Chereads / My Air to breathe / Chapter 20 - Chapter 19 He slept with her

Chapter 20 - Chapter 19 He slept with her

Mahigit ala-una na ng madaling araw ng magising si Yra, nauuhaw siya kaya naisip niyang bumangon, maaga silang natulog ni Heshi dahil sa trabaho kinabukasan. Pinakiramdaman niya ang paligid, tahimik na sa labas ung kwartong iyon, siguro ay nakatulog na rin ang mga nagiinumang tao sa labas, sa isip isip nalang niya. Tatlo lang ang silid sa bahay na iyon isa sa ibaba at dalawang kwarto sa itaas, pabalik na sana siya sa kwarto nila ni Heshi sa second floor ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto sa tabi ng hagdan bumaha ang liwanag ng lumabas doon si Jion habang hinihimas ang sintido nito.

"Youre awake." Mahinang saad ni Yra dahil baka magising sina Vince at Minjy na natutulog sa sofa. Nagulat naman si Jion ng makita siya.

"kanina kapa dyan?" tanong nito sa kanya.

"Hindi naman paakyat na ako sa taas, uminom lang ako ng tubi-" sinilip ni yra ang loob ng kwartong kinatatayuan ni Jion, napatigil siya sa pagsasalita ng matanawan niya ang babaeng nakahiga sa kama. Napalunok siya ng laway, hindi niya alam kung anung kanyang sasabihin ng mga oras na iyon, napako na siya sa kinatatayuan. Sinundan naman ng tingin ni Jion ang kanyang tinitingnan at noon lang parang rumehistro sa utak nito ang dahilan ng pagkatulala niya.

"Yra I can explain! It's not what youre thinking." Pigil sa kanya ni Jion ng talikuran niya ito at tangkang aakyat sa hagdan.

Pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito at ng mabitawan siya nito kaagad niya itong itinulak. Malakas na kalabog ang kumawala ng tumama ang katawan nito sa pintong pinanggalingan, kaagad namang lumapit sa kanila ang bagong gising na si Vince, kahit pupungas pungas ito ay inalalayan nitong makatayo si Jion, napatingin ito sa kama at nakita ang tulog na tulog pang si Althea.

"What's happening here?" tinig naman ng kuya Juno nito habang bumababa sa hagdan.

"Yra, mali ang iniisip mo, I can explain everything to you." Tangkang lalapitan siya ni Jion.

"Explain what? Half naked kang lumabas sa kwartong iyan na may natutulog na babae sa kama. Malipanawag pa sa sikat ng araw Jion!." Pinipigilan niya ang sariling sampalin ito ng pabalik.

"I didn't slept with her." Nang makalapit ito sa kanya.

"Wag kang magpaliwanag Jion, wala tayong relasyon remember?" ipinitik niya ang daliri sa ere, pinigil niya ang nagbabantang pagpatak ng kanyang luha habang nagpapakatatag sa harap nito.

Laglag naman ang balikat nitong humakbang papalapit sa kanya.

"Yra wag kang ganyan, kung makikinig ka lang saakin magiging malinaw ang lahat." Ani pa nito.

Gusto sana niyang magsalita pero parang may napakalaking bagay na nakabara sa kanyang lalamunan. Umiling iling nalang si Yra, dahil hindi na niya kayang magsalita pa. tumalikod nalang siya at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan, nilampasan niya si Juno na nooy nkahalukipkip lang sa hagdan, wala ni isa man sa mga kasamahan nila doon ang nagsalita. Pagpasok niya sa silid ay nadatnan niya ang sarap na sarap pa rin sa pagtulog na si Heshi, pagka sarado niya ng pinto ay impit niyang pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. Aminado siya sa kanyang sarili na wala siyang karapatang magalit dahil wala naman silang relasyon ni Jion, lalo lamang bumaha ang luha sa kanyang mga mata sa isiping iyon, inilock niya pinto ng kanilang kwarto bago nilapitan niya ang natutulog na kaibigan.

Gigisingin sana niya ang ito ng may kumatok sa pinto. Dali dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tinungo ang nakasaradong bintana, mabuti nalang at wala itong bakal, dahan dahan niya itong binuksan patuloy pa rin sa pagkatok ang tao sa labas ng silid. Sinilip ni Yra ang ibaba ng bintanang iyon, medyo mataas pero sigurado siyang kaya niyang bumaba doon, dahil mas matarik ang daan nung nagpunta sila sa ilog kaysa sa bintanang iyon. Mabilis siyang bumalik sa loob ng kwarto at dinampot ang kanyang backpack na nakapatong sa silyang katabi ng kanilang kama. Lalong lumakas ang katok sa pinto, dahan dahan siya bumaba sa bintana, namaybay siya sa kapirasong semento na nagdurugtong papunta sa kalapit na bintana, doon ay may malapit na puno, pepwede niyang gamitin sa pagbaba. Ng maabot niya ang sangga ay naglambitin siya doon, napakalakas ng tibok ng kanyang puso sinasabayan pa iyon ng sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Dali dali siyang bumaba sa doon. Wala na syang pakialam kahit medyo mataas pa iyon, ang nasa isip lang niya ay makaalis dito. Nang maabot niya ang lupa ay dali dali siyang tumakbo patungo sa simbahan habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha, pigil ang kanyang paghinga hindi niya naisip kung paano niya natakbo pababa ang dalawang daang baitang na hagdan ng hindi nahuhulog doon.

Patuloy siya sa pagtakbo sa pababang kalsadang iyon, nagsisikip ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman, parang gusto ng sumabog ng kanyang dibdib. Bakit Yra? Bakit kailangan mong maranasan ang ganitong klaseng sakit? Ang tanga-tanga mo! Katulad lang siya ni Winston, isa lang din itong lobo na nagaanyung tupa na pag nakuha na ang gusto sayo ay babalewalain kana lang! iyon ang realidad na sumasampal kay Yra, kaya nga ba sa tagal ng kanilang naging relasyon ni Winston ay hindi niya ito napagbigyan dahil natatakot siyang iwan nalang nito pagkatapos pero anung ginawa niya? Ipinagkaloob niya ang sarili sa taong hindi niya kilala! At ang malala pa roon ay nainlove siya dito sa napakaikling panahon.

OO! Inaamin niya sa sarili na mahal na niya si Jion, Mahal na niya ito kaya siya nasasaktan ng ganoon! lalo tuloy bumigat ang kanyang paghinga, bahagya siyang tumigil sa pagtakbo. Wala na siyang makitang kahit ano dahil sa patuloy na pagluha ng kanyang mga mata, kahit napakadilim ng paligid ay wala na siyang pakialam, ipinagpatuloy muli ni Yra kanyang pagtakbo.

Naramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya kaya lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo, mabigat na kanyang bawat paghakbang unti unti na syang kinakapos sa hangin, medyo namamanhid na rin ang kanyang mga binti. Unti-unting bumagsak ang kanyang katawan sa sementadong kalsadang iyon.

Ito na ba huli? Hanggang dito nalang siguro talaga ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso, bago tuluyan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.