"Tita, babalik naman kayo after christmas, hindi ba? You promised." Nakangiti kong paalala dito.
"Syempre, babalik pa kami dito sa pilipinas. We just want to forget everything. Gusto lang namin kalimutan kahit sandali yung sakit. Babalik din kami dito and I promise to bring seth with us."
"Thank you talaga, tita. Merry christmas po." Lumapit ako at niyakap ito. Kasali na sila reign, chartle and brandon na parang kapatid ko na rin.
"Pasko na bukas, ate. Ngumiti at magenjoy ka, ha?" Si reign.
"Susubukan ko."
Kinagat ko ang labi ko para hindi maiyak sa harap nila. Pero kahit anong pigil ko, lumalabas parin talaga ang mga luha ko. Agad naramdaman ko ang pagtabi ni reign saakin.
"Oh, umiyak ka nanaman. Malulungkot talaga si kuya niyan." Sabi nito habang pinupunas niya ang mga luha ko.
Napatawa naman ako.
"I-I just miss him so much. Hindi parin ako makapaniwalang wala na siya."
"Kami rin.." brandon and chartle said it in chorus.
"Sorry at hindi namin nasabi sa'yo. He really wants to keep it from you. Natatakot lang siya, trisha. Gusto niyang maging masaya na wala munang inalala. Pero ito, hindi namin inasahan na ganito ka aga siya mawawala.."
Hindi na napigilan ay nag-iyakan na kami lahat sa salas.
We had him cremated. About four days later. Iyon ang gusto ni tita. They already planned to celebrate christmas in australia and they want seth to be there too. Dadalhin nila ang abo ni seth kahit saan man sila magpunta.
Sariwang-sariwa parin saakin ang nangyari. Alam mo ano yong masakit? Ang iwan ka nang walang paalam. Ang iwan kang luhaan. Sobrang nagalit ako sakanya. Sa apat na araw na iyon, sana sinabi niya man lang saakin ang tungkol sa sakit niya.
Umaga at gabi umiiyak lang ako sa loob ng kwarto. Walang ganang kumain, tumayo o sa kahit anong bagay. Namumugto ang mata at hindi na alam anong gagawin ko noong oras na iyon.
Sometimes I collapsed on my bed, crying and howling. Every part of me hurt tremendously. I couldn't get enough air into my lungs. My heart felt as if it were going to explode and tearing apart.
My friends and my family tried to comfort me by saying It's going to be fine, but I wanted to snap, paano?
Ganoon lang ba kadali para sakanila?
But maybe, just maybe, you never forget about it. It is always there. The pain. Maybe you get used to it. The pain, it doesn't heal with time. I tried to let go of him, but I just couldn't. I don't want to get rid of how he made every effort to make my day worthwhile. He's part of my life now. Kahit sa ganoong sandali lang na
araw.
Unting-unti ko na rin natanggap na wala na talaga, na iniwan niya na ako. Siguro nga hindi lahat ng buhay may happy ending. Pain, death is inevitable.
Story book moments don't happen in real life. In real life you don't get happy endings either. Of course life differs from stories in so many ways. We're all stories in the end. Just make it a good one.
I miss him when I search for his face in the crowd. Na umaasang makikita ko siya. Na ngingiti siya sa'yo pag nakikita ka niya. I miss him so much that it feels like I cannot breathe anymore.
Ngayon ang alis nila tita patungong australia. Nagpaalam din ako kay mommy at daddy na ihatid sila hanggang airport.
"Magingat po kayo." Ngumiti ako.
"Of course, ikaw din, iha. Ilang oras nalang at pasko na. We should enjoy it." Si tita.
"Mamimiss ka namin, ate. Kahit si kuya, mamimiss ka rin niya." Si reign.
My contact lens starting to acting weird and that's it, my tears coming out.
"You're crying again."
"Hindi ko kasi mapigilan, e. Ang sakit parin talaga..tapos iiwan niyo pa ako." Nagtatampo kong sabi.
"Group hug!!" Sigaw ni chartle.
Napatawa naman kaming lahat. Ilang sandali rin ay humiwalay na kami sa yakapan.
"Brandon, ibigay niyo nga iyong regalo natin para sakanya."
"Po, tita?"
Wala pa naman akong regalo para sakanila. Nakakahiya!
"Here, take it. I know magugustuhan mo 'yan."
Ano naman kaya ito?
"Tita, thank you po dito. Nakakahiya. Pagbalik niyo, I promise may mga regalo na kayo saakin."
"Ano kaba, don't mind us. Alam ko kung gaano ito ka importante sa'yo. Buksan mo 'yan paguwi mo, okay?"
Tumango ako. Hindi na ako makapaghintay na buksan ito.
Naging mabilis ang oras para saamin. Nagpaalam narin sila saakin pagkatapos.
