Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 170 - KAELO'S BODY IS HEALING ITSELF (2)

Chapter 170 - KAELO'S BODY IS HEALING ITSELF (2)

Gising na si Vendrick nang bumalik ang doktor kasama ang isang nurse upang magbantay pansamantala sa natutulog pa ring si Kaelo.

"Dok, bakit tulog pa rin hanggang ngayon ang anak ko?" nag-aalala nang usisa ni Marble nang lumapit ang doktor sa bata at kuhanan uli ito ng dugo.

"His body is working kaya kailangan niya ng pahinga," panatag na sagot ng tinanong saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Vendrick.

"Is he Kaelo's father?" ito naman ang nagtanong sa kanya.

Umiling siya. "Yung isa pong nandito kanina, dok."

Tumango lang ito. "Come with me, both of you. I'll show you something," anang manggagamot saka kinausap muna ang kasamang nurse bago nagpatiunang lumabas ng silid na iyon.

Magkahawak-kamay silang sumunod ni Vendrick. Bumalik sila sa clinic ng doktor. Ipinapanood nito sa kanila ang kinuha nitong video ng examination sa dugo ni Kaelo.

"Look at his blood," turo nito sa screen ng computer sa kanilang harapan ni Vendrick.

Batay sa nakikita nila, halos kulay violet na ang dugo ni Kaelo dahil sa mabilis na pagdami ng cancer cells niyon.

"As you can see, the cancer cells are growing fast in just an hour. Look closely as they almost infected Kaelo's blood cells," anang doktor.

Pinagmasdan nga nilang mabuti ang almost 8 hours na examination ng doktor sa patak ng dugo ng bata. Kung kelan halos lahat na ay apektado ng cancer cells, merung kulay bughaw na munting tuldok na nangibabaw at unti-unting sumisira sa mga cancer cells, padami iyon nang padami hanggang sa tuluyan nang mapuksa ang cancer cells sa dugo ni Kaelo.

"Those violet areas are cancer cells and the blue one is Kaelo antibody that has been produced when that cancer cells had reached their maximum level. Meaning, hinahayaan lang muna ng katawan nitong ma-invade ng kahit anong klaseng sakit bago ito mag-produce ng antibody na panlaban sa sakit na yun," mahabang paliwanag ng doktor saka bumaling sa kanya.

"You even saw it hours ago, right? May mga pasa na si Kaelo sa mga braso at hita niya, it was because, he wasn't producing antibody yet. Hinintay munang mag-reach ng 99% ang level ng cancer cells sa kanyang katawan," patuloy nito sa pagpapaliwanag.

Nagkatinginan sila ni Vendrick. Ibig sabihin, pinalalala muna ng katawan ni Kaelo ang kahit anong sakit? At kung kelan delikado na ang lagay nito, saka lang nito kusang ginagamot ang sarili sa pamamagitan ng papakawala ng isang specific antibody para sa naturang sakit?

"Meaning, he isn't dying anymore?" Nagliwanag bigla ang mukha ni Vendrick ngunit gustong makaseguro sa nalaman.

"In normal patients, of course this is a fatal disease, most of them die when they're not treated with chemotherapy and transplant. But in Kaelo's case, he doesn't need to undergo such treatment because his body is producing its own antibody to fight whatever disease he has," mahaba nitong sagot saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila, pagkuwa'y sa screen na uli ng computer sa ibabaw ng work table nito.

"Dati akala ko, nagkakamali lang ako ng obserba kasi di naman nagdedevelop ang cancer cells sa katawan niya. Pero ngayong nag-develop na, saka ko lang nalamang ganyan ang nangyayari sa kanyang katawan," patuloy nito.

Napahalakhak sa tuwa si Vendrick sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

"I told you! God is with us, Marble. Hindi Niya tayo pinababayaan! Ibinigay niya sa atin si Kaelo!" malakas nitong wika sa pagitan ng paghalakhak.

