Matapos malaman ni Noel na buntis din si Emily, mas doble ang saya niya. At nabahala si Lucia na baka di pagtuunan ng pansin ang magiging anak niya. Kaya gagawa siya ng paraan para mabura sa landas niya si Emily bago pa lumaki ang tiyan niya.
Naglalaro ng bola si Sydney sa bandang sala nang matamaan ng bola niya ang kape ni Lucia at natapon sa papel na importanteng dokumento. Nabigla si Lucia sa ginawa ng bata at agad niya nilapitan ito singhalan "hoy! Bata ka, tingnan mo ang ginawa mo!! Natapon mo ang kape at pati yung mga papel nabasa!" sabay hawak ng kamay sa braso ng bata.
Natakot ang bata sa ginawa ko "Sorry! I really sorry!" Pinatalikod niya ito at pinalo sa puwetan, iyak nang iyak at walang tigil.
"Sorry! Yun lang ba ang magagawa mo!? Ang tigas kasi ng ulo mo, puro ka pasaway!" patuloy ko pa siya pinalo, ang tagpong yun ay nakita ni Emily.
"Bakit mo sinasaktan ang anak ko!" nang makalapit sa anak, sabay hablot ng braso kay Sydney. Lumingon ako kay Sydney umiiyak pa rin, pinunasan ko muna ang mga luha niya. "Masakit ba?"
Tumango lang si Sydney, 'di ako makakapagpayag na apihin niya ang anak ko ke-paharap o patalikod.'
"Yaya pahatid mo sa kuwarto si Sydney" utos ko sa kay Yaya Len, pinaakyat nito ang anak ko.
Hinarap ko si Lucia, "Wag na wag mong sasaktan ang anak ko at wag mo rin kakantihin kahit ni-dulo ng daliri niya, di siya kasali sa away natin."
"Okay! Kung maipagtatangol mo pa ang anak mo" she cross her arms around and then she left me with warn word.
______________________________________________
Paalis na si Emily upang dalawin ang kaniyang ina ngunit bago yun, nakagawa ng plano si Lucia para patayin ang peste sa buhay niya.
Tinawagan ni Lucia ang isa sa mga tauhan niya, inutusan na tanggalan ng preno ang sasakyan ni Emily.
Maya-maya lang, lumabas na si Emily pagkatapos pumasok sa loob ng kotse. Nakita niyang umalis. Nagbigay ako "go signal" sa mga tauhan ko.
"Ito na oras mo para mamatay Emily" ngumiti ako sa papalayong kotse, si Emily naman ay nagtataka napalingon ako sa likod. Masama ang kutob parang may gagawing hindi tama si Lucia.
______________________________________________
"Kuya Blake, I want to die" sabi ng kapatid niyang si Gabriella or "Brie." Nakahinga ito sa hospital bed and she almost suffered the love of a man who can't afford to love her back.
"Hindi ka niya mahal, how many times to told you that!" umayos ako ng upo at bagsak balikat na hinarap ang kapatid "I have to go, cause I'm tired. Get some rest" she nodded, bago ako umalis sinabi niya.. "Kuya! take care of Mom!"
"Of course, I will take good care of her" I saw her slightly smile. Nakaalis ako sa hospital.
______________________________________________
Bumalik sa kanilang tahanan si Blake matapos bisitahin ang kapatid. Her sister have postpartum depression, Brie got pregnant, na in love siya sa isang lalaki di siya kayang panagutan. Kaya di ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.
May kinakausap akong mga tao nang tumunog ang cellphone ko "Hello!"
"Mr. Medina, your sister is missing!" anang Doctor Lee
"What? Hanapin niyo wag kayong titigil!" ini-off ko na ang phone ko at kinausap ang mga tao ko. Nagbilin muna ako sa mga kasambahay kapag tumawag si Mom, he took the car keys. Sumakay ako sa kotse, nagdrive patungo sa hospital.
______________________________________________
"Nasan na siya doc?" tanong ko nang makausap ito.
"I'm sorry pero bigla siya nawala, nakita namin sa CCTV footage na nakaalis siya dito but we have no idea where did your sister go."
