sila once in a while. Hindi ba pwedeng kamustahin naman nila ako noh?

Hayz… is this what they call "Konsimisyon"? Ugh… Maybe showering up would enlighten me for a bit… Yeah…Maybe I should take a shower.

Pumunta ako sa bathroom at tinggal ang mga damit ko para mag shower. As soon as I opened it-

{WHAT IN THE HELL???-} -sabi ng boses na narinig ko kanina.

Hala…Masyado na ata akong stressed… Baka guni-guni ko lang iyon…sana…

Itinuloy ko ang pag-shower at narinig ko nanaman yung boses:

{WHAT THE F*CK MINUMULTO NABA AKO???}

Nag-banlaw na lang ako at agada ako na umalis at nagbihis. Pero kahit anong gawin ko ay basa pa din ako…

"Oh no…Natatakot na ko…" sabi ko ng sabay na may panginig ng katawan ko…

Ilang saglit ay bigla nalang sumakit yung pwet at likod ko…

(Katapusan ng POV ni Aria at simula ng POV ni Allen)

Sa sobrang gulat, takot, at nerbyos ko sa mga nangyayari ay agad-agad akong tumayo upang tawagin ang kahit sinu mang manang na meron ngayon sa bahay ngunit, biglaan akong nadulas dahil basa ang buong katawan ko. Buti nalang ay nai-iwas ko na mauntog yung ulo ko…

{Ouch…ang sakit…} Sabi ng boses ng isang babae…

(Katapusan ng POV ni Allen)

{Sino Ka ba Hah?!}-Allen

{P*ta mo! Ba't ko naman sasabihin sayo!}-Aria

{Dahil SAYO BASA AKO NGAYON AT NADULAS PA KO!}-Allen

{IKAW SIGURO DAHILAN BA'T MASAKIT LIKOD KO NO???!}-Aria

{Geez No Ghost Sh*t please...}- Sabay na sinabi ni Allen at Aria