Chereads / My Air to breathe / Chapter 29 - Chapter 28 one of us

Chapter 29 - Chapter 28 one of us

Ilang araw na syang nagtatrabaho sa kumpanya ni Jion at ipinakita sa kanya ng lalaki kung gaano ito ka propesyunal pagdating sa trabaho, araw-araw dumarami ang natutuklasan niya tungkol dito, tulad ng pagiging metikuloso nito at detalyado sa lahat ng bagay. Hindi rin siya nito binibigyan ng special treatment.

"Minjy, gaano katagal ka ng nagtatrabaho kay boss?" tanong ni Yra dito habang nagtsetsek ito ng schedule ng amo nila.

"14 years na bakit?" ibinaba nito ang tablet na hawak.

"Ah, kaya pala para ng iisa ang utak ninyong dalawa, pareho na kayung magisip." na aamazed na sabi niya dito pero bigla niyang naisip. "ano? fourteen years? ilan taon kanaba?"

"thirty, magsintanda lang kami ni boss, itinayo nya ang kumpanyang ito nung first year college kami. Nung nagsimula sya dati isang kwarto lang ang inuupahan namin at ilang computer, hanggang sa napalago niya ng ganito." kwento pa nito.

"So mag bestfriend kayu?" usisa pa rin ni Yra.

"Actually tatlo lang talaga kaming magkakaibigan, si Vince si boss at ako. malaki ang utang na loob ko kay boss kase working student ako dati, siya ang tumulong sa akin para makatapos ako ng pagaaral." dugtong pa nito.

Wow, sobrang tagal na pala ng pinagsamahan ng mga ito. Tumingin si Yra sa direksyon ng opisina ng boss nila. workaholic at disiplinado! nagiba na talaga ang pananaw niya sa nobyo. eeekkk!!! ang suwerte naman niya masyado!

Busy pa si Yra sa pagmumuni muni ng tumunog ang intercom nila. "Minjy." tawag ng boss nila. Dali-dali namang tumayo ang secretary at binitbit ang tablet nito. Habang nakasunod lang ang mga mata ni Yra sa umalis na binata.

Marami silang ginagawa ni Minjy araw-araw, kung tutuusin sa ilang araw na pamamalagi niya sa opisina nito ay hindi pa niya naranasan umuwi ng maaga. Kaya pala pinipilit sya nitong magtrabaho doon para hindi na mahirapan sa paghatid-sundo sa kanya dahil sobrang busy din pala talaga nito.

"Excuse me!" napatingala si Yra sa nagsalita. "Gusto kong makausap si Jion! Tell him Im here." Utos sa kanya ng babaeng mukhang model ng Victoria' secret. Makapal ang make-up nito at nangangalingasaw ang pabango.

"May appointment po ba kayo sa kanya ma'am?" magalang na tanong niya rito.

"No! just tell him Eliza Steven is here!" supladang sagot pa nito.

Naiirita man si Yra ay hindi siya nagpahalata, sino ba ang babaeng ito? hmmp. Pinindot niya ang intercom "Sir Minjy, Miss Eliza Steven is here asking for the presence of Mr. Guia." hindi na niya hinintay na sumagot ang nasa kabilang dulo ng intercom dahil kasama iyon sa protocol nila.

Lumabas naman kaagad doon si Minjy at hinarap ang babaeng tinukoy niya.

"Where is your boss?" bungad agad dito ng babae "bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko?"

"I'm sorry ma'am, but Mr. Guia is busy as of the moment kaya po hindi niyo sa makakausap sa ngayon at puno pa rin ang schedule niya for the next 2 weeks." mahinahong sagot ni Minjy dito.

"Wala akong pakialam sa schedule niya! ilalabas mo siya ngayun o tatawagan ko ang dad ko para iurong ang kontrata ng kumpanya namin sa inyo!" matapang na sabi nito.

"Just wait for a moment a ma'am, iche-check ko lang kung may free time sya today.!" tinalikuran na ito ni Minjy at muling pumasok sa loob ng opisina ni Jion.

Pinagmasdang mabuti ni Yra ang babaeng naiwan sa tabi niya, mahaba ang at alon alon ang buhok nito at ng nagpaulan ang Dyos ng kurba sa katawan ay sinalo na atang lahat nito.

Nang bumukas ang pinto sa tapat nila ay lumabas doon si Jion kaya dinampot ni Yra ang kanyang mug at nagpanggap na umiinom ng tsaa, kitang kita niya kung paano lingkisin ng babaeng higad ang nobyo niya. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak niya sa kanyang mug.

"Baby, you're so tagal!" ikinapit agad nito ang dalawang kamay sa braso ni Jion "You promised me na maglu-lunch tayo today but youre not answering my calls!" maarteng sabi pa nito.

Parang balisong na bagong hasa sa sobrang talim ang tingin ni Yra sa babaeng nakapulupot sa nobyo niya! tuwang tuwa naman ang walanghiya! un ang tumatakbo sa isip ni Yra bago Inirapan niya si Jion habang ibinaba ang tasang hawak.

"Sa labas ako maglu-lunch!" yun lang ang sinabi ni Jion bago sinenyasan si Minjy na aalis na sila.

Hindi man lang ito namaalam sa kanya! Ang bwiset na yun! nakakita lang ng babaeng parang boldstar ipinagpalit na ang sandamukal na paperworks niya! Umuusok ang ilong ni Yra habang pinapanood ang mga papalayong pigura.

"Miss Yra, wala naman sina boss baka gusto mong sumabay sa amin ng lunch!" yaya sa kanya nina Evelyn at lorena mula sa dibisyon ng mga Secretary ng kumpanya nila. "Sa cafeteria nalang tayo miss."

Since iniwan sya ni Jion at nakipaglunch date ito sa babaeng higad na iyon, mas mabuti nga sigurong sumama nalang sya sa dalawang ito para hindi sya maburyong sa kakahintay kung anung oras babalik ang magaling niyang nobyo.

Pagdating nila sa cafeteria ay puno na iyon ng mga empleyadong magtatanghalian. nakipila na rin silang tatlo.

"Kasama na naman ni Sir Jion ung babaeng talangka na iyon!" hindi nakaligtas sa pandinig ni Yra ang sinabi ni Evelyn.

"Yung babaeng pilingera na yun, hindi naman kagandahan." ismid naman ni Lorena "assumera lang!" nag-apir pa ang dalawang babaeng kasama ni Yra sa table.

Isa yun sa mga dahilan kung bakit gusto ni Yrang ilihim sa mga katrabaho ang relasyon nila ni Jion, ayaw niya kaseng mapag-usapan siya ng ganon.

"Ikaw miss Yra? hindi kaba naiingit don sa babaeng kasama ni Sir Jion?" tanong sa kanya ni Evelyn.

Napatigil si Yra sa pagsubo ng kanin. "Bakit naman ako maiinggit sa mukhang higad na yun!" maanghang niyang sagot.

"Uy si miss Yra one of us!" nagtawanan ang dalawa.

Nalintikan na, baka makahalata ang mga ito sa kanya.

"Bakit miss, type mo rin ba si Sir Jion?" siniko pa siya ni Lorena na feeling close agad sa kanya.

Sa halip na sagutin niya ang mga ito ay ipinagpatuloy nalang niya ang pagkain at baka kung ano pa ang maisagot niya sa mga ito.