Chereads / My Air to breathe / Chapter 38 - Chapter 37 the first event

Chapter 38 - Chapter 37 the first event

"Sana naman matanggap tayo kambal" kagagaling lang nilang magkaibigan sa isang international bank sa taguig, at kasalukuyang namamasyal sa isang mall doon.

"Sana nga kambal, ang hirap ngayun andaming kakompetensya." sagot sa kanya ni Heshi. "pasasaan bat makakahanap rin tayo ng trabaho." Pero sa totoo lang patatlong kumpanya na iyong pinuntahan nila.

"Minsan talaga, naiisip ko napaka unfair ng mundo." saad niya. "May mga taong mabubuhay kahit hindi magtrabaho, samantalang tayo kailang magtrabaho para mabuhay." sinamahan pa niya ng buntunghininga.

"Sabagay tama ka jan, may mga taong mapapalad talaga sa buhay, samantalang yung iba puro kalyo na ang palad naghihirap pa rin sa buhay." haay! bigla silang nagkatinginang magkaibigan at sabay nagkatawanan.

"Pareho lang naman ang ibig sabihin nung mga sinabi natin ah!" sabi niya dito.

"Syempre, kaya nga tayo kambal eh! iisa ang takbo ng utak natin!" sagot naman nito.

"Excuse me!" bati ng isang lalaki sa kanila, "you are Miss Yra, am i right?" di siguradong tanong nito.

"And you are?" takang tanong niya dito.

"It's me, Francis! the cosplayer! hindi mo na ba naaalala?" tanong din nito sa kanya.

Nakakunot ang noo ni Yra habang pilit inaalala kung sino ang lalaking kaharap.

"We exchanged numbers before at the convenience store last time." dagdag pa nito.

"Oh! naalala ko na tama, ikaw nga si ano nga uli ang pangalan mo?" biglang pumasok sa isip niya kung sino ito.

"Francis, my name is Francis Verano!" muli nitong iniabot ang kamay sa kanya. "I remembered last time I called you and you're husband answer my call! I hope you didn't fight about that. Sorry!" sincere na sabi nito.

"Ah yun ba! you dont have to worry about that. He's my ex boyfriend anyways!" nakaramdam na naman siya ng paguhit ng sakit sa kanyang dibdib.

"Talaga!" biglang nagliwanag ang mukha nito, "by the way ano nga palang ginagawa ninyo rito?" pagiiba nito sa topic.

"Naghahanap kasi kami ng trabaho, unfortunately wala pa kaming nakikita kaya tambay muna." sagot ni Heshi dito.

"Oh really!? Sa panahon ngayun medyo mahirap maghanap ng trabaho!" sabi naman nito.

"Ikaw? bakit nandito ka?" tanong din ni Yra dito.

"Kase naghahanap ako ng place para sa susunod naming event para sa costplay competition na gaganapin next week and masyado ng busy ang mga tao sa marketing department namin, kaya lumalakad narin ako."

"E bakit hindi ka humanap ng event organizers para hindi ka nahihirapan?" tanong ni Heshi dito.

"Ilang organizer's na nakausap ko pero wala kasi sa kanila ang pumasok sa criteria ko kaya ayun sariling lakad muna baka sakaling may magawa ako." sabi nito.

"Alam mo, palagay ko may maiitulong kami nitong maganda kong kaibigan sa problema mo!" inakbayan pa siya ni Heshi.

Nanlaki naman ang mata ni Yra sa kaibigan! ano bang sinasabi ng isang to?

"Ilang beses na rin naman kaming nakapag organized ng maliliit na Event nitong kaibigan ko, so malay mo may maitulong kami saiyo!" mayabang na sabi ni Heshi.

"Talaga!? that would be a big help kung ganon! kaya lang ten days nalang ang meron ako para don. Ano sa palagay nyo!?" excited na sabi nito.

"Ibigay mo sa amin lahat ng details ng event tapos gagawa kami ni Yra ng Plan, kung magugustuhan mo ang ideas namin pwede mo kaming ihire!" sabi pa nito. Di tuloy mapigilan ni Yra ang pagaalala dahil sa pagiging impulsive ng kaibigan. Nagpalitan ng numbers ang dalawa pagkatapos ay nagpaalam na ang lalaki.

"Kambal anung ginawa mo? baka mapasubo tayo nito!" nag aalalang sabi niya dito.

"Anu kaba kambal, pag hindi tayo sumugal walang mangyayari sa buhay natin! tsaka ang isa pa hindi naman natin siya pinilit, kaya umuwi na tayo para makapagplano. Tandaan mo two days lang ang meron tayo para maplano ng husto at bonggang bongga ang event na yun!" Wala ng nagawa si Yra kundi sumunod nalang sa kaibigan.

Halos idlip lang naging tulog nilang magkaibigan makagawa lang magandang plano na ipapasa nila kay Francis, Para sa katulad nilang wala pang masyadong experience sa ganoong trabaho ay napakahirap magsimula. Inisip nalang niyang mabuti na kung hindi sila kikilos ay walang mangyayari sa buhay niya. After two days ay tinawagan nila si Francis para ipakita dito ang pinagpuyatan nilang dalawa ni Heshi.

"Out of all the plans na nakita ko ay ito ang pinaka mura at pinaka maganda kaya sa inyo ko ibibigay ang deal." sabi ng binata.

Hindi makapaniwala si Yra sa narinig niya. totoo ba ito? baka naman panaginip lang? lihim niyang kinurot ang sarili. Ouch! totoo nga!

"Salamat sayo Francis! or shall we call you Sir Francis? this is a very big break para sa aming dalawa."

"It's okey, Hindi lang naman kayo ang makikinabang dito ako rin, napakalaki ng matitipid ko dahil sa inyo. Kaya sana maging maganda ang kalabasan para parepareho tayung kumita." nakangiting sabi nito, "and I believe in you!"

"Lam mo kambal, parang hulog ng langit si Francis no!" ani Heshi ng makauwi na sila sa apartment ni Yra. "Hindi lang tayo kikita ng malaki, makakatulong rin yon para malibang ka!"

Dalawang linggo na ang lumipas mula ng makipaghiwalay siya kay Jion, at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi man lang siya pinuntahan ng binata kahit minsan, Hindi rin ito tumawag o nagtext sa kanya na lalong nagpalala ng sakit na nararamdaman ni Yra.

Ngumiti sya ng mapakla sa kaibigan, "Wala naman akong magagawa kung mas pinili niya yung kababata niya kaysa sakin." di niya napigil ang pagpatak ng luha, dali-dali niya iyong pinunasan.

"kambal," awang-awa siyang niyakap ng kaibigan, maging ito kase ay walang makuhang paliwanag mula sa kapatid ni Jion, ilang beses na rin nitong sinubukang kausapin ang nobyo tungkol sa nangyari kina Yra at Jion pero wala itong naging sagot sa kanya. "Kailangan mong mag move on kambal, hindi ko alam kung gaano yun kasakit para sayo dahil hindi ko pa yun naramdaman kahit minsan, pero kambal kailangan mong lumaban."

"Pansamantala lang naman to," pinigil na niya ang muling pagpatak ng kanyang luha. "wala namang bagyong tumatagal ng isang taon diba!" maging siya ay napangiti sa sarili niyang salita.