Napahilamos ang mukha ko sa tindi ng pagaalala, aalis na sana ako ng may tumawag sa aking nurse.
"Sir! Ako po yung huling kasama ng kapatid niyo bago po siya nawala, may sinabi po siya sa akin."
"Ano yun?" kumunot noong tinitigan ang babae.
"Sabi po niya gusto niya sa dagat."
Dahil sa sinabi ng nurse agad ako umalis, patakbo ako pumunta sa kotse at mabilis pa sa alas kuwatro patakbuhin yun.
Mukhang alam ko na kung saan siya nagpunta.
______________________________________________
Nagmamaneho si Emily sa bandang bangin kalapit ay dagat, magpe-preno sana siya para slowdown. Accident Phrone Area kasi ang tinatahak. Ngunit kahit tapak-tapakan niya ang preno, di pa rin humihinto.
Nanlaki ang mga mata ko, isang truck na malaki ang sumalubong sa akin. Niliko ko ang manibela para sa di ako matamaan ngunit sa isa pang truck ako bumangga na nag-overtake.
Ang kotse ay paikot papuntang bangin, kung saan walang makakapansin. "SAKLOLO!!"
"TULONG!!!"
"TULONG!!!"
May Van paparating papunta sa kinuroroonan ko, may mga lalaking bumaba at isang babae. Si Lucia, siya ang may pakana nito.
"Kamusta! MY BESTFRIEND." Lucia cross her arms and her brows rise.
"Walanghiya ka Lucia, ikaw may gawa nito!" di ako makapaniwala magagawa niya ang ganitong bagay sa akin, she's my best friend but then. She wants me dead.
"Yes! Pero bago kita idispatsa, sisiguraduhin ko muna na walang evidence na kakalat-kalat, boys ngayon na" utos nito sa mga tauhan.
Ang di nila alam, nasaksihan ni Gabriella ang lahat, Hinulog nila sa bangin at napunta ito sa dagat ang kotse kasama ang isang babae. Di makakalabas ang babae dahil nakasarado ang pinto ng kotse at nakatali ang mga braso nito.
"Kailangan kong iligtas siya."
Sabay lusong sa dagat, nabitin ang pagpapakamatay niya dahil sa isang babae. Hinanap ko ang kotse kung saan nakakulong ang babae at nakita ko.
______________________________________________
"Diyos ko! Di ako marunong lumangoy" wika ni Emily, natataranta ako dahil mukhang hanggang dito na lang ako.
"Mama! Papa! Mga kapatid ko, Sydney! Noel! Patawarin niyo ako kung di na ako mabubuhay na kasama kayo."
Kinalma ko ang aking sarili at naisip ng paraan kung paano makakaalis sa kotse. Sinutok ko ang tintes mirror ngunit wala epek, sakit. Di ko naman mabubuksan ang kotse ng ganung kadali dahil kailangan ng susi.
Wala ang susi ko dahil kinuha ni Lucia at itinapon sa kung saan.
Nawawalan na ako ng pag-asa, umiyak ako ng umiyak. Nang bigla may kumatok sa gilid ng kotse.
"Sino ka?" isang babae lumangoy nakapang- hospital suit, sinenyasan ako ng babae. May hawak ito na patusok at itatarak sa salamin ng kotse, sa sobrang lakas ay tumalsik sa akin ang mga bubug. Buti na lang nakaiwas ako.
Kinuha ng babae ang kamay ko at hinila ako paalis ng kotseng patuloy na lumulubog, nawalan ako ng malay.
______________________________________________
"Brie!!" sigaw ni Blake sa kapatid, hanggang sa ginabi na di ko pa rin siya natatagpuan.
May dalawang babae ang nakabulagta sa bataan, tumakbo ako papunta sa kinuroroonan. Yung suot ng babaeng isa ay pamilyar sa akin pero yung isa hindi.
Hinawi ko ang buhok ng kapatid ko, tinignan ko kung buhay pa, mukhang humihinga pa, tinitigan ko ang isa pang babae. Di ko siya kilala pero parang nakita ko na siya noon.
Kapwa sila nag-ubuhan..