Chereads / My Air to breathe / Chapter 28 - Chapter 27 His P A

Chapter 28 - Chapter 27 His P A

Napanganga si Yra sa Labas ng building ni Jion sa taguig, hindi niya akalain na ganon kalaki ang pagaari nitong building, Wow! unbelievable! parang syang tanga na nakatayo sa entrance kaya pumasok na sya sa loob niyon. Hindi sya sumabay kay Jion dahil nakiusap sya ditong kailangan ilihim nila ang relasyon nila para hindi sya pag-isipan ng masama ng mga empleyado doon. Pagtapat niya sa information center ay ipinakita niya ang contract paper niyang nagsasaad na siya ang Bagong PA ni Jion, taas ang kilay na tiningnan siya ng receptionist mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng Cream na toule skirt na hanggang tuhod at fitted na fuschia pink blouse na pinatungan ng light pink na blazer at tinernuhan ng 2 inches na kulay cream din niyang sandals.

"thirty fifth floor." saad ng receptionist matapos siyang suriin nito at itinuro ang direksyon ng elevator.

Nginitian niya ito bago nagtungo roon. Pipindutin na sana niya ang up button ng biglang may tumukhim sa kaniyang likuran. Halos mapalundag naman si Yra ng mapagsino ang lalaking nakatayo na kanyang tabi.

"G-good morning S-sir." nabubulol niyang bati kay Jion, bahagya pa siyang lumayo dito ng kaunti, kasama nito si Minjy. Hindi naman ito nagsalita bagkus ay ikinunot nito ang noo.

"Bakit parang nagulat ka?" tanong nito sa kanya.

"Hindi naman po S-sir." napatingin si Yra kay Minjy at halatang pinipigilan nitong mapangiti.

Bumukas na ang pinto ng elevator at naunang pumasok doon si Jion kasunod si Minjy. nakatingin sa kanya ang dalawang lalaki parehong naghihintay sa kanya. "Hindi ka pa ba sasabay?" nainip na ata si Jion.

Dali- dali naman siyang pumasok sa loob niyon at tumayo sa tabi nito bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Napabuga siya ng hangin at napahawak sa dibdib niya, nilingon niya ang napakaseryosong lalaki sa kanyang tabi. Malayung malayo sa pangkaraniwang Jion na nakakasama niya araw-araw. Nakasuot ito ng amerikana habang may bitbit na attaché case, habang siya naman ay parang mamamasyal lang sa mall! napakaliit niya sa tabi nito dahil umabot lng sa leeg nito ang height niya kahit may kaunting takong ang sandals niya.

Nang bumukas ang pinto ay nauna rin itong lumabas at hindi siya hinintay kaya sumunod nalang siya dito.

"Good Morning Sir!" bati dito ng mga empleyado sa palapag na iyon. Hindi man lang ito tinugon ni Jion bagkus ay dumiretso ito sa dulong pinto ng pasilyong iyon. Naiwan sila ni Minjy sa lobby habang inuulan siya ng masasamang tingin buhat sa mga kababaihan doon.

"This is our workplace!" binuksan naman ni Minjy ang pinto ng isang glasswall na kwarto, pinapasok siya nito sa loob noon. "This is your table and this one is mine." ibinababa niya ang dalang bag at sinimulan ni Minjy ang pagtuturo sa kanya ng mga gawain nila.

kinakabisa niya ang isang listahan ng mga do's and dont's ng tumunog ang intercom ng kwarto nila ni Minjy.

"Yra, coffee please." yun lang ang sinabi ni Jion at pinatay na nito ang tawag.

Inilapag niya ang tinimplang kape sa coffe table malapit desk nito. Wow! un uli ang naisip niya ng libutin ng kanyang mga mata ang kabuuan ng opisina ng nobyo nya, habang busyng busy ito sa pinipirmahang dokumento.

"Coffee nyo po Sir." pukaw niya rito.

Agad naman nitong binitawan ang hawak na ballpen at lumapit sa kanya.

"Did you like your new job?" naupo ito sa mahabang sofa na nasa gitna na opisina nito.

"Medyo naninibago lang!" nanatili syang nakatayo sa tabi nito.

"Sit beside me Yra." tinapik nito ang space sa kinauupuan nito.

"Pero oras ng trabaho!" atubiling sagot niya dito.

"So what! opisina ko ito pwede kong gawin ang gusto ko." ibinaba nito ang hawak na tasa ng kape, bago sya hinila nito. Napaupo tuloy siya sa kandungan nito. "Originally, dito ko dapat ipapalagay ang table mo." itinuro nito ang bakanteng space sa tabi ng pinto. "kaya lang nagbago ang isip ko kase baka hindi ako mkapagtrabaho pag nandito ka sa loob, kaya doon ko nalang ipinalagay sa office ni Minjy."

"Eh bakit naman? samantalang kanina e seryosong seryoso ka sa ginagawa mo," tatayo na sana si Yra sa pagkaka kandong niya kay Jion pero pinigilan siya nito.

"Miss Brijino ikaw na ang may sabi oras ng trabaho ngayun! anu bang gusto mong gawin ko? ganito ba?"

Napasinghap si Yra ng bigla siyang ihiga ni Jion sa mahabang sofa na yun at pinaibabawan sya habang hawak nito ang dalawang kamay niya sa kanyang ulunan.

Inilapit nito bibig sa kanyang tainga "Sa totoo lang, ikaw talaga ang gusto kong trabahuhin." bulong nito bago mahinang kinagat ang kanyang tainga. Milyon- milyong boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ni Yra, Oh my God! umakyat na ata lahat ng dugo sa ulo niya.

"Eherm!"

Sabay silang napatingala ni Jion sa pinto. Nakatayo doon sina Vince at Minjy at parehong nakatingin sa kanilang dalawa.

"So nag hire ka ng Bagong PA para lang dyan!" iiling iling si vince bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni Jion.

Tumayo agad si Jion at tinulungan syang makaupo habang inaayos ang palda nyang nakalilis ng bahagya.

Hay diyos ko lord! Anu ba namang kahihiyan to! kung pwede lang sanang maging sinlaki muna siya ni thumbelina para makapagtago sa ilalim ng sofang iyon ay ginawa na niya mawala lang siya sa paningin ng mga lalaki roon.

"What's up?" tanong ni Jion kay Vince habang inaayos ang medyo nalukot nitong americana.

"Cielo has a new guy!" saad nito bago naupo sa silya sa harapan ng mesa ni Jion. "I saw her last night sa restaurant with that man."

"And?" taas ang dalawang kilay ni Jion.

"I found out that he's planning to drug her so I made my move." dinukot ni Vince at ipinakita kay Jion ang picture ng date ni Cielo. "napigilan ko ang plano ng hudas na iyon."

"Is she okay now!" nangunot ang tanong nito.

"I guess kailangan natin puntahan ang kapatid mo sa opisina niya para makasiguro tayong Okay na sya." saad ni Vince.

"Minjy, ibigay mo sa akin ang details ng gunggong na to. kailangan syang maturuan ng leksyon." madilim pa sa gabi ang mukha ni Jion. "Yra, Go back to your room, bibisitahin lang namin si Cielo sandali." hinalikan siya nito sa pisngi bago tuluyang lumabas ng opisina nito.