Chereads / My Air to breathe / Chapter 34 - Chapter 33 Anniversary

Chapter 34 - Chapter 33 Anniversary

Napahawak si Yra sa kanyang leeg habang naglalakad sa lobby ng opisina nila, naririnig kase niya ang mga usapan ng mga empleyado doon habang dumaraan siya.

"Sino kaya yung maswerteng babaeng nakasama ni Sir Jion no?" saad ni Lorena habang nagtatanghalian sila sa cafeteria.

"Oo nga ang swerte nya no! Pero kung ako sa kanya, ikukulong ko na lang si sir sa kwarto ko! di ko na palalabasin" ani naman ni Maricon

Ang magaling kasi niyang nobyo ay pumasok sa opisinang iyon ng kitang- kita ang mga kissmark nito at nagiwan pa ng dalawang nakabukas na butones para lalong makita ng mga tao ang leeg at dibdib nito. Kaya pinaguusapan ito ng buong kumpanya nila. Habang si Yra naman ay naka longsleeve na nakaturtle pa! para lang maitago niya ang buong katawan niya, lagpas tuhod din ang suot niyang palda dahil may mga marka din siya mga hita niya.

"Hindi kaba naiinitan dyan sa suot mo?" tanong sa kanya ni Minjy. "tingnan mo si boss halos maghubad na pagpasok kanina maipakita lang sa madla yung mga tattoo niya."

itinakip ni Yra ang buhok sa kanyang mukha, peste kasing lalaki yun! pinagmumukha akong manyak! Dinampot niya ang cellphone at itinext ito [msg: Oy Sir, baka gusto mong itago yang leeg mo? pakibutones na rin yang polo mo!"]

toot-toot! [ Jion: Bakit? di naman nila alam na ikaw ang naglagay nito! unless gusto mo ng ipaalam sa lahat na ikaw lang ang babaeng pwedeng gumawa nito sakin!]

Buset talaga! Ibinagsak ni Yra ang cellphone niya sa mesa. Naikuskus nalang niya ang mga palad sa dalawang pisngi tanda ng sobrang inis niya.

"Oh mayroon pang isa!" salubong ni Minjy sa bagong dating. "matindi yung flower farm na pinuntahan niyong magkapatid, andaming putakti!" naiiling na sabi ni Minjy.

Napangiwi naman si Yra sa nakita, ang leeg kase ni Juno ay tadtad din ng pulang marka. 'Heshi, naloko na!'

"Why are you here?" tanong ni Jion sa kapatid.

Napakislot si Yra ng biglang magsalita ang nobyo nya na nasa likod ng bisita nila.

"Something came up," tugon nito. "Naaksidente si Marley yesterday, and hindi na niya maasikaso ang wedding anniversary nina mom and dad so kailangan nating humanap ng bagong designer and organizer para sa event!"

"Minjy, please pakihanap ako ng pwedeng pumalit kay Marley." Utos naman ni Jion dito bago tumingin sa kanya.

She didn't look at him, bagkos itinakip niya ang kamay sa bibig tsaka tumungo.

"Mas marami yang sayo!" turo ni Juno sa leeg ni Jion. "pinarusahan ka din ng girlfriend mo? wag mong sabihin sakin na pinagbibintangan ka din niyang may babae?" natatawang sabi nito.

"No kuya, sya ang nahuli kong nanlalaki!" sagot nito.

"Ano?" nanlalaki ang mata niyang napatingin sa nobyo, habang magkasabay na napatingin sa kanya sina Juno at Minjy.

Nagpalinga-linga muna si Yra sa paligid, nang masiguro niyang walang ibang empleyado na malapit sa pwesto nila, "Paano ako nagkalalaki?" takang tanong niya dito.

"A man named Francis call my girlfriend in the middle of night last saturday and he is asking her if she's already drunk?" matalas ang tingin nito sa kanya. "Hindi ba panlalaki ang tawag don?"

"Tumawag lang, lalaki agad! hindi ba pwedeng nag-uusisa lang?" sagot niya dito.

"Exactly!" saad naman ni Juno "porke nakita lang na magkasama, kabit agad! hindi ba pwedeng business meeting lang?"

"So, ayun pala ang dahilan kung bakit ganyan ang itsura ninyong magkapatid ngayun?" tatawa-tawang sabi ni Minjy.

"Mas bagay sayo yung yellow na dress kambal." komento ni Heshi kay Yra habang nagpapaikot ikot siya sa harapan nito, kasalukuyan silang nasa isang boutique para bumili ng isusuot nila sa wedding anniversary ng magulang ng kanilang mga boyfriend.

"Sige yun na lang ang bibilhin ko," sagot niya sa kaibigan dahil napapagod na sya sa kapipili ng isusuot na damit. "Buti nalang kasama kita pagpunta sa anniversary ng parents nila, kung nagkataon hindi ko alam ang gagawin ko. Buti nalang bati na kayo no!"

"Nakakahiya nga, napagbintangan ko si Marley. Pero kasalanan parin yun ni Juno, kung sinabi nya lang sana sakin kung anung ginagawa niya di sana eh hindi ko sya pinagdudahan." nakangusong sabi ni Heshi.

"Yan tayo kambal eh! pareho nating pinaiiral ang pagiging selosa natin kaya tayo napapahamak!" saad niya dito.

"You two looks really beautiful" Puri ng mommy nina Jion sa kanila ni Heshi. "and super thank you sa inyong dalawa napaganda ng party namin ni Lorenzo." dahil walang trabaho si Heshi ay nagprisinta itong sya nalang ang mag oorganize ng partyng iyon, pero humingi naman ng tulong sa kanya kase di daw pala nito kaya, buti nalang at iyon talaga ang forte ni Yra kaya nagawa niya lahat ng kailangan para sa party.

"Wala po iyon tita, nagenjoy naman po kami ni Yra sa pagaayus dito." sagot ni Heshi.

"You two are awesome!" bati ni Cielo sa kanila, "buti nalang andyan kayung dalawa, nakaligtas ako sa sakit ng ulo!"

"Ang sabihin mo tamad kalang!" saad ng ni Juno, "Hindi mo man lang sila tinulungan, nahirapan tuloy ang mga ate mo!"

"Eh kase naman, wala talaga akong hilig magasikaso ng mga ganitong bagay. Yaan niyo sa susunod babawi ako sa kanilang dalawa!" sabi nito.

"At paano ka naman babawi, aber?" Tanong ni Jion dito.

"Isasama ko sila sa susunod kong pagakyat sa bundok!" proud na sabi nito.

"Naku bunso kahit wag mo na akong bawian ay okey lang" ani Heshi "wag mo lng akong paakyatin sa bundok."

"Sige sama ako! gusto ko ang mga bundok!" saad naman ni Yra.

"Pwede rin ba akong sumama?"

Sabay-sabay silang napalingon sa babaeng nagsalita. "Caroline!" tawag ng ina nina Jion. "Dear, im so happy you came!" sinalubong pa ito ng yakap ng ginang. "buti nakauwi ka?"

"May project po kasi kami dito sa Pilipinas, maswerte lang na napasabay sa anniversary niyo kaya nandito ako." nakangiting saad nito.

"Ate, I miss you so much!" niyakap din ito ni Cielo.

"Ikaw din baby girl, miss na miss ka ni ate!" ganting yakap nito kay Cielo, pagkatapos ay si Juno naman ang niyakap nito. "Miss you Kuya Juno."

"Namiss ka din namin." sagot naman nito.

"Ikaw baby boy, hindi mo ba yayakapin man lang ang first love mo?" baling nito kay Jion.