This ends here. Thank you so much for the time you gave me.
WAKAS
"Isa pa, Isa pa!
Kahit kailan talaga ang mga 'to!
"Ayoko na, hindi ko na kaya." Reklamo ko.
Kanina pa nila ako pinipilit na ubusin ang natitirang shots.
"Isa pa!" Si annaliese.
"Basta last na 'to, ha?"
Nahihilo narin ako sa dami ng ininom ko. I took the last shot na binigay nila saakin at nilagok iyon. Napapikit naman ako sa init na dumaloy sa buong katawan ko. Shit!
"Whooo! Wait-Omygosh..andito na siya!" Sigaw ni crisa.
"Sino?" Si hanna.
Ngumuso ito sa harap ng stage kaya agad napalipat ang tingin ko doon.
"Hello, everyone. It's me again." Simula ng lalaki.
Ang pagngiti niya sa harap ng maraming tao ay nagpapakita ng malalim na dimple niya. Pakiramdam ko ay may naalala ako sa ngiting yan..
Dahil sa kuryosidad ko ay hindi ko na mapigilan magtanong sakanila.
"Sino yan?"
Nagkatinginan silang lahat, na para bang nahihirapan silang sagutin ako. Nagkibit-balikat lang silang lahat at pinagpatuloy ang pagsigaw sa lalaking hindi ko makilala.
"Seth!! We love you! Ang guwapo mo!"
Agad napalingon ako sa sigaw na iyon. Seth? Imposibble! Siguro nagkmali lang ako sa pandinig
"Sa hindi pa nakakilala saakin. I'm Adreian seth Corpuz po."
Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang iyon nga ang pangalan niya! His dimple, voice and his name really reminds me of...him.
Isang taon na ang lumipas pero ito ako, hindi parin siya kayang makalimutan.
Naramdaman ko narin ang paglabo ng mga mata ko.
This kind of scene is really so familiar to me. Parang nangyari na ito noon. Sigawan at hiyawan na ang naririnig ko ngayon. They were all screaming his name.
Napasinghap ako nang biglang tumama ang mga mata niya saakin.
"This is for you.."
Ako ba ang tinutukoy niya?
My heart was pounding as I waited for him to sing. Napansin ko rin ang pananahimik ng lahat, kahit sina liese at iba kong kasamahan.
I gasped in surprise as he started to sing.
"Time..
I've been passing time watching trains go by
All of my life
Lying on the sand watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Hindi pwedeng..
May bigla akong naalala sa kanta na iyan. Iyon ang unang kinanta niya para saakin at hinding-hindi ko 'yon makakalimutan.
Hindi mapagkailang maganda rin ang boses niya. He has a deep voice. I looked intently at him. He slowly closed his eyes as he feels the lyrics and the melody of the song.
Hindi ko alam kung aksidente lang ito or sinasadya talaga ito ng tadhana.
I cried silently while song played. Naramdaman ko rin ang pagtabi nila liesse, doren, crissa at hanna sa tabi ko. Sa huli, ay hindi ko na napigilang humagulhol ng iyak. They knew I didn't want to talk and answer their questions. They just stayed quietly and comforting by my side , handing me tissue while I cried.
Sinubukan ko namang kalimutan ang lahat, pero sa isang taon, andito parin ang sakit at pangulila ko para sakanya.
A year after his death, I began wondering If I could date and love again. I was sure I would never find a man like him. I tried to date some other guy, but I always pulled away. Hindi parin talaga ako handa.
Nang humupa na ang pagiyak ko ay umupo na kami nang maayos.
"Are you okay?"
Napatalon ako nang marinig ang baritong boses na iyon. Narinig ko rin ang tilian at murahan ng mga kasamahan ko sa gilid.
Umangat ang ulo ko at laking gulat nang nasa harapan ko na pala siya, nakatayo. His hair was messy, but still it looks fine on him. Hindi ko alam anong isasagot ko sa tanong niya. Kaya nanahimik nalang ako.
Hindi naman kami close para sagutin siya.
Bakit siya andito? Kanina lang kumakanta siya sa gitna.
"Trisha, don't look at me like that." He smirked.
Nandilat ang mga mata ko sa biglaang pagtawag niya saakin.
Ngumiti ito. I also noticed his dimple appeared..His smile is really so familiar to me.
Bakit tinawag niya ako sa pangalan ko?
He knows me? Paano..
May naramdaman akong saya sa paraan na pagtawag niya saakin.
Seth..
Sethrian..
He really reminds me of.. him. I'm not drunk pero iyon ang nakikita ko!
Ang mapang-asar na ngiti at ang paglitaw ng dimple nito ay nagbigay ala-ala sakanya.
I miss you, seth..and it hurts me so bad.
I was now shaking. Naramdaman ko rin ang pagpatak ulit ng mga luha ko. Bigla akong tumayo at tinalunan siya ng yakap. Hindi na pinansin kung anong magiging reaksyon niya sa gagawin ko. I heard him curse.
"Seth! Baby, I miss you.."
Sa limang araw na iyon minahal kita ng lubusan, seth.. comeback..
The End.
Book Two will Published soon.