Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 169 - KAELO'S BODY IS HEALING ITSELF (1)

Chapter 169 - KAELO'S BODY IS HEALING ITSELF (1)

Madaling araw na'y hindi pa rin makatulog si Marble sa kabila ng pangungulit ni Vendrick na matulog muna siya sa katabing bed ni Kaelo na ipinalagay nito sa loob mismo ng silid na iyon. Hanggang sa makaidlip ang asawa'y gising pa rin siya, inaantay na magising ang anak na mula nang mga sandaling iyon ay mahimbing pa rin ang tulog.

Ngunit kung kelan siya napapikit ay saka naman may kumatok sa pinto kaya napilitan siyang pagbuksan iyon.

"Marble, this is dangerous. May pasa si Kaelo sa katawan, di ba?" bungad sa kanya ng doktor.

"Ha? Wala po, dok," mabilis niyang sagot ngunit nakakunut-noo, pagkuwa'y napalingon sa natutulog na bata.

"In just two weeks, his cancer cells have developed so fast, Marble. Meaning, two weeks na niyang iniinda ang sakit ng kanyang katawan," paliwanag nito at nagmamadali nang lumapit sa bata saka inililis paitaas ang magkabilang manggas nito.

"Dok, hindi siya nasugatan nung nasa Cebu kami, at di rin siya nadapa---" giit niya ngunit natigilan nang makita ang kunting pasa sa taas ng braso nito.

Muling nililis ng doktor ang short ng bata saka ipinakita sa kanya ang kunti ring pasa sa hita nito.

"This is just the beginning, Marble. Mabilis na kumalat ang cancer cells sa katawan niya in just two weeks," nababahalang sambit ng doktor.

Naitakip niya ang palad sa bibig upang 'di bumulyahaw ng iyak sa pagkagimbal.

Humarap ang doktor sa kanya pagkatapos kumutan si Kaelo.

"But I'm examining his blood cells for five hours now. Something strange is happening," dugtong nito pagkuwan, tila nalilito.

Nacurious na din siya. "Bakit dok? Mamatay ba agad ang anak ko? Hindi ba natin siya pwedeng operahan agad ngayon? Andito ang ama niya, dok. Baka pwede na tayong magpa-bone marrow transplant sa kanya ngayon din," tuliro niyang wika sa takot na baka sa mga oras ding iyo'y mawala sa kanya si Kaelo.

Napatitig sa kanya ang doktor ngunit naruon pa rin ang pagtataka sa mga mata.

"It's not about the operation that I'm thinking right now. It's about Kaelo himself. I mean his own body," anang doktor.

Confused siyang napatitig rito.

"What do you mean?" usisa niya.

"You see, the cancer cells are multiplying 2 times per hour, it's very fast specially for Kaelo's age kaya merun na siyang mga pasa sa ganun lang kaikling panahon," simula nito sa pagpapaliwag, muling tumingin sa bata, pagkuwa'y bumaling uli sa kanya.

"But, what confuses me is his antibodies."

"Antibodies?" Lalo siyang nalito sa gusto nitong sabihin.

"I'm not sure about this Marble, kaya nga ilang oras na akong nasa laboratory, pinag-aaralan ang dugo niya. I'm really curious of Kaelo's body. You see, his body is producing antibodies that could kill a certain cancer cell. Habang nagmumultiply ang cancer cells sa katawan niya, nagmumultiply din ang specific antibody na pumapatay sa bawat cancer cell which is very strange," mahabang paliwanag nito.

"Leukemia is a fatal disease na pwede lang gumaling ang merun nito through bone-marrow transplant and chemotherapy, but Kaelo's body is producing it's own antibody that's killing the cancer cells."

Napaawang ang mga labi niya sabay titig sa kanyang anak. Ibig sabihin, hindi kailangan ni Kaelo ng operation kasi sadyang lumalaban ang katawan nito sa kahit ano'ng sakit merun ito?!

Natawa siya sa naisip, natawa uli hanggang sa napalakas iyon habang tumutulo ang kanyang mga luha.

Hinawakan siya ng doktor sa magkabilang balikat.

"I just came here to inform you about what I discovered in Kaelo's blood pero kailangan ko pa ring ma-confirm kung tama nga ang nadiskobre ko. Kukuhanan ko uli siya ng dugo later," sambit nito saka nagmamadali na ring lumabas sa silid na iyon.

Naiwan siyang tila nakakita ng anghel. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha sa sinabi nito at tahimik na napaluha.

"Diyos ko, maraming salamat po. Maraming salamat po," usal niya habang nakatingala sa kisame saka umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng anak.

Kahit noon pa man, nagtataka na siya kung bakit sa dami ng mga naging sakit nito mula nang isilang ay heto't buhay pa rin ang kanyang anak. Marahil nga ay totoo ang sinabi ng doktor ngayon lang. May hiwagang nangyayari sa mismong katawan ng bata habang lumalaban sa sakit nito.

Isa iyong blessing galing sa Diyos na dapat nilang ipagpasalamat.

Kaelo's body is healing itself. Nakakatuwa. Hindi niya akalaing ganun kalakas ang katawan ng kanyang anak.

Ibig bang sabihin, habang ang iba'y nagpapa-chemotherapy at nagpapa-bone marrow transplant para tuluyang matanggal ang sakit na leukemia o iba pang cancer, ang kanyang anak nama'y nagpo-produce ng sarili nitong gamot para panlaban sa leukemia?

Magaling lang siya sa numero at nakapag-aral lang siya ng vocational kaya marunong siya mag-English. Pero pagdating sa Science, mahina siya duon. Ni di nga niya gaanung maunawaan ang sinasabi ng doktor na antibodies.

Subalit batay sa paliwanag nito, talagang lumalaban ang kanyang anak sa sakit. Mismong katawan nito ang nagpapakawala ng isang pangontra para sa cancer.

Sana nga tama ang pagkakaunawa niya. Sana nga hindi mawala sa kanya si Kaelo. Ito na lang ang tanging alaalang naiwan ng kanyang Ate Lorie sa kanya.