Napahagikhik na rin siya, mangiyak-ngiyak sa sobrang tuwa. Di na niya kailangang mag-alala lagi para sa anak mula ngayon.

'Salamat po Diyos ko! Maraming salamat po!' hiyaw ng kanyang isip habang mahigpit na ring nakayakap sa asawa.

Pero maya-maya'y kumawala siya sa pagkakayakap kay Vendrick at bumaling sa doktor.

"Kelan po magigising si Kaelo, dok? Bakit hanggang ngayo'y tulog pa rin po siya?" usisa niya rito.

Ini-close muna ng doktor ang video sa computer saka naglakad palapit sa pinto ng clinic.

"I'll check him now," saad nito't lumabas na sa clinic. Sumunod na naman sila pabalik sa kwarto ng anak.

Duo'y nadatnan nila si Karl na nakikipagtalo sa nurse na nakabantay duon.

"Hindi mo ba nakikita? Hanggang ngayo'y tulog pa rin ang anak ko! He might be in a coma pero wala ka man lang ginagawa para sa kanya! Ano'ng klase kang nurse?!" sigaw nito sa namumutla nang nurse.

"Sumusunod lang po ako sa pediatric oncologist niya. Di siya pwedeng galawin hanggat walang pahintulot si dok," katwiran naman ng nurse na natahimik din pagkakita sa kanilang nagmamadaling lumapit sa binata.

Si Vendrick ang unang nakalapit dito at hinawakan sa braso ang kapatid.

"Relax kuya. Kaelo's okay. You don't have to worry anymore," kampante nitong wika sa kapatid.

Nagsalubong agad ang kilay ng binata.

"No! He's not okay. Ni hindi pa siya kumakain hanggang ngayon. Kahapon pa siya natutulog," salungat nito.

"He's just okay, his heartbeat is normal. He's only sleeping. But we can't do anything right now to wake him up," pakaswal na sagot ng doktor pagkatapos i-check ang heartbeat ng bata.

Pero hindi pa rin mapakali ang binata't sinalat na ang noo ng anak kung maysakit ba pero normal ang temperatura nito. Saka lang ito tila nahimasmasan.

"Kuya, ganun talaga si Kaelo pag natutulog, umaabot nang mahigit 12 hours. Pag nagising, kakain lang tapos matutulog uli, sa sunod araw naman uli magigising," paliwanag na niya sa kapatid ng asawa.

Dati nagtataka rin siya kung bakit may mga pagkakataong ganuon ang anak. Ang haba ng tulog sa isang araw. Ngayon niya lang naunawaan ang lahat dahil sa natuklasan ng doktor. Habang tulog ito'y ginagamot nito ang sariling katawan. Kahit may sakit ay tila di ito apektado kaya lagi itong masigla. Pero kapag malala na ang sakit ay saka lang ito nanghihina at nakakatulog nang matagal kesa sa mga ordinaryong bata, magigising lang at kakain, tapos ay matutulog uli.

Muling pinagmasdan ni Karl ang anak at biglang nagliwanag ang mukha nang gumalaw ang mga kamay saka dahan-dahang nagmulat ng mata, inilibot muna ang paningin sa buong paligid saka ngumiti kay Karl na nasa harap lang nito, pagkuwa'y dahan-dahang bumangon, inalalayan naman ito ng ama.

"Mommy, I want Mang Inasal," mahina nitong sambit nang mapasulyap sa kanya.

"I already bought it for you, Kaelo!" bulalas ng binata saka sinenyasan si Vendrick sabay turo sa paper bag na nasa ibabaw ng silya sa tapat ng bed.

Nagmamadaling kinuha iyon ng kanyang asawa, siya nama'y tinulungan na si Karl na pabangunin ang anak habang ang doktor ay ini-check uli ang heartbeat ng bata, isinabay na ang temperature nito at nang masegurong normal ang lahat ay saka lang tumayo sa isang tabi at kinausap ang nurse na lumapit na rin dito.

