Chereads / My Air to breathe / Chapter 21 - Chapter 20 Friends

Chapter 21 - Chapter 20 Friends

"Yra! Yra!" sinikap niyang imulat ang kanyang mga mata at ang nakakasilaw na liwanang ang tumambad sa kanya, nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa dumapo ang kanyang paningin mukha ni Heshi na nakatayo sa gilid ng kama. "Salamat sa diyos at gising ka na!" hinawakan nito ang kanyang kamay.

Nakita ni Yra ang dextrose na nakabitin sa tabi ng kanyang hinihigaang kama at naramdaman din niya ang tuloy-tuloy na pagpasok ng hangin sa kanyang ilong.

"kinapos ka sa hangin kagabi kaya ka nilagyan ng oxygen! Nahimatay ka sa daan, mabuti at sinundan ka ni Jion kaya nabigyan ka agad nang first aid nung nawalan ka ng malay." Paliwanang nito sa kanya.

Muli niyang naramdaman ang pagguhit ng sakit sa kanyang dib- dib, Lintek na buhay to oh! Nasa ospital na sya pero hindi.naman nabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang kirot na nararamdaman.

"Sorry kambal ha, Hindi ko alam na may nangyayari na palang kaguluhan kanina! Kung hindi pa winasak ni Jion ang pinto ng Kwarto hindi ko malalaman na wala ka na pala sa tabi ko." Ramdam niya ang sinseridad sa boses ng kanyang kaibigan, hindi niya ito masagot. Bagkos ay nginitian na lamang niya ito.

Tiningnan niya ang orasan sa itaas ng pinto alas-singko ng umaga at sila lamang ni Heshi ang tao sa loob ng silid na iyon.

"Ah siyanga pala sabi ng doctor ay basta nagising kana pwede na tayong umuwi, wala naman ka daw sakit, nastress kalang at napagod ng husto kaya ka nawalan ng malay." Patuloy pa rin nito "San mo gustong umuwi pagkatapos nito? Ihahatid ba kita sa bahay nyo o sa apartment mo?"

"Sa apartment ko nalang." Matipid niyang sagot dito.

Naintindihan naman ito ng kaibigan kaya sumang ayon nalang ito sa kanya. Walang imik si Juno nang ihatid siya nito sa apartment niya sa maynila, wala ring binanggit si Heshi tungkol kay Jion hanggang makarating sila roon.

Pagkarating niya ay dumiretso lang sya sa kwarto at natulog maghapon, si Heshi na rin ang nag file ng leave nya sa opisina nila para sa araw na iyon.

Habang nagpapahinga siya ay tumunog ang notification ng cellphone niya, tinatamad niyang binuksan ang email at binasa ang laman niyon. May promo ng ticket papuntang japan!

Napabalikwas siya ng bangon sa kanyang higaan, ito ang pinagiipunan niyang sandali! Nagdadalawang isip man siya ay pinindot pa rin niya ang reseved botton. Naalala niyang bigla ang scenario sa bahay ni Jion kagabi kaya lalo niyang naisip na kailangan niyang umalis, ilang araw lang naman iyon kung tutuusin pero makakatulong yon para maaliw siya sa lungkot na pinagdadaanan. Dali dali niyang.tinawagan ang agency na may promo ng plain ticket para ayusin ang tourist visa niya papuntang japan. Ipinaglihim nalang niya iyon kay Heshi at sa pamilya niya, saka nalang niya sasabihin pag malapit na syang umalis.

Kasalukuyan siyang nasa isang mall sa Makati, nagwiwindow- shopping, iniisip niyang bumili ng bagong damit na dadalhin pagalis niya kinabukasan papuntang japan, dalawang linggo na ang nakaraan matapos ang insidenteng iyon sa kabundukan.

Naisip niyang tumigil sa isang milktea shop para magpahinga, hindi naman talaga siya mahilig sa matamis, pero simula ng pangyayaring iyon ay pakiramdam niya lagi mapait ang kanyang panlasa, kaya napapadalas ang pag mimilk tea niya, alam niyang hindi iyon healthy sa katawan niya iniisip nya na lang na last na iyon, pagbalik niya galing japan ay sisimulan na niya ang healthy living.

"Can I sit here?" anang malamyos na tinig sa kanyang harapan.

Napatingin si Yra sa nagsalita, si Winston iyon na bahagyang nakangiti sa kanya. Nagpalinga-linga si Yra sa paligid, siguro naman ay hindi ito gagawa ng masama dahil maraming tao sa paligid nila roon.

"Sure! Go ahead." Iminuwestra niya dito ang upuan sa harapan niya.

"Bakit mag-isa ka dito?" tanong nito ng makaupo na. "nasan siya?"

"Sinong sya?" kunwariy hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito.

"Sya! I mean si Heshi! Oo nga asan si Heshi?" di magkamayaw na sagot nito.

"Ah, lunes ngayun kaya malamang kakauwi lang nun sa apartment niya." Nginitian niya ito para mawala ang tense na nararamdaman nito. "Ikaw, bakit nandito ka? Wala kabang pasok sa trabaho mo ngayun?" sinimulan narin nitong inumin ang milktea nito.

"Nakaleave ako, nagpapahinga lang. eh ikaw bakit nandito ka?" balik tanong ni Winston kay Yra.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "himala ata wala kang kadate!" biro niya dito.

"Pagkatapos ng nagawa ko sayo, noon ko lang narealise ang lahat ng pagkakamali ko Yra," malungkot na pahayag nito. "kaya bagong buhay muna ako ngayun."

"talaga ba?" hindi si yra makapaniwala sa sagot nito. " bagong buhay o nalaman lang lahat ng mga girlfriend mo na marami sila? Alin don ang totoo?"

"Nakipag-brake na ako sa kanilang! Naisip ko kase na mali lahat ng pinag-gagagawa ko. Nung nawala ka, doon ko lang naisip na hindi sa lahat ng oras makukuha ko ang gusto, na hindi sa lahat ng oras pwede akong maglaro dahil nakakasakit ako ng damdamin ng iba." ramdam ni Yra ang guilt na nararamdaman nito. " Nung nakita kitang may kasama kang iba, daig ko pa sinaksak kaya nagawa ko ang bagay na iyon sayo Yra, Im sorry ulit." muling paghingi nito ng paumanhin sa kanya. "Ganon palaang pakiramdam ng makikita mong may kasamang iba ang taong mahal mo."

Ramdam kita besh! Gusto sana ni Yrang isagot dito. "Now you've learn your lessons! Sana naman ay wag ka ng umulit, and next time pagdumating ung babaeng para sayo, ingatan mo na, para hindi na maulit ang nangyari katulad ng sa ating dalawa."

Itinaas nito ang milkteang hawak at ini lapit sa kanya "Is it okey with you na makipagkaibigan sa akin for old time sake?" Itinaas na rin niya ang hawak na milk tea at idinikit sa baso nito. "friends!" sabay pa silang nagkatawanan ni Winston.

Sa di kalayuan ay may isang pares ng matang nagmamasid sa kanilang dalawa.