"Napakaganda mo talaga!" wika ni Noel napapamangha sa kaniyang kagandahan, bawat galaw at indak at dagdag pa na maraming nakakakita at kinilig sa aming dalawa.
"Salamat sa iyong papuri." anya ko napangiti, kapag nagtitigan sila ay di ko pa rin maiwasang madala lalo na sa mga labi nitong nakakatukso.
Tapos na sila sumayaw pero iisang tao na lang ang di ko pa makita, si Lucia. marami nagsi-alisan pero walang Lucia na lumitaw kahit anino nito. "Nakakatampo naman si 'bestie."
Naabutan ko si Aling Susana na nagliligpit, pero nang makita niya ako agad ako nilapitan. "Ma'am Emily!"
"Bakit po Aling Susana?"
"Si Lucia po dumating kanina."
Nanlaki mga mata ko dahil akala ko di niya ako sinipot ngunit bakit di man lang nagpakita sa akin "bakit di po siya nagpakita sa akin?"
"Di ko po alam kung bakit di siya nagpakita sainyo, nakita ko na lang po na umiiyak siya palabas sabi niya ibigay ko daw sa'yo ang regalo niya
Nakita ko ang isang maliit at asul na regalo. "Umiiyak? Bakit naman po?" takang tanong ko, nagkibit balikat lang ito. "Nag-aalala ako sa'yo bestie!"
______________________________________________
Ang araw ng Graduation Day, mga ilang beses na ako pumunta sa classroom ngunit walang anino ni lucia. Kahit nung practice wala din siya.
Pumunta ako sa mismong bahay niya pero sabi ng 'ina daw niya' na "wala dito ang babaeng yun, di ko alam kung bakit naglayas matapos niya kami pag-nakawan."
"Pag-nakawan?" nagulantang inulit ko ang sinabi ng babae. "Oo! Pinagnakawan niya kami habang natutulog pag-gising ko wala na siya, wala nang damit at gamit at pati pera at mga gamit ko kinuha niya!!"
"Sayang dahil wala siya, malapit na magsimula ang seremonya.
"HOY! SABIHIN MO DYAN SA KAIBIGAN MO NA WAG SIYANG MAGPAPAKITA SA AKIN DAHIL MAY KINANALAGYAN SIYA!" sabay talikod lumakad papasok ng bahay, kahit maging pinto di niya pinatawad na balyahin.
______________________________________________
Nagsimula na ang graduation ceremony, maraming mga student ang nakapila at nakaupo, maraming masaya dahil tapos na sila sa college pero marami din ang malungkot dahil maraming mamimiss sa lugar na ito.
Ang nakakainis bakit wala si Lucia, nakapila na ako sa gilid kasama ang iba pang kaklase ko. Tinawag ang pangalan ko upang umakyat ng stage, nang maka-akyat. Nakipag-shake hands tapos inabot ang papel at nag-bow sa lahat pagkuway bumaba ng stage pagkatapos hinanap ko ang upuan ko kung saan ako nakapuwesto.
Matapos ang tawagan ng pangalan, tatawagin naman ang mga pangalan na may award at mga top. Bawat seksyon nagsipunta sa kaniyang pilahan at pinagtatawag ang mga pangalan, nagsipunta sa stage at nakatanggap ng mga award. Nang seksyon na niya ang tinawag, pumunta ako sa mismong pila ko. "Emily Shane Aguilar!"
Pumunta ako sa stage at shake hands pati sabit ng medal pagkatapos picture taking at marami pang nangyari. Kahit masaya siyang nakangiti, may halong lungkot naman nadarama niya.
Matapos ang graduation, inihagis niya ang nakalagay sa kaniyang ulo. She saw her parents, they look so proud and came to give her a hug. Kumalas siya sa pagkakayakap, nakita naman niya si Noel sa likuran. Isang bulaklak na nakatago sa likuran nito.
"Congratulation and flowers for you" bigay nito at pati regalo.
"Thank you!"
Celebration sa mansyon para kay Emily, nagkaroon ng munting salo-salo. "Congrats sa'yo sis." sabi ng panganay niyang kapatid na si Emanuel Sancho Aguilar at binati rin siya ng pangalawang kapatid na si Emilio Sam Aguilar.
"Thank you mga kuya."
______________________________________________
Nung araw na iyun, si Lucia ay nagpunta sa States, sakay ng eroplano. Walang nakakaalam kung saan siya naroon, kahit ang mga nagpalaki sa kaniya ay walang kaalam-alam na wala na siya sa pilipinas. Bitbit ang kinimkim na lungkot at galit sa puso.