Natapos na ang ulan at dumating na ang kanya-kanya nilang sundo. Hindi manlang nila napansin ang isa't-isa. Maari rin na mas Mabuti pa na hindi nila Makita ang isa't-isa sapagkat may pagaka-muhi parin para sa isa't-isa ang nananahan sa kanilang loob.
Kinuha nalang nila ang check nila at binayadan ang inorder nila at saka umalis ng café.
(POV ni Aria)
Kaysaklap nga talaga na kahit anong ayaw mon a balikan ang isang bagay ay wala kang magagawa kundi tanggapin nalang na nagbalik ka kahit pagod ka na na mag-stay at makisama dito.
Iniisip ko na napaka awkward kapag babalik pa ako sa bahay lalo na at meron parin sa bahay sila mama at papa.
Pagka-dating ko sa bahay ay agad-agad ako na sinalubong nila mama at papa upang yakapin ako… Umiyak ang dalawa habang mahigpit ang yakap nila saakin at humihingi sila ng patawad sa akin.
"Aria, anak…wag mo na kami iiwan ng daddy mo ha?" sabi ni mama saakin.
"Patawad anak…ginawa ko iyon sa iyo…" Sabi ni papa saakin.
Sinagot ko ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng pagyakap pabalik sakanila. Malaking saya at kasiguraduhan ng loob ang nadarama nila nang gawin ko ito. Iyon ang inakala ko…
"Anak, Actually…may fiancé ka na! Dapat na alagahan mo ang iyong sarili ha?" Ansayang iginunita ni Daddy.
"Ang akala naming talaga ay i ca-cancel nila yung engagement between you two kaya nag-alala lang kami ni papa mo." Isinunod naman ni Mommy.
Sige mommy, daddy… payag na ako na maging isang manika na ginawa ninyo…
"This time po talaga, Di ko na po kayo ipapahiya." Sabi ko habang pinipilit ko na umastang masaya.
(Katapusan ng POV ni Aria at simula ng POV ni Allen)
Sa wakas ay nakarating narin ako ng bahay. Muntik na na mabasa yung mga libro ko kanina sa ulan.
"Allen, you're home little bro." Sabi sakin ni kuya na hindi ko inaakalang magiging rito po sa bahay.
Eto si kuya Edward. Ang isa sa mga taong least-expected na may balak pang magpa-rito…
"Oo nga bro. Kamusta ka naman? Rare to see you home. May nangyari ba?" Tanong ko sakanya
Umupo ito sa couch at inanyaya ako na umupo sa tabi nya para sabihin kung ano ang meron sa pagbabalik nya ng bahay.
"Actually…Nag decide…sila mama at papa na…i-pasok ako sa isang arranged-marriage with miss Aria Okizamu." Sabi ni kuya
{WHAT THE HELL??? KUYA IS IN AN ARRANGED-MARRIAGE WITH THE CAMPUS SLUT???} Sabi ni Allen sa loob ng isip nya…
(Katapusan ng POV ni Allen at simula ng POV ni Aria)
Huh?... May narinig ata ako na pagsigaw at- WAIT- pinaparinggan ata ako ng loko na ito ha… "Campus slut" daw???…
{What the hell… Maybe ongoing na magkakaroon ako ng hallucination dahil sa stress…} Sabi ng boses…