Pagkatapos ng pagpapakilala at speach ni Lucia ay bumaba na ito at nilapitan ako, their eyes met like hypnotized. Nang makalapit na si Lucia sa akin saka nito hinawakan ang pisngi ko ngunit umiwas ko ang mukha.
"Bakit todo iwas ka ngayon samantalang kanina halos naglaway ka nang makita ako." ani ni Lucia sinadyang iladlad ang cleavage nito para makita ko.
"Excuse me I need to go now." tatalikod sana ako ngunit pinigilan niya ako sa braso.
"Hey! Di pa tayo tapos, gusto kong isayaw mo muna ako." bahagya nito nilapit ang katawan niya sa akin kaya nagaa-linlangan ako kung gagawin ko o hindi, pero sa huli nakipagsayaw ako dahil ayoko naman mapahiya siya.
'Di ito puwede, wag kang magpaapekto dahil unang-una may asawa ka na Noel wag kang matukso sa babae' sabi ng isip ko saka napalunok.
Naalala ko ang paalala ni Vincent "Kaya lang bro! alam mo naman siguro' ang status mo sa buhay diba! May-."
"Oo na na may asawa na ako, alam ko na yun." papuntol ko sa pagpapaalala nito.
Nang maalala ko ang sinabi ni Vince saka ko lumayo kay Lucia.
"I'm sorry pero may asawa na ako."
"Oh! Di ko alam, sino ang napangasawa mo?" tanong nito nagkunwaring nagulat at di alam ang nangyayari.
"Si Emily."
"Ganun ba! Puwede ko ba makita ang 'beshie ko?'" ani niya na nagkukuwari pa rin.
"Yeah! Kelan mo gustong makita siya?" sabi ko medyo alangan pa dahil sa mga sulyap niya.
"Puwede bang mamaya."
"Yes! Puwede" he nodded and trying avoiding her.
"Talaga, anyway thank for tonight." saka niya ako niyakap at binulungan "Puwede ka ba bukas?"
"Oo!" sabi ko medyo nakiliti dahil sa paraan ng pagbulong nito, 'Shit ang bango niya lalo na yung hininga niya.'
"Puntahan mo ako sa address na ito."
Sabay lagay ng matigas na papel sa bulsa ng coat ko nang palihim.
"Don't be late." sabi niya saka hinimas sa bandang tagiliran ko, he nodded again. Sa wakas natapos din ang tugtog at saka umalis si Lucia nang may ngiti, 'mukhang nasa akin ngayon ang bagsak mo Noel.' sabi sa isip ni Lucia at umupo sa puwesto niya at nilantad nito ang mapuputi at makinis na legs upang makita iyon ni Noel.
Nagtagumpay nga siya dahil napalingon si Noel sa kinis ng legs. 'Magagawa ko ang gusto ko, sisiguraduhin kong magiging akin ka at wawasakin at titirisin ko si Emily nang paunti-unti, akin ka lang Noel!'
------------------------------------------------------------------------
Paalis na dapat ako nang humarang sa kotse ko si Lucia, pumunta ito sa side ko at kumatok sa tinted glass.
Binuksan ko ang tinted glass window saka dumukwang at nilusot ni Lucia ang ulo papunta sa mukha ko.
"Di ba sabi ko gusto ko makita ang bestfriend ko, kaya puwede ba ako sumabay sa'yo?"
"S-sige!" napapaisip ako bakita ganito ang presenya niya sa akin. Pagkuway inlabas niya ang ulo pagkatapos nalakad sa side pagkatapos binuksan niya ang pinto ng kotse ko at pumasok sa loob ng backseat.
Inayos ko ang salamin sa harapan kita ko ulit ang makinis nitong hita at nakalitaw ang dibdib.
Lucia smirk and slightly side her body, he start the engine, habang nagmamaneho di pa rin maiwasang mapatingin si Noel kay Lucia.
______________________________________________
Nagluluto ng pagkain si Emily nang marinig ang busina ng kotse, "mukhang nandyan na si Noel."
"Anak nandyan na yung papa mo" sabi ko sabay sulyap kay Sydney habang naglalaro, nakita ko na lang na ito pumunta sa labas ang anak.
Naghugas muna ako ng kamay at nagpunas ng tuwalya sa kamay, narinig kong may kinakausap si Sydney kaya sumunod ako.
"Who are you po at bakit po kayo kasama ni dad." anang sabi ni Sydney, isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Kaibigan ako ng mommy mo." sabi ng babae.
Nang sumulpot ako sa pinto nakita ko si Lucia, ang kaibigan ko. Dahil sa gulat, pagtataka, at may halong pagka-miss agad ko siya niyakap "Lucia!"
"Bestfriend!" ginantihan niya ako ng yakap ngunit may kasamang sama ng loob ng di ko namamalayan.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita miss na miss na kita." sabi ko kumalas ng yakap, labis ang aking galak dahil kay tagal na namin di nagkita.
"Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita." sabi niya na pakunwaring nahihiya pero ang totoo ay lihim na galit.
"Ang ganda mo na, mas lalo ka gumanda.. Teka sino naghatid sa'yo dito?" takang tanong ko.
"ang ASAWA mo." sabi niya, binigyang diin pa niya ang salitang 'asawa' dun sumulpot si Noel sa tabi nito.
"Bakit magkasama kayo?" nagtaka ako dahil di nagsabi sa akin si Noel na may kasama siya, ito ang unang beses na magkasama ang dalawa at mas lalong di sila close ni Noel noong college days namin.
Naka-awang ang aking labi na di malaman, pinaglipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa tila nahihiwagaan.