I'm gonna miss them so much. Hindi ko inakala na maging mas malapit pa ako sa pamilya ni seth pagkatapos sa nangyari. Sobrang saya ko at nakilala ko sila.
Nang makauwi na ako galing sa matraffic na byahe, ay hindi na ako nagdadalawang isip na buksan ang regalo nila para saakin.
"Tape?" Kumunot ang noo ko. Ano naman ang meron dito?
Dahil sa kuryosidad ay mabilis ko itong nilagay sa cd player. I pressed the button and play it.
Napaawang ang labi ko sa nakita.
Seth..
I froze in a minute. Tears were beginning to blur my vision.
Hindi na ata matatapos itong pagiyak ko.
Damn it!
"Hi, baby..Merry christmas."
It's a video.. he made this for me? Paanong..
How I miss that annoying face.
Agad na umupo ako sa couch.
As soon as he began to speak, my lips trembled and my tears began to fall. Nakakainis! Ayoko ng umiyak. Pagod na akong umiyak.
"Please, don't cry if you're watching this video. Alam mong ayaw na ayaw kong umiiyak ka. Don't cry, baby, okay?"
Napatawa naman ako. Feeling ko nasa harap ko lang talaga siya at nakikita niya ang naging reaction ko. Tumango ako at umaasang makikita niya ang pagpunas ng luha ko.
See, hindi ako umiyak.
"But I still hate you! Iniwan mo parin ako.." Kumuha ako ng unan at tinapon iyon sa tv kung nasaan andoon siya sa screen.
"I never really understood anything about the world at wala akong naintindihan ano itong nangyayari sa buhay ko. The only thing that ever made sense to me was you, trisha. And how I fell inlove with you. That's all I've ever known, and that's enough for me. Sobrang mahal na mahal kita alam mo iyon, hindi ba? Remember the first time we met? Oh god, you gave me unceased heartbeat when I saw you, baby. Hindi pa kita nakilala noon, pero minahal na kita ng sobra." Pagsisimula niya.
Sorry, seth. Pero hindi ko na kayang pigilin pa ang sarili ko. Unti-unti ay naramdaman ko na ang pagbuhos ng luha ko.
"You're the best thing that ever happened to me. I'am so grateful and happy to be part of your life. My life would be empty and meaningless without you. Sobrang saya ko nang malaman na mahal mo rin ako. Sorry for being so selfish. Alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako magtatagal dito, but here I'am, pinilit parin ang lahat. Alam kong masasaktan kita and I'm sorry for that. Sorry..fuck! All I just wanted is to spend my short days with you. Dahil ayokong pagsisihan ang lahat na hindi kita makakasama. Damn, baby, I love you.."
Pakiramdam ko ay sasabog nako. Sobrang sakit na ng dibdib ko kakaiyak. Mas umiyak pa ako lalo nang makitang umiyak na rin pala si seth habang nagsasalita.
"Please forgive me..patawarin mo'ko at hindi ko nasabi sa'yo. I'm sorry for keeping this to you.. Natatakot lang ako..I'm scared you'll leave me, I'm scared of losing you, trisha.."
I covered my mouth at the back of my palm para pigilan ang pagtunog ng pagiyak ko, pero hindi ko parin nagawa. I couldn't even hold my tears. Patuloy parin ang pagiyak ko. At pakiramdam ko mawawalan nako ng lakas dahil dito.
"No matter how far I go, you will remain close to my heart.."
He paused for about a minutes. He was crying like a baby. Kung pwede lang punasan ang mga luha niya.
"I'm fucking lost without you, seth.. I miss you so much and my heart tells me with every single beat.." sabi ko habang pinupunas ang sariling luha.
"Alam kong magiging masama na ako pag tinuloy ko ang plano kong papakasalan kita. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, at maging ina sa mga anak ko. Pero paano? Kung alam kong mawawala rin naman ako. Baby, why me? Bakit ako pa? Fuck! Wala naman akong maling ginawa sa buhay ko. Tangina! Sorry at hindi kita masasamahan sa pagtanda.."
Tears flooded my eyes and spilled down my cheeks. Lumabas na ang paghikbi ko. Hindi ko na nakayan ay tinakpan ko na ang mukha ko at hamugulhol na sa pagiyak. This is tortured. Ang sakit..hindi ko akalain na ganito pala kasakit mawalan ng pinakamamahal.
"Trisha, anak..What's happened--omygod!"
Dumalo agad si mommy saakin at niyakap ako.
"Ang sakit, ma..sobrang sakit.." Niyakap ko si mama nang mahigpit at umiyak sa dibdib nito.
"We can't turn back time, trisha. Wala tayong magagawa kung hindi tanggapin ang lahat."
Tama nga siguro si mommy. Walang magagawa itong pagiyak ko. Kahit maubos pa ang mga luha ko, kailan man ay hindi na siya babalik pa.