Chereads / The Wife And The Mistress / Chapter 7 - Chapter 6: My Daughter Sydney

Chapter 7 - Chapter 6: My Daughter Sydney

Ilang buwan akong nagbuntis kaya ngayong manganganak na ako ay parang kay hirap isilang, medyo malaki daw ang bata sabi ng doctor. Di ko alam kung anong gagawin ko, kasama ko si Noel na nasa kanan ko at hawak ko ang kaniyang kamay habang huminga ako nang malalim "PUSH EMILY THE BABY IS COMING!!!" medyo pasigaw ng doctor.

Ilang saglit pa ay huminga ulit ako ng malalim at umiri, lumabas ang bata una ang ulo katawan at paa kinuha ng doctor. "Baby girl!"

Labis kong kinatuwa nang masilayan ang aking anak, Sydney Mae Raymundo. Yun ang pinangalan ko sa kaniya dahil mahilig ako sa mga bangka o yate.

Makalipas ang sandali paghihintay ay nayakap ko din ang aking anak nang hinatid siya ng isang nurse.

"Baby Sydney!" ikinagalak ko na ipanganak siya sa mundo, pagkatapos hinalikan sa noo si baby Sydney. Kinarga din ito ni Noel at natuwa din dahil gusto niya ng babae, kahit ni minsan kasi di siya nagkaroon ng babaeng kapatid sa tanang buhay nito.

Lumipas ang mga ilang araw na pamamalagi ko sa hospital, agad nakauwi si Emily sa bagong tirahan nila mag-asawa kasama ko si Noel na naka-akbay sa akin, na di namamalayan ang supresa na naghihitay sa kaniya at kay baby Sydney.

"SUPRISE!!!" ikinagulat ko, sa sobrang gulat ko ay muntikan ako napasigaw kina mama, papa, at sa dalawa kong kuya.

"Mom, Dad, mga kuya!" sabay yakap sa akin at dahang kinarga ni Mom si baby Sydney, di ko mapigilang maging emosyonal o baka normal lang sa akin dahil kakapanganak ko pa lang at galing pang hospital.

"Apo ko!" sabay halik ni Mom kay baby.

"Kamusta naman ang bagong panganak." wika ni Papa, "Ayos lang ako papa eh! Medyo nahirapan nga lang."

"Ikaw hijo! Hindi ka ba na-bore sa hospital? Di ka ba pinahirapan ni bunso?" tanong ni Papa kay Noel.

"No! Papa and besides, wala naman pinagbago kay Emily maliban sa medyo naging pala-utos, siguro epekto ng panganganak."

"Ganun ba! Ito talagang bunso ko talagang pinahirapan mo si Noel hahaha!!!" tawang-tawa sambit ni Papa sabay kusot sa buhok dahilan na tabigin iyon ni Emily medyo bumusangot.

"Pa naman I'm not a kid anymore, you shouldn't do that to me."

"Just kidding anak, tara kain meron kaming hinandang pagkain para sainyo." yaya ni papa sabay akay sa kanila ni Noel.

Halos nakalapag lahat ng mga pagkain sa malaking table at dun sila nagsikain. Mga kuwentuhan na minsan ay natatawa si Noel sa Papa ko at halatang close sa isa't-isa.

"Ang cute niya talaga" Sabi ni Mama kay baby Sydney habang pinagmamasdan nito ang natutulog sa bandang tabi ko "Carbon copy mo halos Emily parang baby version mo siya."

"Oo nga po ehh!" tawang tugon ko

"At ang ganda niya."

'Sobrang thankful ako dahil naisilang kita anak' sabi ko sa sarili saka hinaplos ang ulo ni medyo mabuhok.

______________________________________________

Makalipas ang ilang taon na pagiging asawa nila, nagkakaroon ng conflict sa pagitan nilang mag-asawa o pagtatalo dahil sa isang simple at maliit na bagay ay pinalalaki nito. Minsan gusto ko na rin magtampo sa asawa ko dahil di pala easy ang pagiging mag-asawa nila, di na nasunod si Sydney dahil di na sila nagsisiping. Minsan nakikita sila ni Sydney na nagaaway, alam kong naiiyak na rin ito dahil sa nakikita. Feeling ko kahit may asawa ako pero di ko naman dama ang ganun siya sa akin.

Pumunta ako sa mansyon kung saan nakatira sina Mama at Papa ngunit sa pagbungad ko palang ay dinig ko ang sagutan sa pagitan ni Mama at ni Papa at ng isang babae sa dulo.

"Mama Papa bakit kayo nagtatalo?"

"Ito kasing ama mo nambabae." sabay duro ni Mama kay Papa, dun ko lang napagtuonan ng pansin ang isang magandang babae, sexy ito at medyo Iadlad ang malalaki nitong dibdib.

Medyo naalala ko siya, parang siya yung secretary o sa mas madaling salita na "sexytary" ng kaniyang ama na lagi kong napapansin kapag pumapasok ako sa opisina.

Unang kita pa lang niya sa babae ay hindi ko gusto ito lalo parang nangaakit kay papa. Medyo ka-edad niya ang babae pangalang Margaret kaya naasar ako kay Papa kung bakit papatol na nga lang sa masbata pa at ka-edad ko pa.

"Papa paano mo nagawang pagtaksilan si Mama." galit kong turan kay Papa at bumaling ito sa kaniya.

"Wag kang makialam dito anak lang kita." galit na duro nito sa akin, di ko inaasahang magagawa ni Papa.

"Ikaw babae ka!" sabay sugod ni Mama sa kerida ngunit humarang Papa at tinulak nito di mama pasalampak sa sahig.

"Simula sa araw na ito, titira na siya sa pamamahay ko!" nagitla ako sa sinambit ni Papa sabay talikod kasunod ang kabit pumasok sa kuwarto nilang mag-asawa, di ako makapaniwalang dito titira ang kaluguyo nito.

"BOHUHUHUHU AHH!!! Walanghiya yang ama mo Huhuhh!" hagulgol na luhod si Mama.

"Mama!" lumuhod ako kay mama, awang-awa ako sa kaniya.

"Mga walanghiya sila!"

"Hindi ko mapapatawad si Papa sa ginawa niya."

"Emily! Anak ama mo pa rin siya."

"AMA! GANUN BA ANG ISANG AMA, pinagtataksilan ang kaniyang asawa at napapakasawa siya kandungan ng iba!"

"Emily!" saway ulit nito sa kaniya.

"Di ko siya mapapatawad Mama" napalingon ito sa kaniya, mata mang nagsukatan. Hindi ito makapaniwalang pinapakitang galit at muhi sa ama.

______________________________________________

"Anak!" untag ni mayodorma si Susan, anak kasi ang tawag nito sa kaniya minsan.

"Alam mo bang may mga kasabihan ang mga matatanda, na kapag daw nambabae daw ang isang lalaki ay puwedeng magdusa ang anak na babae." napalingon siya rito.

"Bakit po ninyo sinasabi yan?"

"Puwede kasi magkatotoo yun sa totoong buhay kaya ikaw Emily, baka mambabae yang asawa mo kung ako sa'yo bakuran mo yan at baka matulad ka sa Mama mo na pinagtaksilan ng iyong ama."

Bakit parang kinabahan ako sa sinabi ng mayodorma Susana, nitong mga nakaraang araw ay di siya kinikibo ng asawa maliban sa anak namin na si Sydney.

~Abangan...