Chereads / My Air to breathe / Chapter 25 - chapter 24 Still alive

Chapter 25 - chapter 24 Still alive

Naghihinatay si Yra ng taxi na masasakyan papasok sa trabaho ng tumigil ang grey na audi sa harapan niya, bumaba roon si Althea at nilapitan siya.

"Can we talk?" ismarteng tanong nito sa kay Yra.

"Sorry, kaya lang nagmamadali ako malalate na kase ako sa trabaho eh." Tanggi niya rito.

"It's okey, I can send you to work, hindi naman ako busy eh." binuksan na nito ang pinto ng kotse para maksakay siya.

Mukhang hindi ito papayag na hindi siya makausap. "Okey!" pagsang ayon nalang niya dito para matapos nalang lahat at ng magkalinawan na rin silang dalawa.

"Is it fun?" napatanga nalang si Yra sa tanong ni Althea sa kanya habang busy ito sa pagmamaneho.

"Masaya ang alin?" kunwari ay nakafocus siya sa daan.

"To be with Jion? Is it fun to have him in your palm? Or is it fun to be with some rich man in your bed?" Nilalait ba siya nito at pinalalabas nitong isa siyang gold Digger!

"Yes ofcourse!" hindi siya patatalo dito, hindi siya ipinanganak ng nanay niya para lang apihin ng mundo, Hmmp. "its fun to be with the man na kaya akong HABULIN pag tumakbo ako." Inemphasize pa niya ang salitang habulin para lang maramdaman nitong hindi sya patatalo.

"Wow!, so youre the type of girl na nagyayabang agad, girl!/Just to remind you, hindi pa kayo kasal marami pang pwedeng mangyari. Kaya kung ako sayo, wag kang masyadong kampante!" pinagtaasan pa siya nito ng kilay.

"Eh ano naman kung magyabang ako? Atleast hindi ko kinailangang umakyat sa kama ng lalaki pa lang mapansin ako! Hindi katulad ng iba Dyan, naghubad nat lahat sa harapan ng iba, hindi niya pa rin nakuha! How sad!" exaggerated pa ang ginawa niyang paglukot ng mukha.

BEEEEP!!! Napahawak si Yra sa kanyang dibdib ng biglang hampasin ni Althea ang busina ng kotse nito. Pinilit nitong umover take sa isang ten wheeler truck na nasa unahan nila.

"Hey! Anong ginagawa mo? baka maaksidente tayo!" bumaha ang takot sa mukha ni Yra sa ginawa nito.

"Why? Are you afraid? Kanina lang ang tapang tapang mo!" malademonyong ngisi nito sa kanya.

"Look! Kung gusto mo ng one on one, hindi kita uurungan. Basta itabi mo ang sasakyan at doon tayo sa labas magusap."

Nagsisisi si Yra bakit nga ba siya sumakay sa kotse nito? Bakit ba hindi sya nagisip muna bago sya nagsalita kanina?

"No way! hindi ako makikipag basag ulo sa babaeng katulad mo. I wouldn't let you get away with this." Parang baliw na sabi nito. "This is the first time na tinanggihan ako ng isang lalaki! And the worse is si Jion pa! pinagpalit nya ako sa isang katulad mo lang? how dare you!"

"Hindi ka niya ipinagpalit dahil hindi naman naging kayo!" you and your big mouth Yra, wag ka ng sumagot, baka maphamak ka lang, pinagalitan niya ang sarili dahil hindi niya makontrol ang bibig niya.

"Then hindi sya mapupunta sa ating dalawa!" bigla nitong tinapakan ang silinyador kaya lalong bumulis ang takbo ng kotse nito, pumalo na sa 100kph ang milyahe nito.

Hinigpitan ni yra ang kapit sa seat belt ng makita niyang babangga sila sa railings ng papalikong kalsada na iyon, nakuha pa niyang takpan ng siko ang kanyang mukha.

Aahhh!!! Napasigaw siya ng malakas ng tumama ang unahan ng kotse nito sa railings ng kalsada kaya biglang kinabig ni Althea ang manibela pero hindi na iyon nakontrol nito, iiwasan din sana nito ang poste sa katapat na kalye pero huli na ang lahat, sumabit ang kanang headlight ng sasakyan kaya nabunot ang street light na tinumbok nito, nagpaikot ikot sa ere ang kotseng sinasakyan nila bago tuluyang bumagsak sa kalsada. Instant flashback ang nakita ni Yra, ang mukha ng kanyang mga magulang at ang kanyang mga kapatid,si Heshi at pinakahuli ang mukha ni Jion! Lord, help me please! Naidalangin na lamang niya.

"Yra! Yra!" binuksan niya ang kanyang mga mata. Bakit parang dejavu? Bakit parang nangyari na ito? "Im here!" Si Jion? Ano ba naman buhay to? Mamamatay na ako sya pa rin?

"Yra! Look at me!" tawag muli nito sa kanya. Oh! Hindi ba ito panaginip? Hinawakan ni Jion ang kanyang pisngi. "thanks God youre awake! May masakit ba sa iyo?"

Buhay pa ako! Diyos ko po, magpapakabait na po ako!

Pinisil niya ang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya.

"kamusta ang pangatlo mong buhay?" si Heshi iyon nakatayo sa paanan ng kanyang kama. Naiiyak itong nakatingin lang sa kanya.

"Never been better." Pinilit niyang bumangon kaya tinulungan siya ni Jion na makaupo, naramdaman niya ang paguhit ng hapdi sa kanyang leeg, kaya kinapa niya iyon.

"masakit ba?" masuyong hinaplos ni Jion ang kanyang leeg. "nahapit ung seatbelt sa may leeg mo kaya nagkaroon ka ng mahabang gasgas diyan, but don't worry hindi daw iyan magpipilat."

"how did you know what happened to us?" she asked

"Susunduin sana kita kaninang umaga, when I saw you talking to Althea, I tried to call you pero sumakay kana sa kotse nya so I don't have a choice kundi sundan nalang kayo, I think she saw me fallowing you that's why she speed up her car."

Yun yung mga panahon na parang nababaliw na si Althea.

"nagsisisi ako kung bakit hindi kita tinawagan agad kaninang umaga, hindi sana niya ako naunahan pagsundo sa iyo." huminga ito ng malalim, "nung nakita kong bumaliktad ung kotse niyo sa ere kanina, halos sumabog ang puso ko. Kung hindi ko lang iniisip ang kaligtasan mo ay baka napilipit ko ang leeg ng babaeng yon!" patuloy pa nito bago biglang naging mabangis ang mukha ni Jion sa mga huling sinabi nito.

"Where is she now?" tanong niya dito.

"Shes in the other room. She got minor bruises hindi naman malala." Sagot sa kanya ni Heshi.

Somebody knock on the door, then Cielo came in. May dala itong bulaklak na nakalagay sa Vase kasama nito si Vince. " Yra, Im so sorry for what happened to you, kung nakita ko lang agad ang motibo ng babaeng yon, hindi ko na sana siya ipinakilala sa kuya ko."

"Motibo? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan si Yra sa sinasabi ni Cielo.