Yra close her eyes for a moment, She knows she wants him too, and as she said to Francis na may "buwanang dalaw" sya so hindi pwede ang gusto nitong mangyari.
Kinintalan niya ng halik sa labi si Jion "Hindi nga ako pwede, meron ako!" saka niya ito niyakap ng mahigpit.
"Ano!?" napakamot ng noo si Jion. "nu ba yan pagkakataon ko na sana."
"Wag ka ng manghinayang to naman, kakabati pa lang natin gusto na agad makascore!" tuluyan na siyang bumangon sa kama, "ang mabuti pa, pumunta nalang tayo sa opisina namin at naghihintay si Heshi don!"
"Wow, ano to? together again!?" bulalas ni Heshi ng magsunod silang pumasok ni Jion sa establisimyentong iyon. "bakit magkasama kayo?"
"Nagusap na kami ng maayos kanina" tugon niya dito.
"So nagkabalikan na kayo?" tanong nito,
"Yes, we're together again!" si Jion ang sumagot dito.
"Good for you! Pero sana naman Jion, Ingat ingat sa susunod! masyadong na iistress sayo ang kaibigan ko eh ha!"
sabi nito kay Jion.
"I know." nakangiting sagot ni Jion dito.
"Pero wait lang ha, asan si Francis? diba may date kayo ngayon?" baling sa kanya ni Heshi.
"Ah, nagpunta sya sa bahay ko kanina, nagdahilan lang ako na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na kami tumuloy." sagot niya dito.
"Ganon ba! iba ka rin eh no bayaw? Nung nalaman mong may umaaligid jan sa kakambal ko bigla kang bumalik!" tudyo pa nito.
"Kaibigan ko lang si Francis OK!" siya na ang sumagot dito dahil baka kung ano pang isipin ni Jion.
"I need to go Yra, I'll pick you up tonight." Biglang nagpaalam ang binata, hinalikan siya nito sa pisngi bago tuluyang umalis.
"Anong probema ng isang yun?" kunot noo si Heshi, "nasabi ko lang na may umaaligid aligid sayo biglang umalis." Nagkibit balikat nalang si Yra, maging siya kase ay nagtaka sa biglang pamamaalam ni Jion sa kanila.
Maya- maya pay may pumasok na costumer kaya kinalimutan na muna nila si Jion.
Jion's POV
"Sino kaya ung Francis na yun?" iniisip ni Jion habang nagmamaneho sya ng kotse niya. Ayaw pa sana niya umalis sa tabi ng nobya pero kailangan niyang kumilos, nasa New York sya ng makatanggap ng balita mula sa tauhan niya na palaging may sumusunod kay Yra san man ito magpunta kaya minabuti niyang bumalik agad ng Pilipinas para malaman kung ano ang pakay nito sa nobya niya.
Bonus na lang para sa kanya ang pagpayag nitong makipagbalikan sa kanya. Isang malaking palaisipan para sa kanya kung bakit may taong sumusunod kay Yra.
Pagdating niya sa opisina niya ay iniabot ni Minjy ang reports tungkol kay Francis, dahil bago sya umalis ng bansa ay inutusan niya itong imbistigahan lahat ng lalapit sa dalaga.
"Francis Verano! 32 years old may ari ng
FV Games development." pagbasa niya ng malakas sa info nito, "wala namang kakaiba dito"
"Boss, nakalimutan mo na ba, Yra got hospitalized because of a girl whose inlove with you before!" sabi ni Minjy sa kanya.
"Bakit, anong koneksyon?" takang tanong niya dito.
"The girl name Althea Verano is the little sister of Francis Verano."
"What? panu nangyari to? hindi ba alam ni Yra ang tungkol dito." gulat na sabi niya.
"Hindi boss, walang alam si Yra, same with Heshi, pareho nilang hindi kilala si Francis Verano,"
"Pero bakit? anung kailangan nila kay Yra?" naguguluhan pa rin si Jion sa nangyayari.
"Hindi pa natin alam boss, wala pa naman silang ginagawa kaya hindi pa tayo pwedeng kumilos." saad ni Minjy.
"Sa ngayun ang pwede lang nating gawin ay bantayan si Yra ng mabuti para makasiguradong walang mangyayaring masama sa kanya."
Yra's POV
Tulad ng pangako ni Jion kanina bago ito umalis ay sinundo nga siya nito kinagabihan at inihatid sa apartment niya.
"Dito kana maghapunan magluluto ako!" anyaya niya sa nobyo.
"marunong kang magluto talaga?" di makapaniwalang tanong nito.
"Syempre! anung palagay mo sakin fastfood lang alam kainin!" inilabas niya ang manok sa ref para mawala ang lamig at ipinatong iyon sa lababo. "pero kung talagang gutom kana pwede ka naman magorder para makakain na tayo!"
"Hindi OK lang ako, mahihintay ko pa yang iluluto mo." sagot nito.
"Ikaw din bahala ka, pag nagutom ka sa tagal kong magluto wag mo akong sisisihin ha."
"Ok lang yun, pag nagutom ako andyan ka naman," sagot nito bago hinila ang isang upuan sa mesa at naupo doon.
"Anu naman ang magagawa ko sa gutom mo kung magsisimula palang akong magluto.?" patuloy siya sa paggagayat ng sibuyas at bawang.
" Eh di ikaw nalang ang kakainin ko!" nakangising sagot nito.
Napatigil si Yra sa ginagawang pag gagayat ng rekado para sa iluluto niyang pininyahang manok. "Alam mo ikaw, sa twing makakakita ka ng pagkakataon gagawan mo talaga ng paraan na maisingit yang kalokohan mo!" namumula ang mga pisngi niya sa sinabi nito.
"Hindi naman ako nagbibiro eh, gagawin ko talaga un!" lalong nadagdagan ang pagkapula niya na umabot na sa kanyang tainga dahil sa kapiyuhan ng binata.
"Jion naman pakiusap lang, tigil tigilan mo na ang ganyang mga hirit, hindi na ako makakatapos sa ginagawa ko dahil sayo eh." awat niya dito, pero deep inside ay may kung anung kumikiliti sa kanya at nagsasabing 'uy excited sya! gusto niyang makaexpirience! hahaha!!!
Nang Makatapos silang kumain ay niligpit ni Yra ang mesa at hinugasan ang mga plato habang si Jion naman ay nanonod ng tv sa sala, gawain ng tipikal na magasawa, ganito rin kaya ang magiging itsura nila pag kinasal na sila? di mapigil ni Yra ang mapangiti dahil sa iniisip niya.
Pagkatapos niyang maglinis ng kusina ay naupo siya sa tabi nito. "Anu ba yang pinapanood mo?" saka tumingin sa television.
"Ocean's 11, panoorin mo maganda to." nagsisimula na syang malibang sa pinapanood ng may magdoorbell.
tatlong sunod sunod na dingdong ang narinig nila, tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Jion. "Ako na" sabi pa nito.
Tumigil na ang pagtunog ng doorbell bago pa makalapit doon si Jion, ng buksan nito ang pinto ay wala namang tao roon, nakita ni Yra ang ang pagkunot ng noo ni Jion kaya nilapitan niya ito.
"Bakit?" kasabay ng pagsilip niya sa pinto.
"Malimit bang mangyari sayo to?" tanong nito.
"Ang alin? ang may mag doorbell na walang tao? oo!" sagot niya rito.