Chereads / My Air to breathe / Chapter 44 - Chapter 43 checking on her

Chapter 44 - Chapter 43 checking on her

"Malimit bang mangyari sayo to?" tanong nito.

"Ang alin? ang may mag doorbell na walang tao? oo!" sagot niya rito.

"kailan pa nagsimula ang ganitong insidente?" Muling isinara ni Jion ang pinto at idinobol long iyon.

"Mga dalawang linggo na, di ko nalang pinapansin kase baka mga batang naglalaro lang, baka napapagtripan lang yung doorbell ko." sagot niya dito.

"Dito muna ako matutulog ngayung gabi." saad nito.

"Bakit naman? maaga pa ah! pwede ka pang umuwi, sanay naman akong magisa!" taboy niya dito.

"Alam kong sanay kang mag isa, kaya lang pakiramdam ko kase ayaw ko pang lumayo sa tabi mo," idinikit pa nito ang pisngi sa balikat niya "sige na please, mahal ko pumayag ka ng dito ako matulog!" para itong pusang ikinukuskos ang pisngi sa kanya.

"Sige na nga!" pumayag na rin si Yra, "pero pramis mo magbebehave ka ha! walang dirty thoughts okey!?"

"I can't promised that you know!"

"Aba mister, namimihasa kana! sa twing makakakita ka ng pagkakataon pinagsasamantalahan mo ako, abay grabe ka!" lumayo pa sya ng kaunti dito.

"Mahal ko, hindi kita pinagsasamantalahan, kase gusto mo rin naman!" pang aasar nito sa kanya.

"Tumigil ka nga dyan." tumayo na sya para makiwas sa panunukso nito, "maglilinis na ako para makatulog na tayo!" iniwan na niya ito sa sala.

Pagalis ni Yra ay agad kinuha ni Jion ang cellphone nito at nag message kay Minjy, [ Jion: Check all the CCTV's in the area, somebody tryin to get her attention just now!]

[Minjy: Copy]

Ibinalik na ni Jion ang cellphone nang lumabas si Yra sa kwarto nito at Iniabot sa kanya ang isang pamilyar na white T-shirt, "Yan yung damit na pinahiram mo sakin dati, yan nalang ang gamitin mo pag tulog!"

"Pano ang Pang ibaba?" tanong niya rito.

"Di magpantalon ka nalang! wala akong malaking short na pwedeng ipahiram sayo!"

Ng pumasok si Jion sa kwarto ay nakahiga na si Yra, "Oh, asan ang pantalon mo?" kaagad siyang nag iwas ng tingin dito dahil nakatshirt nga ito naka boxet shorts naman, bakat na bakat ang malaking umbok sa harapan ng binata.

"Hindi ako sanay matulog ng nakapantalon!" bago ito umakyat sa kama.

Tinalikuran ni Yra ang nobyo pero sumiksik naman ito sa kanya. "Mahal ko" bulong nito sa tainga niya.

"hmm?" ito na naman, nagrarambulan na naman ang mga daga sa dibdib niya dahil sa pagkakadait ng labi nito sa tainga niya.

"Matulog kana ha!" sabi pa nito bago dinilaan ang tainga niya.

Nangilabot ang buong katawan ni Yra sa ginawa ni Jion. Anak ng pitong kalabaw! sino ba naman ang makakatulog sa ginagawa nito? tinakluban niya ng isang kamay ang tainga, "Jusko naman Jion, tantanan mo na muna yang kalokohan mo at ng makatulog na tayo pareho."

"Baka lang kase gusto mo-"

"Oo na, oo na, naiintindihan ko na!" kinuskos niya ng madiin ang tainga niya para mabawasan ang kilabot na nararamdaman niya kaya humarap siya dito at sumiksik sa dibdib nito "yan masaya kanaba!?"

"Much better!" kinintalan siya nito ng halik sa labi saka ito pumikit.

"Boss, ito na ang kopya ng cctv don sa lugar at magugulat ka sa natuklasan ko." ipinlay ni Minjy ang Video sa laptap nito.

May tumigil na isang motorsiklo sa tapat ng gate ng apartment ni Yra, bumaba ang angkas nitong naka leather jacket at naka black na base ball cap, pumasok ito sa gusali at dumiretso sa pinto ng bahay niya,. nagpalinga linga sa paligid at ng masigurong walang nakakakita sa kanya ay pinihit nito ang seradura ng pinto, nung malaman na nakalock ito ay mabilis na pinindot ang doorbell saka patakbong lumabas sa gusali. Pinaharurot kaagad ng driver ang motorsiklo nito palayo.

Naisuntok ni Jion ang kamao sa mesa, mukhang nasa panganib talaga ang buhay ng nobya niya! pero bakit? sa anong dahilan at manganganib ito? because of Althea? ang babaing yun, pag sinaktan niya si Yra sisiguraduhin ni Jion na madudurog ang mga buto niya!

"Minjy, pabantayan mong mabuti ang Althea na yun pati ang kuya nya, kailangan hindi sila makalapit kay Yra." Utos niya dito.

"Yes boss."

"Hey, kamusta?" Bati kay Yra ni Francis. Dumaan ito sa opisina nila.

"Okey naman, sorry nga pala hindi tayo natuloy kahapon." sagot niya dito.

"Its okey, pwede pa rin naman natin yung ituloy next time eh." saad nito. "Okey naba ang pakiramdam mo?"

"Oo, pahinga lang at um ok na,"

"So ano pwede na ba tayong magdinner tonight?" tanong pa nito.

"Naku Francis, Hindi ako makakasama, nagbilin kase di Jion na sabay kaming maghahapunan eh!" nanghihinayang na sagot niya rito.

"Jion?" takang tanong nito.

"Si Jion yung boyfriend nya!" singit ni Heshi.

"May boyfriend ka?" lalong nadagdagan ang kunot sa noo nito.

"Oo, nagkabalikan na sila kahapon!" si Heshi uli.

"Really, then congratulations! and maybe next time mamimeet ko din sya!" seryosong sagot nito.

"Kung gusto mo hintayin mo sya ngayun, susunduin ako non para sa dinner!" anyaya ni Yra,

"Sa susunod nalang siguro, kailangan ko na ring umalis eh!" nagpaalam na ito.

"Alam mo kambal, iba ang napapansin ko sa isang yan, nitong mga nakaraang araw eh malimit ang pag imbita niya sayung lumabas. Hindi pa ba nagtatapat sayu ang yung tao!" ani Heshi ng makaalis na si Francis.

"Hindi eh, baka naman naiinip lang kaya ganon!"

"Come to think of it, mula ng maging close kayu eh never pa natin yung nakitang may kasama or may kabarkada! wala kayang kaibigan ang isang yun?" curious na tanong ni Heshi.

"Siguro naman ay meron, hindi lang natin nakikita!" sagot niya dito saka dinampot ang mga magazine na nakapatong sa silya at inilagay niya sa isang rack. "Baka hindi lang talaga palakaibigan."

"Syanga pala kambal,, tumawag yung client natin sa Las Piñas, nagrerequest kung pwede daw palitan ang theme nila from Cinderella, gusto na daw nilang gawing Tarzan para mas masaya!" biglang naalala ni Heshi na katatapos lang tawag ng costumer nila.

"Seryoso sila? Ang ganda ganda ng wedding theme na Cinderella tapos papalitan nila ng bahag!" Oh em gee!!! bakit ba may mga costumer silang parang out of this world lagi ang takbo ng utak!? "Ang hirap hirap mag isip ng theme tapos papalitan nila?" reklamo niya kay Heshi.