Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 168 - WHO'S TO BLAME FOR LORIE'S DEATH

Chapter 168 - WHO'S TO BLAME FOR LORIE'S DEATH

Gabi na nang makabalik sina Marble at Vendrick sa ospital. Pagkabukas lang nila sa pinto ng private room kung saan naka-confine si Kaelo ay saka naman napabalikwas nang gising si Karl na nakaidlip pala habang nakaupo sa silya paharap sa natutulog pa ring bata at ang kanyang byenan nama'y katabi nito habang may kausap sa phone.

"Ma, nanaginip ako kay Lorie. Parang totoong totoo. Hawak niya ang anak namin," kwento nito agad sa inang pinatay bigla ang phone at napatitig sa anak.

Ipinisil ni Vendrick ang kamay sa kanyang balikat habang nakaakbay sa kanya at nakikinig sa usapan ng dalawa.

Mugto ang mga matang tumingin siya sa asawa.

"Maybe it's time to tell them the truth. For Kaelo's sake," usal sa kanya.

"Nangako ako kay ate," malungkot niyang tugon saka sinulyapan si Karl na detalyadong nagkukwento sa ina kung akong nangyari sa panaginip nito.

Hinalikan ni Vendrick ang kanyang ulo saka bumulong.

"She must be in heaven now, honey. There's no hatred there anymore. She would understand your intention," pangungumbinsi nito't humakbang na papalapit sa mag-inang tila nabingi na sa paligid habang panay salita si Karl.

"I even saw Marble carrying the child in front of a salon," ani Karl, malamig naman sa loob ng silid pero tagaktak ang pawis nito sa noo.

"K-kuya--" alanganin niyang tawag sa binata habang nagsimula na uling mamula ng kanyang mga mata at nagbabadya ang pagpatak na naman ng mga luha duon. Muling pumisil sa balikat niya ang asawa, tila ba sinasabing 'wag siyang matakot.

Lumingon sa kanya si Karl ngunit nang di siya masyadong makita ay tumayo na't humarap sa kanila ni Vendrick.

"Marble, do you know where Lorie is? Do You know where my child is?" sunod-sunod na tanong nito, lumapit agad sa kanya ngunit natigil din sa paghakbang nang kagat-labi niyang itinuro si Kaelo sa kinahihigaan.

Napatayo na rin ang kanyang byenan sabay harap sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ng binata sa pagkagulat at agad namutla ang mukha, sabay tingin kay Kaelo, ilang beses na umiling at parang babaeng humikbi pagkuwa'y tinakbo na ang anak at mahigpit na niyakap.

"Ang anak ko! Ang anak ko!" hagulhol na din nito.

Si Cielo nama'y naitakip ang palad sa bibig upang pigilin ang pagluha ngunit sadyang malambot ang puso nito't napahagulhol na rin ng iyak at lumapit din sa bata para yakapin.

Di niya na napigil ang sarili't napaharap kay Vendrick sabay yakap dito, sa dibdib nito muling umiyak.

"Ano'ng nangyari, Marble? Nasaan si Lorie? Nasaan si Lorie?" hiyaw ni karl nang bumaling sa kanya, hilam ng luha ang mga mata. Nang di siya sumagot ay nilapitan na siya't hinawakan sa magkabilang balikat saka ipinihit paharap dito.

"Nasaan si Lorie? Nasaan siya?!" sigaw nito sa kanya.

"Don't shout at her! You just didn't know what she'd been through all these years for raising your own child!" hiyaw na rin ni Vendrick sabay tapik sa mga kamay ng kapatid sa kanyang mga balikat.

Duon lang tila nahimasmasan ang binata saka napayuko habang yumuyugyog ang mga balikat. "Please, tell me where Lorie is," pakiusap na nito.

Nagpakawala siya ng isang buntunghininga habang pinagsisikapang paluwagin ang sumisikip na dibdib.

"M-may MDS din siya at lumala nang maaksidente kayo at--at naging acute myeloid leukemia," pautal niyang sagot.

Napaatras si Karl, tila nanlambot ang mga tuhod na muntik nang mapaluhod sa semento, mabuti na lang ay naikapit nito ang kamay sa gilid ng kama ni Kaelo at duon tila lantang gulay na napaupo.

