Chereads / My Air to breathe / Chapter 22 - Chapter 21 Japan

Chapter 22 - Chapter 21 Japan

Buti nalang window seat ang pwestong napapunta kay Yra, siguradong maeenjoy niya ng husto ang byaheng iyon. Isinuot niya ang Headseat at nagsimulang magpatugtog, inilagay na rin niya ang eye cover at naghanda sa pagtulog. Maya-maya pay naramdaman niya ng mahinang tapik sa kanyang balikat, pagmulat niya ng mata ay halos mapatalon siya sa sobrang gulat. Jion is sitting next to her.

"Bakit nandito ka?" nandidilat ang mga matang tanong niya dito.

"Why? Hindi ba ako pwedeng sumakay ng eroplano?" balik tanong sa kanya nito.

Napakamot nalang si Yra sa kanyang ulo. "Ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka sa flight nato? Diba mayaman ka? Dapat andon ka sa first class, hindi dito sa pangmahirap na upuan." Pagdidiin pa niya dito.

"shhh! Wag kang maingay Yra!" inilagay pa nito ang hintuturo sa kanyang bibig. "baka isipin ng mga tao, minamaliit mo ang mga nakasakay dito!"

Walang nagawa si Yra kundi, hinaan ang kanyang boses at maupo ng maayos sa tabi nito.

"Why are you going to japan alone?" siya naman ang tinanong nito.

"Pano mo nalaman ang tungkol dito?" galit na saad niya.

"isn't it obvious? Japan airlines to! Nagiisa ka! Bat ka nagagalit tinatanong lang naman kita!?" pahayag nito.

Bwiset! Pilosopo ang walang hiya! "Dadayo lang ako ng tulog don." Sabay irap niya dito.

"Come on Yra, Its just the two of us and medyo matagal pa itong byahe, why don't we be nice to each other, you know!" dagdag pa nito.

"I can be nice to my self!" muli niyang isinuot ang headset at eye cover bago tuluyang sumandal sa upuan magpapanggap nalang siyang tulog para hindi na siya kulitin nito.

Nabalewala ang pagpapanggap niya ng bigla siya nakaramdam ng pagkahilo. Hinanap agad niya ang white flower sa kanyang shoulder bag at ipinahid sa kanyang ilong. Shit! Nasusuka sya!

First time niyang sumakay sa eroplano at hindi niya naisip na masusuka siya dahil nabasa niya sa internet ay para ka lang daw nakasakay sa bus, pero masama talaga ang pakiramdam niya, medyo namumutla na siya ng tumingin siya kay Jion.

"Are you okay?" bumahid ang pag aalala sa mukha nito.

Tinakpan niya ang bibig at bahagyang dumuwak. Walang tanong tanong na tumayo si Jion sa kinauupuan at inalalayan siya papuntang banyo.

Maswerte siya, dahil napigil niya ang pagsusuka hanggang makarating doon.Hinawakan nito ang kanyang buhok at hinagod nito ang kanyang likuran, nang mailabas niya ang lahat ng laman ng kanyang sikmura Inalalayan siya nito hanggang sa pagbalik nila sa kanilang upuan. Ang pinapangarap niyang mapayapang byahe ay nauwi sa pagtulog sa balikat nito ni Jion.

Manaka-naka siyang nagigising sa byahe pero ibinabalik lang uli niya ang sarili sa pagtulog para hindi makaramdam ng pagsusuka. Paglabas nila ng airport ay iginiya siya nito sa naghihintay na sasakyan. Dahil sa sama ng pakiramdam ay sumunod nalang siya dito.

Pagdating nila sa hotel ay ito na mismo ang nakipagusap sa receptionist.

"Sir, the room that you mentioned is good for only one person, Do you want me to relocate you in some room which is bigger?" tanong ng receptionist sa kanila, sa tingin niya ay hindi ito Japanese dahil fluent ang ingles nito.

"No!" sagot ni Yra dito, "it is my room, so its okey if it's small."

"Oh! Im sorry ma'am, I just thought you were together." Hinging paumanhin nito. Nginitian naman ito ni Jion kinuha ang susing iniaabot nito.

"Room 918 ma'am, left wing. Our usher will guide you to your room, please wait for your name to be called, thank you." Saad pa ng receptionist.

"Thank you," tumayo si Yra malapit sa counter.

"Can I check your room?" hawak pa rin ni Jion ang susi ng kwarto niya.

"Wag kang magalala kahit maliit ang kwarto ko sigurado naman akong disente yon, tsaka siguro naman ay hindi na ako masusuka pagsakay ng elevator!" pigil niya sa binata.

"Just let me check it!" pilit nito sa kanya. "im not going to sleep in your room okey."

Hinayaan na lamang ito ni Yra, tutal naman ay wala na rin siyang magagawa dahil ito ang may hawak ng susi niya. Hanggang sa elevator ay inalalayan pa rin siya nito. Pagdating sa kwarto niya ay ito mismo ang nagayos ng mga gamit niya, nag dial na rin ng pagkain sa room service para sa kanya. Ng makatapos silang kumain ay nagpaalam na ito.

kinabukasan ay maaga siyang nagising, excited na siyang mamasyal, somehow ay inaasahan na niyang magpapakita sa kanya si Jion, subalit bigo siya.

Maghapon itong hindi nagpakita sa kanya, gayundin ng mga sumunod pang araw. Two days nalang at tapos na ang kanyang bakasyon.

Inaayos niya ang mga pinamiling souvenirs sa kama ng may kumatok sa pinto. Sinilip ni Yra sa pinhole kung sino ang kumakatok, si Jion! Binuksan niya ang pinto.

"Yes?" bungad niya rito. Iwinagayway naman nito sa kanyang mukha ang dala nitong pagkain.

"Di pa ako nagdidinner. Ikaw ba?" pumasok na ito sa loob ng kwarto kahit hindi pa niya ito inaanyayahan, diretso ito sa maliit na table malapit sa kama niya, inihanda nito lahat ng pagkaing dala, bigla tuloy kumalam ang sikmura niya sa mabangong amoy ng fried chicken na dala nito. "Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya pagkaing fastfood nalang ang dinala ko."

Naupo siya sa gilid ng kama paharap sa mesang nasa tabi nito, si Jion naman ay hinila ang silya at inilagay sa tapat niya.

"kain na!" sinimulan na nito ang pagkagat sa burger na hawak. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at kinagat na rin niya ang malaking piraso ng manok na nasa harap niya.

"mmmm!! kakaiba ang lasa nito ah, hindi katulad ng manok na nabibili sa pangkaraniwang fastfood dun sa atin!" habang tuloy si Yra sa pagnguya.

"talaga!? buti nagustuhan mo!" tumigil si Jion sa pagkagat ng burger. "Bukas anong plano mong gawin?"

"Ah! Konting pasyal tapos pahinga na, marami na rin kasi akong nalibot kaya tamang tambay nalang." Wala si Yrang pakealam kahit puno ang kanyang bibig, eh ano kung makita siya ni Jion na ganung style ng pagkain!? "bakit?"

"Gusto mo bang sumama sakin mamasyal?" tanong nito sa kanya.

Mamasyal? Silang dalawa lang? parang date ganern? Pano na ang sakit na naramdaman niya kamakailan lang? pano ang eksena sa bundok na iyon na paulit ulit niyang napapanaginipan?Kakalimutan nalang ba niya ang lahat ng iyon?