Chereads / My Air to breathe / Chapter 46 - Chapter 45 his enemy

Chapter 46 - Chapter 45 his enemy

Bumitaw si Yra sa pagkakayap kay Jion pinunasan ang labi nito, "Kailangan ko ng ituloy ang pagluluto, Hindi tayo mabubusog ng halik."

Mataman siyang tiningnan ni Jion pagkuwan ay bumuntung hininga ito, "Mahal ko, meron tayong kailangan pagusapan." panimula nito bago siya pinaupo, "Lately, wala ka bang napapansin sa paligid mo?"

"Anong napapansin?" kunot noong tanong niya dito.

"Like for example, parang laging may nakatingin sayo or parang laging may sumusunod sayo san ka man magpunta! yung mga ganong bagay."

"Parang wala naman, wala akong napapansin eh! bakit ba!?" nagtataka na talaga siya sa itinatanong nito!

"Yra, I want you to listen to me. Wag ka munang magrereact hanggang hindi ako natatapos ok." tango lamang ang isinagot niya sa nobyo. "I think your life is in danger"

"Ano? panu mo nasa-"

"Wait lang," pigil nito sa kanya, "di pa nga ako tapos magsalita eh."

"Okey, Okey." isiniper ni Yra ang bibig.

"Bago ako umalis papuntang New york two months ago, nagbilin ako kay Minjy para bantayan ka." pinanlakihan niya ng mata si Jion pero hindi sya nagsalita. "Naglagay si Minjy ng isang security guard para sayo ng palihim, he will follow you anywhere and he will make sure na ligtas ka anytime. At first maayos naman ang lahat, till one day nadiscover nyang hindi lang sya ang nag iisang nagbabantay sayo. He continued to followed you around until i came back."

"Bakit naman nila ako susundan? hindi naman ako mayaman! at lalong wala naman akong kaaway!" naguguluhan na talaga sya sa sinasabi nito.

"Remember the doorbell incident? sabi mo sakin ilang beses ng nangyari sayo yun hindi mo lang pinapansin, pinacheck ko kay Minjy ang mga CCTV footage sa lugar na ito, at napatunayan namin na hindi mga bata ang naglalaro sa doorbell mo. There's a man whose tryin' to open your door, nagkataon lang na ako ang nagbukas ng pinto kaya hindi sila nakatuloy dito."

Unti unti ng sumisilay ang takot sa mukha ni Yra, bakit? anong nagawa niyang kasalanan? "Kaya ba hindi ka umuuwi sa inyo nitong mga nakaraang araw at nagpupumilit kang dito matulog kase alam mong may nangyayari na sa paligid ko?" lalong syang natakot sa ideang maaaring may umatake sa kanya sa mga panahong wala si Jion sa tabi niya. "Yung nangyari kanina sa mall? hindi yun aksidente?"

"Yeah! may palagay kaming sinadya ang pagtulak sa escalator!" ikinuyom ni Jion ang kamay nito. "Somebody's trying to hurt you."

Hindi makapaniwala si Yra sa naririnig, kanino ba sya may atraso? bakit mayroong gustong manakit sa kanya?

On the othe side------

"Ang tanga tanga niyo!" Sigaw ng isang lalaki sa mga tauhan niya. "Simple lang ang gagawin niyo hindi niyo pa magawa!" nanggagagliti sa galit ang lalaki habang tahimik naman nakayuko ang dalawang taong lihim na nagmamanman kay Yra. "Khalix, akala ko ba sanay pumatay ng tao yang mga gunggong nayan? pero isang babae lang hindi pa nila mabura sa mundo!" muling sigaw nito.

"Boss, may sikretong body guard ang babaeng yon." sagot ng isa sa goons nito.

"Wala akong pakealam kahit sandamukal pang sundalo ang magbantay sa babaeng yon, ang importante mawala ang atensyon ng Jion Guia na yun sa darating na bidding naintindihan niyo! kailangan ako ang makakuha ng kontratang iyon at hindi ang lalaking iyon."

---Yra's apartment----

Hindi makatulog si Yra sa kakaisip kung sino ang nagbabanta sa buhay niya, nagpaikot ikot na sya sa kama at ilang beses na rin siya nagbanyo dahil sa tense na nararamdaman niya.

"Mahal ko, matulog kana. Wag ka ng masyadong magalala, walang mangyayaring masama sayo hanggat andito ako sa tabi mo." yumakap si Jion sa bewang niya.

"Iniisip ko lang kung ako lang kaya ang target nila? pano ang pamilya ko? baka kung anung gawin nila?" lalong tumindi ang pagaalala niya.

"Don't worry about them, may mga tao na akong nakabantay sa kanila." naupo na si Jion sa kama at humarap sa kanya. "Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayoko pa sanang sabihin sa iyo ang nangyayari kase ayokong mag panic ka ng ganito." he sight.

"Hindi ko talaga lubos maisip kung anong naging kasalanan ko at bakit bigla nalang may mga taong gusto akong saktan." naiiyak na saad niya.

Muli siyang niyakap ni Jion, he kissed her temple, awang awa siya sa nobya, hindi niya alam kung anong tamang sabihin para mabawasang ang takot na nararamdaman nito.

Kinabukasan pagpasok niya sa trabaho ay hindi na invisible ang body guard ni Yra, ipinakilala na sa kanya ni Jion si Juan Pablo ang ex military man na tauhan nito ngayun, pinsan ito ni Minjy kaya kampante ang pakiramdam ni Yra.

Ikinwento niya kay Heshi lahat ng nangyari ng nagdaang gabi. shock ito sa nalaman, pero nagpatuloy sila sa pagharap sa mga kliyente na parang ordinaryong araw lang, sinabi niya rin kay Heshi na kailangang ilihim muna nila sa tatlo pa nilang tauhan ang nangyayari para hindi matakot ang mga ito.

"Hi girls!" bati ni Francis kina Yra ng pasyalan nito ang dalaga. "I miss you dear."

"Hoy, bat ngayun ka lang nagpakita?" ani Heshi dito.

"Marami kasi akong trabaho ngayun kaya walang masyadong oras para lumabas." napatingin ito kay Juan Pablo, "Sino yun?" tanong nito.

"Ah, bago naming empleyado." matipid na sagot ni Yra dito.

"Talaga! mukhang umaasenso na talaga tong business niyo ah, padami na ng padami ang tao niyong dalawa." nakangiting sabi pa nito.

"Naku, hindi naman kami makakapagsimula kung hindi mo kami tinulungan kaya salamat sayo!" ani Heshi dito.

"Sus wala yun, maliit na bagay!" anito sabay kibit balikat. "Sya nga pala kailangan ko ng tulong niyong dalawa,"

"Para saan?" tanong ni Yra dito habang tuloy siya sa pagbuklat sa bagong magazines na hawak niya.

"May i lalaunch kaming bagong game at kayo uli ang kukunin kong organizer.!" nakangiting saad nito.

"Talaga!?" biglang isinara ni Yra ang hawak na magazine.

"Yun nga lang, may isa akong problema bout sa launching, wala pa kaming nakikitang gaganap sa mga characters na ilalabas namin."

"Problema ba yun! di magpa audition tayo! mas mapapabilis ang paghahanap kung ganon ang gagawin natin."

"Yun nga ang isa ko pang problema! maselan ang bago naming character at hindi pwedeng basta babae lang ang gaganap!" habang nakatingin kay Yra si Francis.