"Aksidente kaming nagkita ni Ate Lorie limang buwan pagkatapos kong umalis sa inyo. May mga pasa na ang buo niyang katawan at malaki na ang kanyang tyan. Sabi niya, wala raw tumatanggap sa kanyang ospital at clinic dahil---" emosyunal niyang kwento, sandaling huminto saka sinulyapan si Vendrick.

Habang ang dalawa'y matamang naghihintay sa muli pa niyang sasabihin.

"Dahil naka-ban ang kanyang pangalan sa mga ospital na kanyang nilapitan. Naruon pati ang kanyang litrato," pagtatapat niya, nakatitig na kay vendrick na nagtagis agad ang bagang pagkarinig sa kanyang salaysay.

"Mabuti na lang, may ibinigay si Vendrick kay Ate Lorie na ATM card. May lamang isang milyon duon, 'yun ang ginastos niya para magpaconfine sa isang ilegal na ospital," halos hindi na lumalabas ang mga salitang 'yun sa kanyang bibig, nagsimula na namang manginig ang kanyang mga tuhod at napakapit na sa braso ng asawa.

Inalalayan naman siya nitong makaupo sa silyang kanina'y kinauupuan ni Karl.

Napatingin si Karl sa inang tahimik lang na nakikinig sa tabi ng kama ngunit impit na umiiyak habang nakayuko.

"Ma! Ang sabi niyo, hindi niyo makita si Lorie. Hinanap niyo siya pero hindi niyo nakita! Bakit naka-ban ang pangalan niya sa mga ospital, ma? Bakit?!" hiyaw naman nito sa ina, di pa nakuntento't nilapitan na ang huli saka niyugyog din ang mga balikat sa galit.

"Hindi ko alam! Ngayon ko lang nalaman ang lahat sa kwento ni Marble," paliwanag ni Cielo sa pagitan ng pag-iyak.

Nanghihina na namang napaatras ang binata, hilam pa rin ng luha ang mga mata habang di alam kung sino ang sisisihin sa nangyari kay Lorie.

Pero maya-maya lang ay natigilan si Cielo at napatingin sa kawalan.

"Ang sabi ni Keven, ipinahanap daw niya si Lorie noon pero di niya nakita. Pero bakit naka-ban ang pangalan ni Lorie sa mga ospital kung di sila nagkita?" wala sa sariling untag nito sa sandaling katahimikang tanging singhot lang ng lahat ang maririnig maliban kay Vendrick na naningkit lalo ang mga mata sa galit.

"Don't be too naive, ma. Papa knew it from the start. But he was so cruel that he could even kill people!" matigas na sambit ng lalaki.

Tigagal na napatingin dito ang ina, ilang ulit na umiling.

"He'll never do that, Drick. He'll--" Ngunit ito rin mismo ang tila nagkumpirma sa sinabi ni Vendrick saka biglang natigilan at lalong napalakas ang iyak.

"I'll make him pay for this! I'll make him pay for all of these!" hiyaw nito sa pagitan ng pag-iyak.

Subalit nagulat ang lahat nang biglang lumakas ng kwarto si Karl habang nakakuyom ang mga kamao.

Hinabol ito agad ng ina.

Si Vendrick nama'y inayos ang magulo na niyang buhok saka pinunasan ng likod ng palad nito ang kanyang mga luha.

"Stop crying now, baka ikaw naman ang magkasakit dahil sa ginagawa mo. Kanina ka pa umiiyak," pag-aalo nito sabay haplos sa kanyang pisngi.

"Binbin, wala akong kasalanan sa pagkamatay ni ate, 'di ba? Ginawa ko lang ang tama para mabuhay ang anak niya, 'di ba?" aniya dito, garalgal na naman ang boses.

Niyakap siya nito.

"Oo, wala kang kasalanan. Magpapasalamat pa siya sa'yo kasi minahal mo ang anak niya," sagot nito saka bumuntunghininga.

Siya nama'y gumanti ng yakap dito saka napasulyap sa anak na masarap pa rin ang tulog.