Inayos nila ang upo ni Kaelo saka hinayaang kumain sa ibabaw ng bed. Halos limang minuto lang ang lumipas ay tapos na itong kumain saka uli nahiga at nakatulog agad tulad ng sinabi niya kanina.

Sa wakas, lahat ay nakahinga nang maluwang nang mapatunayan nilang okay lang ang bata.

Subalit kung kelan okay na ang lahat ay saka naman biglang tumawag sa phone ni Karl si Chloe, ang kanyang hipag.

"Hey! Where are you people?!" singhal nito sa binata.

"We're in the hospital," mahinang sagot nito saka bahagyang lumayo sa bed ni Kaelo at tumalikod sa kanilang mag-asawa ngunit napaharap din sa kanila pagkuwan saka salubong ang kilay na napatitig sa kanya.

"Bakit mo ibebenta sa foreign investor ang LSO bank?" kunut-noong tanong nito.

"Ha?! bulalas niya.

"Ano'ng ibebenta? Ni di ko nga alam kung ano'ng merun duon," maang niyang balik-tanong rito saka nagtatanong ang mga matang tumingin kay Vendrick na nalito din sa sinabi ng kapatid.

"Chloe is here asking me why papa is selling the LSO bank to a foreign investor. Bakit daw pumayag si Marble na ipamana kay papa yung LSO bank," paliwanag ng binata.

Inilang hakbang lang ni Vendrick ang pagitan nito at ni Karl saka hinablot sa huli ang phone.

"Hello Chloe. What's happening out there?" usisa agad ng kanyang asawa.

"Papa is selling the LSO bank to Mr. Barclay, a well-known philanthropist in USA. Ipinakita nga niya sakin ang dokumentong pinirmahan ni Marble na inililipat nito sa pangalan ni papa ang pagmamay-ari ng LSO bank, and I thought it was authentic!" aburidong saad ng dalaga sa kabilang linya.

Salubong agad ang kilay ni Vendrick na napatingin sa kanya ngunit agad din siyang umiling nang maunawaan ang gusto nitong ipahiwatig.

"Wala akong pinipirmahang kahit ano'ng dokumento, Vendrick," giit niya.

"Where is he now?" tanong ng asawa sa kausap sa phone habang si Karl ay naisabunot ang kamay sa buhok sa galit sa ama dahil magdamag nitong hinanap ang huli ngunit di nakita, hanggang ngayon nga'y hinahanap pa rin ito ng inang si Cielo.

"I don't know. Kanina pa siya umalis rito. Kanina pa kita tinatawagan pero di kita makontak. Si mama, di ko rin mahagilap. Ngayon ko nga lang nakontak ang number ni kuya," sagot ng kapatid.

"Do all the shareholders know about this?" tanong ni Vendrick.

"No, ako lang ang nakakaalam,"

Pagkatapos marinig ang sagot ng dalaga'y ini-off na ni Vendrick ang phone at ibinigay sa kapatid saka bumaling sa kanya.

"Marble, I have to find papa. Kailangan ko siyang makita. Dito ka muna," paalam nito saka pinisil lang ng kamay ang kanyang balikat at nagmamadali nang naglakad palayo.

"Binbin, sasama ako!" habol niya subalit nakakadalawang hakbang pa lang siya nang biglang makaramdam ng pagkahilo at napahinto sa paglalakad.

"Binbin---" tawag niya sa asawa habang sapo ang noo.

Agad namang napalingon si Vendrick.

Pinilit niyang humakbang pasulong ngunit bigla na lang nagdilim ang buong paligid at tila lantang gulay na babagsak sana sa semento kung hindi mabilis na kumilos ang asawa at tumakbo palapit para saluhin siya.

Si Karl nama'y ganun din ang ginawa pero naunahan ito ng una.