Chereads / My Air to breathe / Chapter 47 - Chapter 46 possessive

Chapter 47 - Chapter 46 possessive

Inilapag ni Minjy sa mesa ni Jion ang panibagong folder na naglalaman ng datos tungkol kay Francis Verano, "Maliban sa kapatid siya ni Althea at isa sa kalaban nating kumpanya sa game developing ay wala na kaming makitang kahina hinala sa taong yan." saad ni Minjy. "Palagay ko hindi sapat na dahilan yun para gawan niya ng masama si Yra, Sa pagkakalam ko kase sya ang tumulong sa kanila ni Heshi para magsimula ng negosyo and like Juan Pablo's report nagpunta roon si Francis yesterday para sa panibagong project."

"Tama ka naman dyan sa bagay na yan, kaya lang kung hindi siya sino?" itinigil ni Jion ang pagbabasa sa hawak na folder, "may isa pa akong pinagdududahan,"

"Ang mga kakompetensya mo sa darating bidding para sa mga itatayong building ng Marquez Corporation!" taas ang isang kilay na pahayag ni Minjy. Sa tagal ng panahon na magkasama sila ay iisa na ang takbo ng isip nila.

"Well anu pa nga ba!? sigurado akong isa sa mga iyon ay gagawa ng paraan para mabawasan ang kalaban nila." he looked outside of floor to ceiling window ng kanyang opisina. " and I think I know whose shadow it is."

"Boss, we need to move bago pa tayo maunahan!" ani Minjy.

"Grabe Francis, ang hirap palang mamili ng mga costplayer ngayun no!?" ani Heshi habang hinihintay nila ang susunod na mag a audition para sa gaganap na character ng bagong game nina Francis.

"I told you, maselan ang isang ito, hindi pwedeng kung sino sino lang ang pagsusuotin mo ng costume, hindi porket maganda o kaya ay sexy pwede na! kailangan marunong din syang magdala ng character." paliwanag pa nito.

"Pa singkwenta na yang isang yan" ani Yra sa bagong pasok na babae, "sana naman makapili kana para matapos na tayo."

"Sorry dear ha, alam kong napapagod kana kaya lang wala naman akong magagawa kailangan makapili ako ng karapat- dapat role." malambing na sabi sa kanya ni Francis.

Kasalukuyan silang nasa labas ng building ng kumpanya ni Francis hinihintay nila si Juan Pablo na kinukuha ang sasakyan nila sa Parking area, iniwan sila nito nito dahil kasama naman nila si Francis sa paghihintay.

"Thank you for your patience ha, alam kung hindi madali itong ibinigay ko sa inyong trabaho." Ani Francis

"Maliit na bagay lang to kumpara sa naitulong mo samin ni kambal!" sagot ni heshi kasabay ng pagsiko nito kay Yra.

"Oo naman, ikaw pa ba!" sagot din niya dito, "Tsaka ito talaga ang trabaho namin kaya relax ka lang dyan!"

"Alam mo dear, iniisip ko lang kung ikaw na kaya ang gumanap dun sa main role na kailangan ko, pwede ka yun sayo!" biglang sabi Francis kay Yra.

Napatanga naman siya dito, "Ano? okey ka lang? ang tanda ko na para sa mga ganyang bagay!" pagtangi niya dito.

"Look! If i can wear the shikamaru custume sigurado akong kaya mo din magsuot ng simpleng outfit na kagaya nun." pamimilit pa nito.

"Oo nga kambal, siguradong babagay sayo ang role ng isang water deity! ikaw na nga ang gumanap para hindi na tayo mahirapan sa paghahanap." sinang ayunan pa ito ni Heshi.

"Naku magsitigil kayo at-" hindi naituloy ni Yra ang sasabihin dahil bigla siyang hinila ni Francis para maiwasan ang papararating na rumaragasang kotse na tinutumbok siya. Mabuti nalang at naiwasan nila ang sasakyan dahil mabilis kumilos si Francis, sa kasamaang palad ay hindi naging maganda ang pagbagsak niya sa semento, medyo napilipit ang kanang paa nya kaya nasprain ang ankle niya.

"Kambal okey kalang!" kaagad siyang nilapitan ni Heshi at tinulungang silang makatayo ni Francis.

"What the hell!" nanggagaliting sigaw ni Francis ng makatayo na ito, "Itsek mo ang cctv at tingnan mo ang plate number ng kotseng yun tapos ay ireport mo agad sa mga pulis!" sigaw nito sa lumapit na gwardiya, "Are you okey? nasaktan kaba?" nag aalalang tanong nito sa kanya.

"Okey lang ako." pero napasigaw siya sa sobrang sakit ng sinubukan niyan humakbang. "aahh!!"

"A-alin ang masakit?" hindi malaman ni Heshi kung alin ang hahawakan sa katawan ni Yra, "wag ka munang gumalaw sandali."

Bigla naman tumigil ang kotseng sinasakyan ni Juan Pablo, " Bilis dalhin natin si Yra sa ospital." kaagad naman nitong binuhat si Yra at isinakay sa sasakyan.

Binabalot na ng benda ng doktor ang paa ni Yra ng dumating si Jion, hindi ito nagsalita bagkos ay tiimbagang lang itong naghintay na matapos ang ginagawa ng doktor.

"Wala namang Fracture, may naipit lang na ugat and it will be heal two to three days, wag lang masyadong ilakad." sabi ni doctor bago ito lumabas ng silid.

Nilapitan siya ni Jion at lumuhod ito para maichek ang nakabandage niyang paa pagkatapos ay nilapitan nito si Francis, "You must be Francis? Im Jion im Yra's boyfriend." pakilala nito.

"I know." tanging sagot nito. Nagsukatan ng titig ang dalawang lalaki.

"Thank you for saving her!" si Jion ang unang nagsalita.

"It's nothing." sagot nito, "dear, mauna na ako sa inyo." saka nito pinisil ang balikat ni Yra, "Heshi." tinanguan ito bilang pagtugon sa pamamalam nito.

"Is he always calling you dear?" tanong ni Jion sa kanya ng mailabas siya nito sa ospital at sa bahay nito sa taguig sila dumiretso, minabuti nilang doon na muna sya manatili para sa kaligtasan niya.

"Oo bakit?" sagot niya kay Jion habang inaayos niya ang pagkakaupo sa gilid ng kama.

"At kay Heshi ay simpleng Heshi lang ang tawag niya?" tinanggal nito ang suot na kurbata. "Hindi ka ba nagtataka man lang!"

"Nung una oo, kaya lang nasanay na rin ako sa kanya eh, bakit?"

"Wala naman, im just curious about him, by the way hindi ka muna pwedeng lumabas dito sa bahay para hindi maulit ang ganitong pangyayari and hindi ka rin pwedeng magpapunta dito ng bisita maliban sa family mo at kay heshi." hinubad na rin nito ang long sleeve na suot, "beside them, hindi ka na pwedeng tumangap ng bisita."

"Pero pano si Francis? kaibigan ko sya at niligtas niya ako diba."

"Hindi sya pwedeng pumunta dito. Sa kalagayan mo ngayun mas kailangan nating mag ingat, at isa pa I'm a very possessive man." lumapit ito sa kanya at itinuon ang dalawang kamay sa magkabila niya, "Ang akin ay akin lang."